Chapter 21

1773 Words
(A/N: Continuation pa din po ito sa previous chapter ng POV ni Stella.) Stella’s POV Ilang buwan na din at di ko na nakita ang batang yun. Buti naman hays! Siguro nagtransfer na ng ibang school yun. Halata namang ayaw ko sa kanya diba? “Tela, una na ako sayo ah. Sa labas daw kami kakain ni dad.” Sabi ni Clean tapos sinuot na ang sapatos nya. “Oy! Ang duga mo! Asan yung ice cream ko?!” sigaw ko naman bago pa sya makalabas ng pintuan. “Bukas na! Mas mahal mo pa yung ice cream kesa sakin, bwiset ka hahaha!” natatawang sabi nya kaya natawa naman ako. Nagtali muna ako ng buhok ko sabay suot ng gray na t-shirt na may letter S sa kaliwa. Walang aangal dahil uwian na, as if naman na sitahin pa ako nila vice na parating nakahabol samin hays. Maaga pa naman sana bukas pa yung cafeteria. Nagke-crave talaga ako sa ice cream eh! Anong oras na ba? “Double dutch and rocky road po.” Sabi ko kay manang at agad naman nyang ibinigay tapos binayaran ko na. Naglakad ako ng mabilis at don ako sa likod ng building namin kakain dahil may mga tanim don na bulaklak. Wala lang gusto ko lang kumain habang nakakakita ng mga bulaklak. Liliko na sana ako kaso nakarinig ako ng mga paghikbi. De ja vu? “Ayoko! Di mo ako love!” “Kahit punta ka pa dito! Di mo ko makikita!” “I hate you mommy! Mas love mo work mo!” Napa-iling naman ako dahan-dahan. Akala ko ba nagtransfer na tong batang to? Aalis na sana ako kaso mas lumakas pa yung pag-iyak nya kaya kahit anong pilit kong hinakbang paalis ang mga paa ko ay lumiko na ito sa dapat kong lilikuan kanina. Pati yung pwesto ko sa mhabang bench don talaga sya nakaupo? Pwede namang don na lang sa kabilang side kung nasan ang lugar ni Clean, tsk. Umupo ako sa tabi nya pero mukhang di nya ako napansin dahil panay ang punas ng mga kamay nya sa mukha nya. Aaminin ko ah, naaawa talaga ako swear. Nagkalkal ako sa bag ko ng malinis pang damit kaso.. ang nandito na lang ay yung damit na ginamit namin nung unang nagchampion kami last year sa paglalaban laban ng mga school. Memorable ito eh! Pero kasi.. napatingin ako sa bata at sa damit. Huminga ako ng malalim at inabot sa kanya ang damit ko. “Gamitin mo pamunas sa mukha mo. Para kang batang inagawan ng candy.” Masungit na sabi ko. Kinuha naman nya yun at hamagulgul. Ano ba yan? Makakakain ba ako ng ice cream na umiiyak sya? Syempre! Alangan namang hintayin ko pa syang matapos umiyak? Binuksan ko na ang double dutch at kinuha ang kutsara sabay subo ng ice cream. Damn! Ang sarap talaga! Mas masarap sana kung walang istorbong umiiyak sa tabi ko eh. Napaharap ako sa batang umiiyak na to ng masilaw ako dahil sa sinag ng malapit ng lumubog na araw. Gano ba ako magtatagal dito? Pero kung aalis naman ako, wala din naman akong gagawin sa bahay. “Ano po yan?” garalgal na tanong nya. “Ice cream.” Matipid na sagot ko. Napalipbite naman ako ng tumingin sya sa rocky road na nakalagay sa lap ko. Ibibigay ko ba? Sige sulitin na minsan lang naman eh. “Gusto mo?” alok ko sa kanya na ikinangiti nya. Inabot ko naman agad sa kanya at napailing na lang ng tuwang tuwa nyang binuksan yon. “Bata.” Mahinang sabi