Clean’s POV Hapon na pero watak watak pa din kami at bukas na ang huling araw namin dito dahil nakapagdesisyon kaming hapon na lang umuwi at para maagang makapagpahinga bago bumalik sa kanya kanya naming buhay. Hinagis ko yung stick sa dagat sabay buntong hininga. “Tanginang yan, ano? Nag-outing ba tayo para magkanya kanya!?” sigaw ko sa dagat na ikinatawa ni Stella kaya agad ko syang pinakyuhan. “Gago ka talaga! Malamang may cold war sa pagitan natin dahil sa dalawang mag-ex na yun noh!” sabi ni Stella na ikinalingon ko sa mga kasama namin. Magkakasama sila Polaris, Xandra, Alice at Florintina tapos magkakasama naman si Ashley, Jewel at Valerie na kanina pa langoy ng langoy. Si Janina at Kyla naman ay kumakain sa duyan tapos kami ni Stella andito sa palagi naming tambayan. “Pano kaya

