Chapter 1: First meeting
HEAVEN ANGEL CALLE's POV
"HEAVEN Angel, do you still remember your dream, honey?" my Mom suddenly asked me. I looked at her.
Nasa loob kami ng entertainment room, habang nanonood ng movie. Titanic, that's our favorite movie kahit na tragic ending siya. Saka real life na nangyari ang movie na ito.
Nakakalungkot man pero nakakamangha ang pagmamahalan ng mga gumanap na karakter.
Rose and Jack are my favorite characters, too. You know what? Insecure na insecure ako kay Rose. Dahil may Jack siya na nagmamahal sa kanya until his last breath. Their love, napaka-rare no'n... ?? ????? ????.
Sana makahanap din ako ng lalaki na katulad ni Jack na handang gawin ang lahat for his love, which is Rose. I admire him, so much.
May katulad pa kaya si Jack? Na sobra-sobra kung magmahal? Sana may makilala ako, soon.
Oh, speaking of the dream.
"To be a chef, one day, Mom?" I asked her, instead answering her question.
Iyon din naman ang naalala kong pangarap ko, eh. Ang maging isang chef someday.
My Mom shook her head, na tila hindi iyon. Ngumunguya pa siya ng popcorn na kanina lang namin niluto. May drinks din kami na nasa coffee table, dapat ay kasama namin si Dad pero biglang nagkaroon ng emergency sa hotel namin.
Ayaw pa sana ni Daddy na umalis at mas gustong makasama kami pero pinilit ko pa rin siya na umalis na lang. May next time pa naman kami, eh. Ginagawa namin ito every weekend. Ngayong araw lang kasi kaming nabubuong magpamilya. Kaya sinusulit namin ang araw na ito.
Kaya nag-aalangan ang Daddy ko na iwan kami ni Mommy. Na isa pa para sa amin talaga ang araw na ito. Naiintindihan naman namin siya, alam kong importante rin kay Dad ang family bonding namin pero mas kailangan siya ng kompanya namin. Hindi maaayos ang kung ano mang emergency sa hotel kung wala ang presensiya ni Daddy.
"No, the other one," natatawang sabi ni Mommy at napaisip naman ako. Sumubo pa ako ng popcorn habang inaalala ang dream ko.
Aside from dreaming, na maging chef ako at nangyari na nga. Natupad ang isa ko pang pangarap and successful na ako ngayon but zero love life pa. 24 years old pa naman ako ngayon, kaya ang sabi ng parents ko; Huwag muna raw akong mag-asawa. Hindi pa raw sila nagsasawa sa pag-aalaga sa akin. Silly them.
Napaayos ako sa pagkakaupo ko sa color brown carpet namin nang may naalala na ako. Si Mommy ay nakaupo sa mahabang sofa at may kandong siya na maliit na unan. Nasa akin na ang atensiyon niya, wala na sa TV flat screen namin.
Hinihintay ang sasabihin ko at kung naalala ko na ba ang kanyang tinutukoy na pangarap ko. Maliban sa, hayon nga naging chef na ako.
"It's about my dream man, Mom!" I said, happily at lumapad naman ang ngiti ni Mommy sa akin. Tuwang-tuwa siyang panoorin ako dahil tila nagniningning pa ang mga mata ko.
"That one," aniya at napatango-tango pa siya. So, iyon nga ang sinasabi niyang isa pang dream ko.
"Bakit po niyo naitanong 'yan, Mom?" curious na tanong ko sa ina ko. Kasi ang tagal na no'n at naalala pa ng Mommy ko. Halos makalimutan ko na nga, eh. Kung hindi niya lang pinaalala sa akin.
Seven years old pa ako noon nang nangarap ako sa isang lalaki na mapapangasawa ko paglaki ko.
To marry a pilot with a heart! Kapag sinabi kong with a heart, ay isang lalaki na may pusong mapagmahal sa kapwa.
Mabait at gentleman, 'yong tipong lalaki na dapat i-keep nating mga babae. Na siya na ang almost perfect guy dahil sa taglay niyang kabaitan.
'Yong wala sa vocabulary niya ang manakit sa kababaihan. 'Yong tipong pinapahalagahan niya ang damdamin ng bawat isa.
At alam ko naman na walang perpektong lalaki sa mundo. Pero para sa akin. Kapag may puso, I mean mabait siya na may takot sa kapwa at lalong-lalo na sa Diyos ay siya na ang pinakaperpektong lalaki para sa akin.
"Pilot," I uttered. Bakit may pakiramdam ako na makikilala ko na ang dream man ko?! Oh my, God! I can't wait...
Yup! Isang pilot ang gusto kong mapangasawa. Though ang sabi ng Daddy ko ay kapag pilot daw ang magiging asawa ko ay mawawalan daw ito nang oras sa akin. Dahil sa flight niya, bihira raw itong umuwi sa bahay namin kung nagkataon.