ko. “Salamat po.” Mahinang sabi nya at kumain na. Nakatingin ako sa bulaklak habang tahimik syang kumakain. Flowers.. dati tatlo kami nila mom na nag-aayos ng bulaklak kaso nung umalis sya, wala na eh nababad na sila sa trabaho. “Bata, magsorry ka sa mommy mo pag nakita mo sya.” Sabi ko ng mapansin kong natapos na syang kumain. Nakita ko namang nagsimula nanamang tumulo ang mga luha sa mata nya. “Ayoko! Wala syang time sakin. Hindi nya ako love!” sigaw nya sabay punas nanaman ng luha nya gamit yung damit na ibinigay ko. Napabuntong hininga naman ako. “Lagi ka nyang kinakamusta kahit busy sya na doctor. Tingin mo ba yun yung walang time?” “Pero wala naman sya lagi sa bahay.” Sagot nya na may malungkot na tono. “Pag nasa bahay ba sya, wala pa din syang time?” tanong ko na agad nyang ikinayuko. “Naglalaro kami.” Matipid na sagot nya. “Alam kong bata ka pa, pero wag kang spoiled brat.” Harsh na pagkakasabi ko sa kanya tapos humikbi nanaman. Aba bahala sya dyan! Ang spoiled kasi eh! “Ang mommy ko.. “ Nakita ko namang napahinto sya at napatingin sakin pero maya maya ay yumuko ulit sya, siguro nasilaw sa sinag ng araw. “Wala sya lagi sa bahay, hindi nya ako kinakamusta. Pag nasa bahay sya lagi syang may ginagawa, hindi kami naglalaro. Pinapaabot nya lang yung baon ko sa mga yaya. Ang kasama ko lagi ay mga kaibigan ko dahil ang mga magulang ko ay wala ng pakialam sakin.” Hindi ko alam kung bakit nag-oopen ako sa batang ito. Pero wala namang mawawala kung maaga pa lang malalaman nyang love sya ng mommy nya at di nya dapat pairalin ang pagka-spoiled brat nya diba? Tsk. “Kawawa naman po kayo.” Naluluhang sabi nya pero napailing na lang ako. “Magsorry ka sa mommy mo ha?” sabi ko at saktong paglingon ko sa kanya ay napahiga sya sa lap ko. Luh? Anyare dito?! “Bata.” Mahinang tawag ko sabay alog sa kanya. Tinulugan ako!? “Ashley.” Tawag ko pa sa pangalan nya kaso wala eh! Humilik na nga eh! Hay nako! May ibe-baby sit pa akong bata?! Wala na akong nagawa dahil ayaw nya talagang magising kaya binack ride ko na lang sya. Magaan lang naman sya kaya okay lang. Ang tanong.. San ko to iuuwi? Naglakad na ako papuntang parking lot at nang saktong isasakay ko na sana itong batang to sa sasakyan ay dumating ang mommy nya. Agad naman akong lumapit at binigay sa kanya ang anak nyang spoiled brat. At ang nakakabilib? Natandaan ako ng mommy nya kahit isang beses pa lang kaming nagkikita! Pasaway na bata. /// Juniors. Ang liit talaga ng CBAGHS! Sa dami ng matutulungan ni Clean ay ang batang ito pa talaga!? Yung totoo?! Expected ko nga ay hindi na kami magkikita nito kaso naalala ko, nasa isang school nga lang pala kami. Kaso nawe-weirduhan ako dahil kung tignan nya ako ay parang kakakilala nya lang sakin. Bahala sya sa nais nyang trip, pero malay mo hindi na nga nya ako namumukhaan dahil matagal na din yun eh. Tumangkad din sya tapos okay sige na gumanda sya kahit papaano pero inis pa din ako sa kanya. Ewan ko kung bakit! As time goes by ay hindi ko na ulit sya nakikita kaso nakaka-irita naman dahil parang may umaaligid dito sa club namin. Ano bang trip ng mga tao ngayon? Last time, may nakita akong naka-dungaw sa bintana tapos may naiwan pang sapatos sa pintuan. Then may papel papel pa at ang huli ay may nakita akong pares ng mga mata. At ang nahuling tao namin nung biglaan kaming lumabas ng club? Si Ashley! Sabi na! Ang weirdo talaga ng batang to! Di ko nga lang sure kung sya din yung laging nanonood samin kapag training.   