Sa bawat araw na lumilipas, nagiging maganda ang takbo ng lahat. Napapansin na ni Daddy ang pagiging malapit namin sa isa't isa ni Sharon at kapag naman nagtatanong siya ay hindi ko naman maiwasang mahiya. Like.. Kahit sino naman ay mahihiya kung biglaan na lang ang paglapit ng loob mo sa babaeng parang ilang linggo lang ang nakakalipas ay kinamumuhian mo lang, di ba? "Tigilan mo nga siya, Orlan." Reklamong biro ni Sharon kasabay ng pagbato ng marshmallow sa mukha ni Daddy na ikinatawa nito. Madalas kaming magtungo sa mga camping sites upang magpalipas ng gabi. Ito na rin ang bagay na madalas naming ginagawa sa tuwing off silang dalawa sa work at habang wala akong pasok sa school. Madalas kaming magtungo sa mga hiking spots na madalas rin nilang puntahan noong pareho pa ailang mga bi