Pero kahit na ganoon, gusto ko pa rin na pilot ang magiging bubby ko. Maghihintay ako sa asawa ko sa bahay namin. O kaya naman ay dadalawin ko na lamang siya sa airport. Paglulutuan ko siya ng masarap na lunch and snack!
Rerespetuhin ko ang pagiging abala niya sa trabaho niya dahil para rin naman iyon sa future namin, sa magiging anak namin, 'di ba?
Oh, my gosh! Kinikilig ako kahit hindi ko pa nakikilala ang future husband ko.
"Kilala mo si Antoner Lavern?" my mother asked me, again. I nodded.
"Best friend po ni Daddy?" sabi ko na hindi pa sigurado sa naisagot. Parang naalala ko kasi ang pangalan na iyon, madalas iyon na banggitin ng Daddy ko. Na maging hanggang ngayon din.
Pero hindi ko pa nakikilala sa personal. Dahil madalas daw abala ang matalik na kaibigan ni Daddy. Halos araw-araw ko rin yata naririnig ang pangalan na iyon, since bata pa lamang ako.
"Tell that to your father at makikita mo na tila diring-diri siyang marinig 'yon!" sabi ni Mommy at sinabayan pa nang malakas na tawa. Kaya pati ako ay nahawa na rin.
Totoo naman 'yon pero alam ko na matalik na magkaibigan talaga sila. Ganoon lang daw ang reaction ng mga ito kapag sinasabihan sila ng ibang tao na mag-best friends. Mas gusto raw ng mga ito na barkada na lang. Because that's the right terms, barkada.
Since grade school pa nagsimula ang friendship nina Daddy at Tito Antoner Lavern. Pero never ko talagang nakilala ang kaibigan ng Daddy ko. Sa pangalan ko lang talaga siya kilala, eh.
"But what about him, Mom?" naguguluhang tanong ko. Kasi bakit nga ba namin pag-uusapan ang best friend ni Daddy?
"Makikilala mo na siya finally, honey. Together with his family, especially his son. He's a pilot."
"With a heart..." Sa sinabi ni Mommy ay parang bumalik ako sa pagka-teenager ko dahil hindi na ako natigil sa kakatili ko.
Sa excite at kilig! I can't wait to see him!
***
BABY blue sleeveless dress above the knee with a blue doll shoes ang suot ko ngayon. Simple lang ang outfit ko kung tutuusin pero eleganteng tingnan.
Today, makikilala ko na nga si Uncle Antoner at pati ang kanyang pamilya. Isang linggo ko rin itong pinaghandaan at talagang excited na excited ako sa araw na ito. Inaasar pa nga ako ni Mommy na hindi na raw ako makapaghintay at halos hindi na raw ako makatulog. Wah! Totoo naman kasi.
Masaya ako na makilala ko na nga ang best friend ni Daddy at kasama pa raw nito ang anak na piloto raw. Though, five years ang gap namin ng kanyang anak.
"You ready, honey?" my father asked me when we're about to enter inside the restaurant.
I smiled at my father and nodded. Yakap ko pareho ang mga braso nila ni Mom habang nasa gitna nila ako.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng resto ay mabibilang lang sa mga daliri ko ang mga customer nila. Isang sikat na restaurant ito at halatang expensive lahat ang mga pagkain na sini-serve nila. At puro mayayaman talaga. Napaka-formal din ng mga ayos nila. Halatang-halata...
"Good evening," my father greeted them. Tumayo ang isang matangkad na lalaki na kasing edad lang ni Daddy. Baka siya na si Uncle Antoner. Ang guwapo pa rin niya kahit may edad na. Oh, my gosh...
Nag-fistbump lang silang dalawa na akala mo ay nasa edad na 20s pa sila at napatingin sa akin ang magandang ginang. Nakipagbeso ito kay Mommy at pagkatapos ay ako naman ang tiningnan niya.
"Ito na ba ang anak niyong si Heaven Angel?" namamanghang tanong ng ginang kay Mommy. She's wearing her gold long sleeve dress. She looks beautiful... Kaya curious na curious na talaga ako sa mukha ng anak nila.
Oh, G! Kinikilig ako kahit hindi ko pa ito nakikita.
"Yeah. The one and only," proud na sabi ni Mommy.
"Nice to meet you po, Aunt Serine," nakangiting bati ko sa kanya.
"Same here, darling. Ang ganda-ganda mo talagang bata ka! Bagay na bagay ka sa anak ko!" tuwang-tuwang sabi niya at yumakap sa akin nang mahigpit na ginantihan ko naman. Hinagod-hagod pa nito ang likod ko. Ang bait pala niya!
"Baka ang anak mo ang lugi sa binata ko, Hervin," sabi ni Uncle Antoner. Nahihiya ako sa kanila. Kasi bakit nila ako pini-pair sa anak nila? Like, duh... Gustong-gusto ko naman.
"I'm your Uncle Antoner, hija. Barkada ko itong Daddy mo. Since grade school, na hanggang ngayon," nakangiting sabi niya at tinapik pa ang balikat ni Daddy. Nahihiya man pero humalik naman ako sa pisngi ni Uncle Antoner.
"Napakaganda mo. How old are you, hija?" he asked me. Nakikita ko ang pagkamangha sa mga mata niya. Grabeng papuri naman ito. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko kaya hindi na ako magtataka pa kung namumula na nga ito.
"Naku, umupo na muna tayo!" natatawang saad ni Aunt Serine. Kaya umupo naman kaming lahat. Magkatabing nakaupo sina Mom at Dad. Nasa left side lang din ako ni Mommy.
"24 years old na po ako," sagot ko sa marahan na boses. Parang hindi makabasag pinggan ang inaakto ko ngayon. Kahit maingay talaga ako at happy-go-lucky.
"Oh, 29 years old na ang anak ko. Limang taon lang naman ang gap niyo ni Syrn. Kaya wala tayong magiging problema riyan," ani Uncle Antoner. Kiming ngumiti na lamang ako.
"Hindi naman kayo mahihirapan na maging malapit sa isa't-isa." Eh... Daddy naman...
Ilang minuto ang nakalipas ay may lumapit sa table namin at umalingawngaw sa pandinig ko ang baritonong boses niya.
"Good evening, am I late?"
Nag-angat ako nang tingin sa lalaki at muntik nang umawang ang mga labi ko sa gulat.
Bumilis din ang pagtibok ng puso ko at parang nabato na ako sa kinauupuan ko.
"No. You're just in time, son. Come on, have a seat and meet your Uncle Hervin and his family," sabi ni Uncle Antoner sa kanyang anak.
Finally... Na-meet ko na rin ang anak nila...
Hindi ko maiwasan ang pasadahan siya nang tingin, mula ulo hanggang paa. He's wearing a white long sleeves na naka-fold pa hanggang siko niya. Brown slacks at black leather shoes naman pababa. Maayos naka-brush up ang buhok niya.
Model type siya dahil napakatangkad niya at halatang alaga sa workout ang katawan niya. And he's guwapo rin. Malamig man tingnan pero para kang hinuhusgahan sa paraan lang nang pagtitig nito. Makikita rin ang mahaba at malalantik niyang pilik-mata.
Ang tangos ng ilong niya at natural na mapupula ang mga labi niya. Ang panga niya nai-imagine ko na kung paano ito umigting. My gosh...
Siya ang tipong lalaki na kababaliw-an ng mga babae. Sa isang tingin pa lang nito ay para ka nang hihimatayin.
"Good evening po, Uncle Hervin," magalang na bati niya kay Dad at nagmano pa siya rito.
Sunod niyang nilingon si Mommy at ngumiti rin siya, "You must be Aunt Angelina, Ma'am? Mas maganda po kayo sa personal," sabi nito at walang halong biro ang sinabi niya sa ina ko.
Na Si Mommy naman ay parang bumalik sa pagka-teenager niya dahil napahawak pa siya sa pisngi niya at impit na napatili pa siya nang hawakan ng anak ni Uncle Antoner ang kamay ni Mommy saka ito marahan na dinala sa labi nito at masuyong hinalikan.
"Napaka-galang, mabait na at guwapo pa. Naku. Serine. Mukhang ang anak mo ang lugi sa dalaga ko," sabi ni Mommy at ako naman ay nakayuko na lamang.
Nakakahiya. Si Mommy naman, eh. Napaigtad ako nang may humawak sa kamay ko at halos lumuwa ang puso ko sa loob ng dibdib ko. Ang nakangiting mukha na naman niya ang bumungad sa akin.
"Heaven Angel, right? You're so beautiful just like your mother," sabi niya at para akong dinapuan ng kuryente sa katawan ng maramdaman ko ang malambot at mainit niyang labi na dumampi sa likod ng palad ko.
Narinig ko ang paghagikhik nina Mommy at Aunt Serine. Mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi ko.
"I'm Syrn Antonio Lavern, Miss Heaven Angel," bati naman niya sa akin. Napakurap-kurap pa ako dahil nagugulat pa rin talaga ako sa kanya.
"Nice to meet you, Mr. Lavern," I said at nagpapasalamat ako kay Papa God na hindi ako nautal! Oh, my goodness!
Napaka-guwapo niya talaga! At siya 'yong type kong lalaki. Mabait, gentleman at bunos na ang guwapo niyang mukha.
"Oh, no need to be formal. Just call me, Syrn, baby." Narinig ko na naman ang hagikhik nina Mommy at tumawa lang din ang ama namin.
Ang lakas ng impact no'n sa akin!
Tinawag niya akong baby! Ang sweet naman niya!