Ano bang trip nya at maypa-sunflower sunflower pa? Agad kong pinagsabihan si Clean that day. Sobrang bait naman kasi! Mamaya pagtripan sya nung Ashley, doctor pa naman mama nya mamaya maalam pa yun sa chemicals eh. Hindi naman sa paranoid noh! Nag-iingat lang. Nahuli kong may nanonood nanaman samin ngayon sa training at agad akong nagsabi kay Clean na mag-c.r lang ako pero dahil sya na nga ang sunod na magpe-perform ay di na sya naka-angal. May nakita akong lumiko sa isang malaking puno kaya agad ko yung sinundan. “Miss Tour Guide!” gulat na sabi nya ng makita ako. “Miss Tour Guide?” patanong na ulit ko. Tumango naman sya habang nakangiti. “Ikaw po si Miss Tour Guide. Hindi nyo po kasi sinabi ang pangalan nyo sakin noon eh.” Napa-ismid naman ako dahil sa pagngiti nya. “Akala ko naman nakalimutan mo na tsk.” Sagot ko naman tapos umiling sya at ngumiti. “Hindi po ako nakakalimot.” “Pwede bang wag kang ngumiti? Nakakainis!” napahinto ako ng marealize ko kung anong sinabi ko at kitang kita ko ding nagulat sya. Pero too late na para bawiin pa yun.. bakit nga ba ako naiinis? “May binabalak ka ba? Bakit palagi kang nakabuntot kay Clean? Anong trip mo?” nang-uusisa na tanong ko sa kanya sabay corner sa kanya ng makita ko syang umatras. “Wag mong subukang tumakas.” Mahinang sabi ko sa kanya. “Miss Tour Guide..” tapos humawak sya sa balikat ko at tinulak ako pero hindi ako nagpatinag. “Sagutin mo tanong ko!” sigaw ko sa kanya. The heck! Ano bang trip nya?! Sasagutin na nga lang nya di nya pa magawa! Kung may pinaplano sya hindi ko sya hahayaang saktan kahit sino kila Clean noh! “Wa – wala! Wala po akong planong masama! Grabe, nakakagulat ka naman Miss Tour Guide.” Lumayo naman ako sa kanya dahil mukha namang nagsasabi sya ng totoo. “Bakit bumubuntot ka kay Clean?” tanong ko pa sa kanya. Namula naman sya sabay ngiti ng malaki. Ano kaya yun? Nasiraan na kaya to ng bait? “Dahil.. crush ko po si Miss Clean.” Napanganga naman ako dahil sa sagot na binigay nya sakin. “Huh?!” laglag pangang tanong ko. Wow! Ang tindi ni Clean! May ate Krey na may Ashley na nakakainis din? Yung totoo? Lakas ng charms ah. “Stellaaaaa!” napalingon ako sa pinto ng club ng makita kong paikot ikot na si Clean sa labas at mukhang hinahanap na ata ako. “Stella! Kapag di ka pa nagpakita wala ka ng ice cream!” Agad naman na napalitan ng star ang mga mata ko at humakbang na paalis dito sa puno kaso natigilan ako dahil nagsalita ang batang ‘to. “Yun po pala ang pangalan nyo. Miss Stella, nice name.” nakangiting sabi nya sakin. The heck? Parang may something sa ngiting yun ah! “Isa!” sigaw ni Clean kaya imbis na intindihin pa ang batang to ay tumakbo na ako papunta sa club. Di ko sya ipagpapalit sa ice cream noh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD