Prologue

967 Words
Napasimangot ako ng nalaglag nanaman ang tip ng arrow habang hawak ko ang dulo. “Ano ba yan!” rinig kong inis na sigaw ni Stella sa tabi ko na ganon din ang nangyari. P.E.  class namin ngayon at ang sports ay archery. “Class, 40% ang mga practical natin dahil dyan ko malalaman kung may natututunan ba kayo sa lessons natin.” Rinig kong sabi ni Miss habang nag-iikot sya. “Suko na ako!” inis na inilapag ni Stella sa bleachers ang bow and arrow nya. Pfft! Ang highblood talaga ng isang yun! Pero mas highblood sya kapag panglan ni Ashley, pinag-uusapan si Ashley, nakikita si Ashley at kahit anong Ashley! Bibitawan ko na din sana ang bow and arrow ko kaso nagulat ako ng may pumwesto sa likod ko at hinawakan ang kamay ko. Shit! Kilalang kilala ko ‘to! “It’s nice having around an archery varsity that’ll help their classmates to improve. Keep it up Miss Xandra.” Nakangiting sabi ni Miss habang nakatingin sa likod ko tapos lumakad ulit. Told you! Kilalang kilala ko sya! Dahil sya ang aking... okay tama na Clean. “Talaga bang hindi ka marunong o gusto mo lang na turuan talaga kita?” bulong nya kaya agad kong nailayo ang ulo ko sa kanya. “Xandra! Behave ka nga.” Nakapout na bulong ko. “I’m behaving, so answer my question.” Bumuntong hininga muna ako at sinunod ang pag-guide nya sakin. “Di talaga ako marunong. Ito yung sports na ayaw naming magkakaibigan.” Pag-amin ko pa. Totoo! Basta pagdating sa target target na ganito? Wala! Bagsak kami! Tinry namin ang dart, archery, riffle shooting at kung ano ano pa kaso wala eh. At ang pinakaworst samin? “Oh my gosh Miss Montefajar! Muntikan mo ng matamaan ang classmate mo!” sigaw ng teacher sa kabilang room na rinig na rinig hanggang dito sa kinalalagyan namin. Now, kilala nyo na? Lumingon kaming lahat don at kitang kita sa glass wall na nagsosorry si Janina ng wagas habang si Kyla naman ay nakatakip sa mukha nya, malamang nahihiya na yun sa ginawa ni Janina hahaha! Nakagat ko ang labi ko ng maramdaman ko ang pagkabasa ng tainga ko. “Will you focus?” sinundan pa ng bulong kaya napayuko ako. “Xandraaa! Wag mo ako i-tease dito, baliw ka! Pano pag may makakita?” kinakabahang lingon ko sa paligid. “Don’t care, im yours anyway.” “Sige na sige na, yan ka nanaman sa mga banat mo.” Mahinang kinikilig na bulong ko sa kanya. “I really want to giggle right now but I badly can’t ‘cause your best friend is looking at us intently. Don’t look, keep focus.” Lilingon sana ako kaso sabi nya nga ay wag lumingon kaya hindi ako lumingon. Si Stella? Tingin ko nga nakakahalata na sya. Gaya nga ng sabi ko, malakas mairamdam si Stella na syang ikinakatakot ko. Pero mas nakakatakot kung magtatago pa ako diba? Napanganga ako ng bitawan ni Xandra ang kamay ko at sakto sa bull’s eye ang arrow. “Woah!” sigaw ko kaya naagaw ang atensyon nilang lahat. “Nice Miss Logan keep it up!” papuri ni Miss kaya agad akong napangiti. “Thank you.” Bulong ko kay Xandra. “No worries. Mauna ka ng umuwi mamaya ha? May meeting pa ako. Take care.” Mahinang sabi nya at umalis na sa likod ko tapos pumunta na sya sa iba naming mga kaklase. It’s been a week since nung trip at kahit papaano naging close naman kaming lahat lalo na nung pauwi. Damn! Pag naaalala ko talaga yun di ko alam kung isasama ko sa happy memories or worst eh! Lalong nung pauwi? Badness! Tuwing naaalala ko yun kinikilabutan talaga ako! Imagine may manong na naglalakad na nakasumbrero tapos naka-usap pa mismo ni Stella? Shet! Kaya ba di ko makita ang mukha nya dahil mumu sya? Nakakatakot talaga! Pero kahit na natakot kami that night ay sinunod ko naman ang direksyon na sinabi ni manong kahit na nagtitilian at nag-uusap ang ibang tungkol kay manong na bigla na lang nawala. Goodness dahil kahit papaano ay nakalabas naman kami ng gubat at nakauwi bago magmadaling araw! Lumapit ako kay Stella na ngayon ay nakasimangot na umiinom ng tubig. “Bakit ang highblood mo ngayon Stella?” tanong ko sa kanya at uminom na ng tubig. “Clean para namang di mo ako kilala.” Taas kilay na sabi nya sakin kaya napakunot noo ako. You mean… lumapit pa ako kay Stella at bumulong sa kanya. “Mayroon ka?” Tumango tango sya tapos umayos ng upo. “Di ako mapakali nakakainis, tapos pag may gagawin ako nakakainis din hays.” “Stella si Ashley.” “Gago ka Clean! Wag mo nga kong pinagtitripan sa batang yun!” inis na sabi nya sakin pero agad agad akong umiling. “Seryoso kasi!” tapos tinuro ko pa ang pintuan. Lumingon naman sya sa tinuturo ko pero pag lingon nya ay may tinaas si Ashley na banner na nagsasabi na.. You can’t do it. :P Tapos nagsmirk pa sya kay Stella tapos tumalikod na at umalis. “Ang.. ang batang yon! Arghh!!! Bwiset! Sinong nagsabing di ko kaya?! Hah! Ako pa!? Ako pa talaga!? Gigil talagaaaa!” gigil na gigil na pabulong na sigaw nya kaya napaatras ako dahil baka mapagbalingan pa ako. Uh-oh.. Tumayo sya at naglakad na papunta sa mga kaklase namin. Sinundan ko sya ng tingin at napakunot noo ako ng huminto sya at lumingon sa paligid. Bumalik ulit sya dito sa pwesto ko at tumayo sa harap ko. “Clean, nasan si Miss Xandra? Magpapaturo ako.” Pffft! Hahahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD