Chapter 12

1609 Words
“Take this! Para sa pananakot samin!” “Napagod ako kakatakbo ng dahil sayo!” “Tao ka pala! Akala namin kung ano na!” Kanya kanya nilang sigaw habang nakapalibot kami sa babaeng ito at patuloy na binabatukan. Pero ako? Wala lang nakikibatok lang hahahaha! Pero sa totoo lang ay natakot talaga ako! Halata naman eh. “Ouch! Aray! Ta – tama na! Sto – o – o – op!” daing nung babae habang naka-upo na sa sahig at sinasalag yung mga kamay namin gamit ang kanyang dalawang kamay. Pero anong panama ng dalawang kamay nya sa walong na pares ng kamay na bumabatok sa kanya? Nahinto kami bigla ng hawiin kami ni Florintina at talagang ginawa nya pang barricade yung sarili nya samin. “Wait! Stop! Kilala ko sya!” sigaw nya pa sabay tingin sa babae. “Hala! President!” sigaw ni Alice kaya agad kaming napanganga na napalingon sa kanya sabay tingin pa namin sa babaeng nasa baba. Inayos naman nya ang buhok nya tapos hinimas ang ulo nya sabay tayo dahan dahan. “Sino yung nasa kaliwa ang sakit mambatok ah? Parang magkakabukol pa ata ako.” Sabi nya habang nakapikit ang isang mata. Kagaya kanina ay nagturuan ulit kami pero winave nya lang ang kamay tapos dumilat na. “At oo ako nga! Ano bang – araaay – ano bang trip nyo?!” sigaw nya din kaya sabay sabay naming tinuro lahat si Florintina. Totoo naman ah! Sya kaya ang nauna sa pambabatok! Atat atang gumanti dahil sya yung natadtad ng batukan kanina. Ngumiti sya ng alanganin sabay taas ng mga kamay nya. “Ano kasi president. Sorry na, nadala lang naman ako sa takot ko kanina pa kasi kami nakakakita ng babaeng nakaputi na akala namin white lady eh.” Paliwanag nya pa. Wow, ang bait ni Florintina bigla. “Oo nga naman Polaris. Pero unang una sa lahat, bakit ba kasi ganyan ang suot mo?” tanong ko pa sa kanya at nagsipagtubuan naman ang malalaking question mark sa ulo ng mga kasama ko. Sino ba namang hindi magtataka? Ako na walang alam sa student council biglang nakakausap na parang tropa lang yung president? Bumuntong hininga naman sya at nagcross arms. “Ganito kasi talaga ang suot ko pag matutulog na. Besides naligaw ako pabalik ng function hall kaya naghanap ako ng madadaanan at kung swe-swetehin ay makakasama na din.” Tumingin pa sya samin isa isa habang hinihimas ang ulo nya. “Ang una kong nakita is kayong lima Clean.” Tapos tinuro nya kaming lima nila Xandra Stella, Ashley at Jewel. “Kaso bigla naman kayong nagsipagtakbo!” sigaw nya bigla kaya napaatras ako. “Tapos sila Alice at Tina, kaso ng lumakad ako palapit sa kanila.. tinakbuhan din ako!” “Then, ang vice ng Journalist Club na nakasalubong ko sa isang hallway pero tumakbo din!” sigaw nya pa sabay cross arms ng tignan nya si Valerie. “Oh that.. umm.. hahaha that’s why you look familiar.” Alanganing sabi pa ni Valerie sabay kagat sa thumb nya. “Tapos nakita ko din silang dalawa.” Tapos tinuro nya pa sila Kyla at Janina. “Kaso bigla namang umiyak kaya iniwan ko na lang sila. Malay ko ba kung may nakikita silang di ko nakikita.” Sabi pa ni Polaris na ikinatawa ko. Abnormal din eh! Sya nga yung nakita mismo nila Janina na inakala naming hindi nakikita ng normal na mga tao eh! “Luh? Baliw ka po Miss President? Eh akala nga namin white lady ka dahil sa get up mo eh.” Masungit na sabi ni Kyla tapos sinamahan pa ng pag-irap. “Malay ko ba namang matatakutin ka.” Naka-smirk na sagot ni Polaris at bago pa lumala ang lahat ay pumagitna na si Florinta. “Okay, tama na yan. Kailangan na nating makabalik dahil ayokong magkarecord sa guidance.” Sabi pa nya tapos itinaas na ang mga kamay nya. Napakamot naman ako sa ulo ng makita ko ang tingin na binigay nila Polaris at Kyla sa isa’t isa. Lagot na, mukhang may bagong aso’t pusa nanaman sa grupo. /// “Dito nga kasi!” “Galing na tayo dyan!” “Hindi pa, pero doon na tayo dumaan.” At heto na nga ba ang sinasabi ko eh! Pag malaki ang group, maraming utak meaning, maraming suggestions! Lahat gusto masusunod tapos ayaw naman maghiwa-hiwalay, ano kaya yun? “Bakit hindi na lang kayo magsipunta sa mga direksyon na gusto nyong puntahan?” suggestion ni Xandra na agad nilang tinutulan. “Hindi pwede, sama sama na nga kasi tayo.” “Oo nga naman kaya dapat sabay sabay na tayong bumalik.” “Tama, para kumpleto na.” “So, where are we heading?” “Dito!” “Doon!” “Dito na nga kasi para maiba!” Napaface palm ako ng magsimula nanaman silang magtalo. What the heck!? Ang gugulo nila! Hinila ko si Xandra sa tabi ko at tumabi kami kay Stella na ngayon ay nalilito na rin kung saan ba dadaan. “Stella, sigaw ka na sa kanan tayo dadaan tapos mauna na tayong tatlo. Ewan ko lang kung di pa sila magsisunod.” Bulong ko sa kanya na agad nyang sinang ayunan. Tinawag nya ang atensyon ng lahat kaya agad naman silang nagsipaghinto. “TARA DITO SA KANAN!” sigaw nya pa at agad na kaming lumiko ng kanan. Nagsipag-angal sila pero sumunod din agad, parang ewan lang hahaha! “Ito yung dinaanan namin kanina ni Ashley!” tili ni Jewel kaya agad kaming napatingin sa kanya. “Sigurado ka?” tanong pa ni Polaris na agad namang ikinatango ng dalawang bata. “Opo, sigurado po! Pagliko po sa kaliwa doon na po ang Function Hall.” Sabi pa ni Ashley kaya agad kaming napasigaw. “YEEES! TARA NA! GUSTO KO NG MATULOG!” sigaw pa ni Janina tapos nagsipagtakbo na kami sa direksyon na sinabi ni Ashley. Sa wakas! Makakatulog na din kami! Gusto ko na ding matulog eh! Imagine, ang hirap tumakbo ng tumakbo na may kasamang takot! Hinawakan ko si Xandra sa wrist habang tumatakbo pero syempre tinignan ko muna kung may makakakita pero mabuti na lang lahat sila ay nakatingin sa harapan at atat na talagang maka-alis sa maze na ito. Paliko na sana ako sa hallway pero natigilan ako ng hilahin ni Xandra ang kamay ko. “Clean – “ “Ang kupad mo! Dalian na natin para makatulog na tayo!” nagulat ako ng sumigaw si Stella sa gilid ko sabay akbay sakin tapos tumakbo pa! Luh, napabitaw ako kay Xandra! May sasabihin ba sya? Sabay sabay kaming napahinto at napatakip sa mga mata namin ng makaliko kami dahil sa sobrang liwanag ng paligid. Ano naman kayang mayroon ngayon? Gusto ko ng matulog! Napatingala kami ng biglang bumukas ng sunod sunod ang ilaw sa kisame at nang makapag-adjust na ang mga paningin namin… Uh-oh… Si Miss Dalakdak ng Guidance Office. “Sinasabi ko na nga ba at kasama nanaman kayo dito Stella, Clean, Kyla at Janina!” sigaw agad ni Miss kaya agad kaming napabuntong hininga na apat. Told ya, suki kami sa guidance kaya kilalang kilala kami kahit nakatalikod eh. Napa-compress kami sa gitna ng bigla kaming palibutan ni Miss habang tinitignan kami isa isa. At ngayon ko lang napagtanto na madami pa lang mga bantay sa paligid namin. Wala na, finish na. Nahuli na kami at huling huli kaming onse sa akto! “This is the most unexpected! President Polaris together with her vice and secretary?! At may kasama pa talaga kayong isa pang vice president din at dalawang excellent students from sophomores! Naloloko na ba kayo?” Noise Pollution alert! Heto na, heto na, grabe dumaldal si Miss Dalakdak! Minsan inaabot pa kami ng three hours sa guidance dahil sa kakasalita nya. Isipin nyo ha, three hours sya lang nagsasalita tapos idagdag nyo pa na walang inom inom ng tubig! “Guards! Palibutan nyo sila! Siguraduhin nyong madadala ang lahat ng mga pasaway na ito sa guidance office ko.” Sabi pa ni Miss at nauna nang lumakad. Kanya kanyang angal at paninisi naman ang maririnig mo sa mga ‘to pero dahil ang iingay nila ay napagalitan nanaman sila ni Miss Dalakdak kaya tumahimik na ulit sila. Yung totoo? Sama sama na nga kami nagsisisihan pa sila?! “Xan – “ napahinto ako sa pagtawag sa pangalan ni Xandra ng paglingon ko ay wala sya sa likod ko. Hala, biglang nawala si Xandra! Napalingon ako sa harapan ng sikuhin ako ni Stella na nasa gilid ko. “Anong San, Miss Clean?” masungit na tanong ni Miss Dalakdak sakin habang nakataas ang kanyang kilay at nakapamewang pa. Narinig nya pa yon!? Napalingon naman ako sa paligid ko ng makita kong sakin nakatuon ang atensyon ng lahat. Napatingin ako kay Kyla at pinanlakihan nya ako ng mata sabay tingin kay Miss, alam nyo yung pinararating nya na dapat ayusin ko ang isasagot ko? Ganong look nga! “Ano na Miss Clean?” naiinip na tanong ni Miss kaya agad akong napalunok. “Uhh..” sabi ko kaya agad akong tinitigan ni Miss pati na din ang mga kasama ko na talagang inaabangan ang isasagot ko. What the heck!? Nakakapressure ah! Kailangan talaga lahat ng mata nasa akin? “San – darating ang mga salita?” patula na sabi ko na agad na ikinatawa nila Stella, Kyla at Janina. At nang magets ng lahat ay nagtawanan sila na sobrang lakas na agad na ikinagigil ni Miss Dalakdak. Goodness! Ano ba kasing gusto nilang idugtong ko sa San na yon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD