Chapter 35

1121 Words
Agad kong inakbayan si Kyla ng makita ko sya dito sa gate. “Yo Kyla mah men!” bati ko sa kanya at agad na humiwalay ng bigla syang nang hampas. “Ang panget ng good morning mo Clean. Muntik na kitang masapak.” Tapos inirapan pa ako. “Woah! Bad mood?” tanong ko naman at sumabay na sa kanya maglakad. “Hindi lang maganda gising ko. Sila Stella pala?” tanong pa nya kaya agad kong inopen yung phone ko. “Magkasama na daw sila ni Janina sa open field.” Sagot ko naman sa tanong nya tapos tumango sya. “Pansin ko lang Clean ha, lately lagi kang hyper at masaya times two kesa sa dati.” Sabi pa nya na ikinatulala ko kaya hindi ko namalayang may naka-angat palang bitak ng semento sa harap ko kaya.. Bumangga doon ang paa ko at sa kasamaang palad ay nawalan ako ng balanse! s**t! Napadilat ako ng maramdaman kong may umakap sakin sa harapan ko para hindi ako masubsub ng tuluyan kaya ang ending ay napayakap din ako at dahan dahan ng umayos ng tayo. “Yung totoo Clean? Totoo noh? Nawala ka sa focus eh.” Nakangising sabi sakin ni Kyla na ngayon ay nasa harapan ko na. What the heck.. hinuhuli nya ba ako?! Agad naman akong humalakhak ng malakas para naman hindi na ako masyadong obvious. Sa ganitong sitwasyan na macocorner ka na, mas mabuting tumawa ka muna para syempre para maweirduhan sayo yung kumocorner sayo at nang sagayon ay makaalis ka sa corner na yun, ganern. “Baliw! Guni guni mo lang yun Kyla! Tara na nga, aga aga nananaginip ka.” Sabi ko pa at nauna ng lumakad kaya sumunod naman sya sakin. “Pakyu ka Clean! May pinipili bang oras dapat ang pananaginip?” sabi pa nya na agad kong pinag-isipan. “Wala naman pero pinipili nya kung lalabas ba sya sa tulog mo.” Hindi ko pinag-isipang sagot na ikinakunot ng noo nya. “Ano daw?” clueless na tanong nya kaya agad akong natawa. The heck! Ligaw na ligaw na ang utak ni Kyla hahaha! Tumakbo agad ako papunta kila Stella at iniwan syang nag-iisp don. Aba bahala sya dyan, yung isinagot ko nga di ko napag-isipan tapos pinag-iisipan nya pa yun? Talagang clueless ending non! “Stella!” sigaw ko sabay upo sa tabi nya at sinagi pa sya ng malakas kaya halos mapahiga sya. “Gago ka Clean! Napakahyper ah!” sigaw naman nya sakin sabay tulak din sakin na ikinatawa ko. “Oyy si Clean parang tanga sobrang good mood. Ano kinain mo? Pahingi din ako gusto kong matikman!” sabi pa ni Janina na ikina bato ko sa kanya ng stick na nahagip ng palad ko ngunit nailagan naman nya. “Good mood mismo ang kinain ko at hindi mo sya pwedeng makain dahil naubos ko na.” pabalang ba sagot ko na ikinakunot noo din nya na parang naweirduhan. “Tangina mo.” Malutong na pagkakasabi ni Jannina sabay upo ni Kyla sa tabi nya kaya natawa kaming tatlo pero agad akong napahinto ng may napansin ako. “Mga tunay kayong kaibigan ah! Kanina nyo pa ko pinaaalmusal ng mura! Kanina si Kyla, tapos Stella at ikaw naman ngayon Janina?!” nagdadamdam na sabi ko kaya agad nila akong tinitigan ng masama. “Ulol!” sabay sabay na sigaw nila na ikinanganga ko. “Tara na nga iwan na yan si Clean nakakabwisit.” Sabi ni Kyla sabay tayo. “Tara na tara na wala namang dalang pagkain yan alis na tayo.” Tapos tumayo na din si Janina. “Oo nga ang drama sa umaga eh.” Sabi pa ni Tela at tumayo din tapos lumakad na sila at iniwan talaga ako. “Mga bwisit kayo!!” sigaw ko naman sabay tayo at ng makita ko silang nagtawanan at tumakbo ay don ko lang narealize na napagkaisahan na ako bago pa ang lahat. Maduduya! Di ako sinama sa group text! /// Lunch break na at kasalukuyan na kaming naglalakad ni Stella papunta ng cafeteria. “Tela, may tanong ako sayo.” Pagbubukas ko ng topic kaya naman ay napatingin sya agad sakin. “Sige tanong lang sasagutin ko lahat yan ng maliwanag.” May assurance na sabi nya kaya sinimangutan ko sya. “Paano kung.. paano kung.. sabihin ko na kila Kyla yung about samin ni Miss Xandra?” mahinang sabi ko na agad nyang ikinahinto. Tumingin sya sa paligid tapos sinenyasan nya akong alis kami sa hallway na yun kaya sumunod naman ako sa kanya at andito kami sa hallway na wala masyadong nagdaraan dahil papunta na ito ng maintenance room. “Seryoso ka ba dyan Clean? Sasabihin mo na kila Kyla?” gulat na gulat na tanong nya na agad ko namang ikinatango. “Bakit? I mean.. anong mayroon? May nakakaalam na bang iba?” nag-aalalang tanong nya pa kaya agad akong natawa. “Baliw wala pa! Ikaw palang, tanda mo yung sinsabi mo sakin dati?” tanong ko pero umiling sya. “Yung sabi mo na, hihintayin ko pa bang mahuli nila ako kagaya ng kung pano mo ako nahuli bago pa ako magtapat sa kanila?” paalala ko sa kanya kaya agad naman syang tumango. “Okay lang naman Clean kaso baka magtampo sila kapag nalaman nilang alam ko na?” nag-aalala ding sabi ni Stella. Solid kasi kaming apat, pag nag-aaway kami puro biruan lang tapos sobrang vocal din kami kagaya ng kung anong nais naming sabihin ay sinasabi namin kaya kahit na may tampo yung isa sa isa ay naaayos agad dahil nadadaan sa biruan. Ang natatakot lang ako is baka maging serious damage kapag nalaman nilang may sikreto ako at alam ni Stella edi baka magalit sila or what na ayoko namang mangyari sa aming apat. “Edi magpanggap ka na lang na nagulat kagay nung kung pano mo kami nahuli tapos magtanong tanong ka na lang.” sabi ko na lang kay Stella tapos napatingin sya sakin na parang nag-iisip. Pumikit sya at huminga ng malalim tapos ngumiti. “Oh sige, magwowork naman yun diba?” sabi pa nya kaya napangiti agad ako. “Don’t worry Clean! Suportahan kita.” Sabi pa nya tapos nagnagitian kami at maya maya lang ay napabuntong hininga kaming sabay. “Pero kailan mo sasabihin?” tanong pa nya na ikinaisip ko agad. “Mamaya after training magmall na lang tayo.” Agad kong sabi na ikinangiti nya din. “Sabik ka sa mall Tela?” agad kong hirit sa kanya na ikinatawa nya. “Naman! Nakakamiss magmall eh.” Sagot nya at sabay na kaming lumakad ulit pabalik ng cafeteria. Matatanggap naman nila diba? Pero kabado pa din ako eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD