Chapter 33

1358 Words
“Ahh, nagpatulong ka pala kay Stella.” Comment ni Xandra ng ikwento ko na nagpatulong ako kay Stella. “So, what’s with the.. hmm, calendar? Heart? Smiley emoji? And, wait.. is that may ID picture?” sabi pa nya habang tinitignan ang mga pictures sa walls ng box. “Oo hahaha! Nakuha ko sa.. sikreto basta!” sabi ko na lang at tinitignan ang reactions nya. “A hidden message huh?” sabi ko nga makukuha agad nya yung meaning nung mga nakapalibot eh! Simple lang naman kasi.. sa totoo lang ay gusto ko lang talaga syang makasama ng solo sa first month namin. Yung hindi masyadong magastos kumbaga simple lang ganon, bonding lang, dahil hindi naman nasusukat sa gifts and surprises kung gaano kayo nagmamahalan diba? Napangiti naman sya tapos yumuko pa kaya naglaglagan ang buhok nya sa bandang kanang bahagi ng mukha nya. Hindi ko alam pero.. dahan dahan kung hinaplos ang buhok nya at ako mismo ang naglagay non sa likod ng tainga nya. Nakita ko namang natigilan sya at napatitig din sakin. Malapit lang kami at kita kong namumula sya. “Nakuha mo ba yung hidden message?” tanong ko sa kanya ng seryoso. “Happy monthsary too, Clean.” Deretsong sagot nya at lumapit sakin dahan dahan, pumikit naman ako pero.. “Lady Alexandra.” Tawag ng isang tao na nasa labas ng tent. Napabuntong hininga naman sya at gumapang palabas habang ako ay napalipbite at napahawak sa labi ko. Ayon na eh! Sabi ko nga diba, solo dapat kami.. solo! Kaso.. ugh! Kinuha ko yung box tapos kinalas na lang yung nasa gitna habang hinihintay si Xandra. Pagbalik nya ay umupo sya sa harap ko tapos inabot ko naman sa kanya ang pictures. “Sabi na kinukuhaan mo talaga ako ng pictures.” Natatawang sabi nya habang tinitignan isa isa hahahaha! Alam ko namang mahahalata nya yon pero syempre patay malisya lang ako noh. Some pictures was taken nung unang araw ng pasukan tapos yung iba ay sa bahay na, kagaya ng pag nagbabasa sya ng libro tapos kumakain. Wala lang gusto ko lang syang picture-an, at di ko naman akalain na magagamit ko sya as a surprise. “Why pictures Clean?” tanong nya tapos napangiti na lang ako. “Pictures kasi.. para syang CD na magpeplay na lang bigla sa isip mo once na makita mo sya kumbaga.. maaalala mo yung happenings whenever you see those pictures. Umm.. corny ba?” tanong ko pa pero tawa lang ang sinagot nya. Grabeng Xandra to! Pulang pula na kaya ako kasi malay ko ba naman wala naman kasi akong idea! Di naman ako palabasa ng romance tapos kung may nabasa ako sobrang luxurios or cliché like pupunta sa magandang view.. eh nagawa na namin yun kagaya sa Pangasinan tapos sa beach nila Stella. Tapos kung magsurprise naman ako ng sobrang garbo.. saan naman? Wala talaga akong idea as in! Basta gusto ko magbigay ng present period! “Hindi naman sya corny pero.. bakit pictures ko? Diba dapat pictures mo ang ibigay mo sakin?” tanong pa nya tapos tumingin sakin. Sabi na! Alam kong magtatanong sya ng ganyan kaya naman syempre prepared ako! Huminga ako ng malalim tapos napalipbite habang inaabot ko sa kanya yung wallet size kong picture. Tinignan ko yung reaction nya tapos nakita ko pa syang namula. Oh-uh.. mali ata yung picture na napili kong kunan. Well, yung nasa picture kasi ay kakatapos ko lang mag jogging tapos may gloves din akong black non dahil lumambitin ako sa bars ng park then.. nakashorts lang ako at sports bra. Kuha sya sa full length mirror na nakatayo ako at nakatitig pa ako don sa camera then yung bandang labi ko yung natatakpan ng phone ko. Nauna kasi syang bumaba that day at naisipan ko lang mag picture.. and it turned out good naman at bakat pa yung abs ko dahil sa pawis ko. Tapos.. wala lang naisipan ko lang iprint in case of emergency.. kaso ako na ata ang nasa emergency ngayon eh! Ang tagal na kasing tinititigan ni Xandra yung picture! Napalunok ako ng ngumisi sya ng pilya. “Diba sabi ko don’t expose your body too much in front of me?” tanong nya na ikinangiti ko ng alanganin. “Oo?” “Hinahamon mo ako Clean.” Sabi pa nya tapos bigla syang lumapit sakin at hinawakan ako sa batok ko at hahalikan na sana ako kaso.. “Lady Alexandra.” Oh damn it! Napahinto sya at dumistansya sakin ng konti. Kitang kita kong nagsalubong ang kilay nya at mukha na syang galit.. oh s**t. First time kong makitang mukhang galit si Xandra! Hala.. nakakatakot! Pero.. maganda pa din times two pa nga eh! Lumapit sya don sa entrance ng tent and this time ay nakinig na ako sa conversation nila. “What?” masungit na bungad nya don sa tumawag sa kanya. “Yu – yung tita nyo p – po na – nasa pho – phone – “di pa tapos yung nagsasalita ng bigla syang magsalita. “I don’t care whomever who wants to talk to me but please.. this will be the last time that you’ll disturb me tonight or else.. get lost forever. Nakuha mo?” mapagbantang sabi nya don sa kausap nya na kahit ako ay tinayuan ng balahibo. Nakakatakot palang nabibitin ang isang Alexandra Sison! “O – opo. Sorry Lady, sorry.” Tapos kumaripas na sya ng takbo. Naupo naman si Xandra at napabuntong hininga. Ngumiti naman ako sa kanya. “This tent is not safe anymore. Doon na lang tayo sa kwarto ko magbonding.” Ako lang ba o sadyang.. may ibang kahulugan yung bonding na yun? Badness. Sumunod naman ako sa kanya bitbit yung bag ko at talagang naglagay pa sya ng signage sa labas na walang iistorbo sa loob. Ano ba kasing nais nya at ayaw paistorbo? Sheeeeet! “Now.” Rinig kong sabi nya at nagulat na lang ako ng yumakap sya sa batok ko at sinandal ako sa pader tapos inilapit nya ang mukha nya sakin pero agad ding napahinto dahil sa nagriring na ang phone ko ngayon sa bulsa ko. “Really?” dismayadong sabi nya tapos umungol pa sya na sobrang frustrated. Hahahaha! Gusto ko sanang tumawa kaso baka kainin na nya ako eh! Lumayo naman sya kaya agad kong sinagot ang tawag kahit na number lang. “Hello?” “Miss Clean!” hyper na sigaw ng nasa kabilang linya na kilalang kilala ko. “Ashley?” napatingin naman si Xandra sakin kaya nagkibit balikat ako. “May date po kami bukas ni Miss Stella sa amusement park. Gusto nyo po bang sumama? Kahit magsama na din po kayo ng isa!” yaya nya na agad kong ikinatawa. Talaga? May date sila ni Stella sa amusement park? At pano naman nya napapayag si Stella? Ibang klase! “Sorry Ashley pero hindi ako makakasama may lakad kasi ako bukas kayo na lang.” maayos na pagtanggi ko sa offer nya. “Alam mo Miss Clean, masaya akong tumanggi ka. Gusto ko din pong masolo si Miss Stella eh.” “Hahaha! Sabi na, pero paano mo nakuha ang number ko?” tanong ko pa. “Sa phone po ni Miss Stella! Yun lang po Miss clean, salamat!” “Kaya pala. Sige sige.” Sabi ko na lang at binaba na ang call tapos silent mode agad para di na maging dragon si Xandra at tinago ito sa bag ko. Nakatingin lang sakin si Xandra hanggang sa makatabi ako sa kanya. “Si Ashley nagyaya sa amusement park kasama si Stella. “Bakit tinanggihan mo?” tanong naman nya na ikinangiti ko. “Kasi gusto din kitang masolo eh. Pero gusto ko sana sa amusement park din tayo?” request ko pa sa kanya na ikinagiti nya. “Sure, matagal na din nung huli akong makapunta ng amusement park.” Sabi nya pa, tingin ko excited din itong si Xandra hahaha! Tumatawa pa ako ng bigla syang tumayo at itulak ako pahiga sa kama kaya nabitawan ko ang bag ko at napahiga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD