Chapter 31

1142 Words
Nahinto kami sa mga nagawa na namin ng may kumatok. s**t! s**t! s**t! Napalipbite ako at agad na umupo ng maayos habang hinihingal tapos kinuha ko na ang t-shirt ko at sinuot yon ng maayos. Tumayo naman si Xandra tapos agad na inayos ang buhok nya at lumakad na papunta sa pintuan. Hinawakan ko naman yung collar bone ko na ngayon ay basa pa din ng laway nya. Yung laway ni Xandra parang perfume sa pang-amoy ko. Ganito ba talaga pag nagmamahal? Lahat mabango sa kanya? O sadyang mabango lang talaga sya? Gosh! Ano bang nangyari kanina?! That was.. wild. Ngumiti naman ako sa head ng maid department ng ilagay na nya yung cart na lalagyan ng fudz sa tapat ng kama tapos agad ng umalis. “Nagpatawag ako ng dessert kanina dahil baka nagugutom ka na pero.. mukhang maling idea yon dahil nahinto tayo.” Sobrang flat na pagkakasabi nya na nahahalata mo talagang dismayado sya sa nangyari. Napanagiti naman ako ng malaki. “Hahaha! Ikaw eh, hayaan mo na. Wow oreo cheesecake.” React ko at agad na nilantakan ang isang pinggan non at sarap na sarap ko iyong kinain. “You really love cheesecakes.” Comment naman ni Xandra at sumabay na sa pagkain. After kumain ay may naisip akong magandang gawin. “Xandra.” Tawag ko sa kanya na ikinalingon nya sakin. “May tent kayo?” nakita ko namang nagtataka sya pero sabi nya mayroon naman daw. “Gusto kong magbahay-bahayan. Ang ganda ng lawn nyo eh.” Request ko sa kanya na ikinatawa nya. “Really? Bahay-bahayan?” tanong nya sabay tawa pero napapout lang ako. “Seryoso ako.” After that ay lumabas sya tapos ako ay naghihintay lang sa kanya dito sa kama. Behave lang naman kasi ako sa mga bahay bahay na pinupuntahan ko pero syempre maliban na lang kung mga walang hiya din mga kasama ko diba? Sama sama na para mas masaya hahaha! “Okay na Clean pinahanda ko na, tatawagin na lang tayo mamaya.” Sabi nya tapos tumabi na sa akin habang hawak ang bag nya. “But first, can we do our assignments? Para wala na tayong problema sa weekends.” Sabi pa nya na agad kong tinanguan. Sya talaga yung tipo ng tao na walang sinasayang na oras eh. Kapag sunggab, sunggab agad! Kinuha na namin ang mga notebooks namin at dito na kami sa ibabaw ng kama nagsagot. Kapag ganito talaga na tungkol sa pag-aaral ay tahimik lang kaming gumagawa.. aside sa pareho naman naming alam ang mga ginagawa namin.. mas matalino pa sya kaya minsan ako lang yung nagtatanong talaga. Konti na lang at matatapos ko na yung math ng makita kong tiniklop na ni Xandra yung mga notebooks nya tapos pinasok na sa bag nya at umalis sa kama bitbit yung bag nya. Nagkibit balikat na lang ako at dumapa tapos ay pinagpatuloy ko na ang aking pagsasagot. Nasa huling number na ako ng maramdaman kong gumalaw ang kama banda sa aking likuran. Lumingon ako ngunit huli na.. shet. “Xandra.” Mahinang sabi ko ng maramdaman kong nakaibabaw na sya sakin. “Gusto mo bang machallenge Clean?” mahinang sabi nya na ikinalunok ko. “Ayoko ng challenge.” Sagot ko at para na akong nanigas sa pwesto ko. “Kapag natapos mo yang huling number na yan habang gumagawa ako ng obstacles.. tuloy ang bahay-bahayan na gusto mo pero kapag hindi.. dito lang tayo sa kwarto ko.” Sabi nya habang pahina ng pahina ang boses nya. “At walang iistorbo satin.” Bulong nya na agad na ikinalayo ng ulo ko dahil nakikiliti ako! Pero hindi pwedeng hindi matuloy ang bahay bahayan dahil nais ko talagang magbahay bahayan eh. No choice. “Okay sige, game.” Sagot ko na lang tapos agad na tumutok sa huling number na to. Badness! Ang utak ni Xandra! Yung huling number pala yung may tatlong solution para makumpleto ang equation! Noooo! Napalipbite ako ng maramdaman ko ang hangin na nagmumula sa kanya banda sa likod ng leeg ko. Maling mali ba na nagpony tail ako ngayon? Parang nagsisisi na ako. “Ahh.” Mahinang bulong ko ng dilaan nya ang batok ko. s**t s**t s**t! Come on! Dalawang solution pa! Napapikit naman ako ng matindi ng kagatin nya ang tainga ko. “Xandraaa, harassment tawag dito.” Bulong ko habang pigil ko na mapaungol ng sipsipin nya ang ibabaw ng tainga ko. “Nah, ang tawag nga dito ay obstacles gaya ng sabi ko diba?” “Ang hirap naman ng – s**t!” “Oh.” Amaze na react nya na ikinalaki ko ng mata. Badness.. “One cuss, one punishment.” Bulong nya pa na ikinanganga ko. Ang sabi ko nga diba hindi na ako magmumura! Dali dali kong tinapos ang ikalawang soluton at sinolve na agad ang pangatlo na kahit na anong gawin nya sa batok at tainga ko ay kebs lang! Ramdam ko pang umaangat na yung kamay nya papunta sa bandang dibdib ko ng nagsalita na ako. “Done!” sigaw ko pa sabay harap sa kanya. “Wow, nasolve mo nga.” Sabi naman nya at tinignan ang notebook ko tapos umupo sya sa tyan ko. “O – oy.” Angal ko pero bigla nya akong dinampian ng halik sa labi. “As for your punishment, try not to kiss me back.” Sabi nya na ikinanlaki ng mata ko. “Ang hirap naman ata – “ naputol ang sasabihin ko ng dampian nya ulit ako ng halik sa labi. “Sshh.. pag nalagpasan mo to may pupuntahan tayo bukas.” Sabi pa nya na ikinatuwa ko. Tumango naman ako at hinalikan na nya ako at sobrang pigil na pigil ko ang sarili ko na hindi ko sya halikan pabalik! Nakapikit lang ako the whole time at patuloy na minomotivate ang sarili ko na bukas ay makakasama ko sya na kaming dalawa lang.. solo at walang mangingialam. Ramdam na ramdam ko yung mga labi nya sa labi ko.. tapos ang init pa non. Ramdam ko kung gano sya kagentle at ang lambing pa ng ginagawa nyang paghalik sakin unlike ng mga nauna nyang beses akong nahalikan before. Dumilat ako matapos nya akong halikan pero nagtaka ako ng sumubsob sya sa balikat ko at yumakap sakin ng mahigpit. “Clean.. if possible, don’t.. no, never.. ever let me go.” Medyo kakaibang pagkakasabi nya na agad kong ipinagtaka ngunit sapagkat dahil puno yun ng sinseridad ay agad kong binaliwala na parang may something nga don. “Hindi kita iiwan.. promise.” Sabi ko tapos yumakap ako sa kanya ng mahigpit like giving her an assurance. Why would Xandra think like that? Ano kaya yun? What makes her worry? Wala naman syang dapat na ikabahala dahil wala din naman akong plano na iwan sya. Never as in!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD