Beb's Pov
Halos i-umpog ko na ang ulo ko sa matigas ko na higaan dahil sa puny*tang music ng kapit-bahay naming.
Kay aga-aga umay agad.
Now playing Birthday s*x ni ewan di ko kilala ang kumanta. Basta
Birthday birthday s*x ganurn! Search mo nalang.
Susubukan ko pa sanang ipikit ang mata ko, nang sa ganoon ay makaidlip man lang ako kahit sandali lang. Pero puny*ta! Mas nilakasan pa nila ang volume ng speaker nila na akala mo'y kanilang-kanila ang buong kanto Paasa. But Wait there's more! Dinig na dinig ko rin ang talak ng mga chimosa sa labas at mga baklang nagrarambulan.
Nagpapadyak ako sa inis at padabog na bumangon. Nagtungo agad ako sa bintana at kinuha ang arinola sabay buhos doon sa mga baklang nagkakamatayan.
"PUNY*TA KAYYOOO! MAGPATULOG NAMAN KAYONG MGA KAMPON NI RENEJAY!" Nagsitakbuhan naman ang mga chismosa at mga bakla sa kanilang bahay at nilock ang pinto.
Tila hindi pa ata tapos ang mundo sa akin at agad luminya ang kilay ko nang makita si Bedok na nasa harapan ng bahay at may bitbit na sariling karaoke habang pinapatugtog ang kanta ni Moira Dela Torre na Tagpuan. Tinuro-turo niya pa ako at may pa finger heart pa si amoy lupa. Pwe!
"SIYA ANG PANALANGIN KO," sintunado niyang dugtong sa kanta.
Finger heart pala ha!
Itinayo ko ang gitnang daliri ko sabay sigaw.
Akala ko tapos na siya pero ang ulopong gusto pa atang matamaan ng arenola at nag bitbit pa ng tropa with banners na may nakasulat na 'awabyou bebehqhue #51'
Napatampal nalang ako sa noo ko. Kailan ba 'ko makakatulog ng maayos? Hindi ba nila alam na kaming mga Dyosa ay kailangan ng 7-8 hours na tulog para magmukhang fresh?
Nanawagan po ako sa kung sino po yung may kakilala na Serial killer ipagbigay alam nyo po sa akin ng maitumba ko nang maaga itong amoy lupa na to.
Bago pa ko maubusan ng happy hormones sa katawan ay siniraduhan ko nalang sila ng bintana.
Jusko nakaka stress magkaroon ng mga kapit-bahay na mga maluwag ang turnilyo! Hindi kumpleto rekados ang tulog mo! Ewan ko nalang!
Napatingin ako sa relo ko at halos mahimasmasan ako ng makitang alas tres pa lang ng madaling-araw.
Mga gi-atay! May saltik talaga 'tong mga tao sa lugar na ito! Swear!
Napatampal nalang ako sa noo ko't pumasok sa banyo!
Mga punyetang kapit-bahay to!
"Vaksssss!"
"WOI VAKS! VAKS NAMAN EH! WAIT LANG!"
"Hoiiiii! Dyosaña!"
"Ay taray maldita talaga!"
Huwag niyo na lang pansinin ang tumatawag sa akin dahil may sama pa ako ng loob sa kaniya. Paanong hindi? Umalis ba naman ng Pinas ng hindi man lang ako sinabihan edi sana nakapagpadala ako ng snow galling sa Japan.
Nakatawid na ko ng kalsada at panay parin ang tawag nitong letcheng baklang to sa'kin. Kay ganda naman talaga ng bungad nang umaga ko.
Bunganga ng mga lentek na mga kabit-bahay ang almusal. At punyetang Troy naman ang himagas. Perfect!
"Vakkkks naman eh!"
Balakajan! Manigas kang bakla ka!
Nasa sakayan na ko ng jeep at swerte dahil nandoon pa si Manong Pedong.
"Genevieve Dyosaña na anak ni Isyot at Elay Dyosaña! 19 years old! PHILIPPINES!" Sigaw niya dahilan para pangtinginan kaming dalawa ng mga tao.
Puny*ta! Nangdamay pa talaga sa kahihiyan niya.
Lahat sila'y napatingin sa direksyon ko. Ngiting Orocan lang ang natanggap nila sa'kin.
Tiningnan ko si Troy habang kuyom ko ang kamao. Ang gaga, tuwang-tuwa pa sa nakukuha niyang atensyon.
'LA KANG MAMA BHIE?
"Shofuuu!" Ininguso niya pa ang mga labi niya.
Inikutan ko lang siya ng mata ng makitang nagpapa-cute na ito sa harap ng madla. Kung mag dalagang Pilipina akala mo'y ginaganda niya eh nagmukha namang kinulang sa bakuna. May pa sabit sabit pa siya kunware sa buhok niya.
Bago pa makapag-isip ng masama 'tong baklang 'to ay hinatak ko yung kwelyo niya papasok doon sa girls room na malapit lang din dito.
"Nyeta! Ano ba problema mo?!" Sigaw ko agad nang makarating kami banyo. Nagsilabasan naman yung mga babae sa cubicle sa pagsigaw ko.
"Teh ano ba yan? Kay aga-aga naglalampungan kayo? Hindi na kayo nahiya! sa public restroom pa talaga?!" Sabi nong babaeng mukhang kalansay na ata sa sobrang sexy. Sexy pa ba tawag dito? Mukha na ata 'tong skeleton na nakatakas sa science laboratory! Tawagan ko na kaya ang SAGIP KAPAMILYA?
Pweh! like I care?
Pinanlisikan ko lang siya ng mata. Tumiklop naman ito at naglakad nalang papaalis. Nakita ko pang kumibot-kibot ang labi nito bago sinirado ang pinto. Akala mo naman kinaganda niya. Pwe!
I divert my gaze to this gay. "Ano?!" Napahampas pa ko sa may pader para kunin ang katinuan ng baklang to.
"K-kase i-ikaw d-daw n-nagbi-bigay n-ng nu-number ko k-kay Jeloy?" Pinanliitan ko siya ng mata. Kung ayusin niya kaya muna ang pananalita niya? Hindi yung uutal-utal. Ano siya bata?
"Gusto mong unatin ko muna dila mo ng makapagsalita ka ng tuwid?" Suggest ko bago ng stretch ng muscles.
"Ang hursh mo talaga! Sabi ko ikaw ba yung nagbigay ng number ko kay Jeloy?" Aniya bago naglabas ng pamaypay.
Yun naman pala eh!
"Jeloy? Sino yun? " nakataas kilay kong tanong sa kaniya.
"Dzuuuhhh, Jeloy? The boylet buy you yesterday ng ice water kuno?"
Trying hard talaga tong baklang to! Sige teh push mo pa.
Wait! Ice water? Ang tinutukoy niya ba ay iyong kasama ni Lemuel, na hindi nagbayad ng dos pesos sa ice water ko yesterday?
Ah so he really saved the number pala?
Nice! Taga-PAASA street nga talaga ako!
"Wala, wala akong kilala na Jeloy." Inirapan lang ako ni bakla at may pa flip hair pa ang letche na akalat mo naman ay may buhok! Bulok!
"Dzuhhh dzae amin-amin na kase I won't bite you naman, I just want to know the truth nothing but the truth but the truth," mahaba niyang litaniya.
Pipiktusan ko na sana siya sa mga kaartehan niya, nang may marinig kami ng ungol galing sa isa sa mga cubicle na nandito.
"Ughhhhh...." napahinto kaming dalawa ni bakla at agad nagtakip ng tainga. I'm sure hindi nyo rin gugustuhing marinig ang nagchuchug chugan sa cubicle. Ang creepy non 'te!
Pero dahil curious nga ako sa mga bagay bagay. Pag-aaksayahan ko muna ito ng panahon. Maaga pa naman.
Tinuro ko ng super tahimik ang cubicle malapit sa amin at nagdahan-dahan nanglakad papasok sa katabi na cubicle.
Hindi ako mambubuso! Titingnan ko lang kung anong posisyon nila. Hehehe...
Tumungtong na ko sa bowl at dahan-dahang napasilip sa cubicle.
Huli ka—nakka ng BALBON!
Isang magandang babae ang bumubwelo habang nakaupo sa kubeta ang naabutan ko. Walang posiyon, sawi ang lola niyong makakita ng live na chukchakchines Nakahawak pa siya sa magkabilang pader, halos maligo na sa sariling pawis at hindi mo talaga maipaliwanag kung anong mukha ang ipinararating niya sa langit.
Napatakip ako ng ilong at kamuntik pa kong ma suffocate nang bumulwak sa bowl ang hinanakit niya sa buhay. Lentek lang at gumawa pa ito ng ingay
Kadiri!
Whoooaaaa! Agad kong hinila si Troy palabas. Nagtatakip na din pala siya ng ilong.
Sige, Try mong lang talagang hindi magtakip at mamamatay ka talaga sa baho!
"Nyeta ka beh! Ang baho mo!"
"Trages ka rin! Hindi ako yun! Si ate girl yun nagbasabog ng lagim!" Nakita kong lumabas na ng cr si ate with her successful face kaya dali-dali kaming sumakay sa Jeep.
Sakto at agad din itong umandar papunta sa paaralan na pinapasukan ko.
"Oh! " Bigla niyang bigay sa akin ng isang keychain. Amoy Japan. Pero syempre pabebe tayo kaya kunwari nagtatampo tayo. HAHAHA.
"Galit ka because? "Hirit niya.
Bakit naririnig ko boses ni Chris Aquino sa kaniya? Ampucha ang arte naman kasi ng bakla na 'to. Tinanggap ko na ang binigay niya. Hello sayang din 'yon 'no.
"Beh tingin mo magugustuha kaya ako ni Jeloy?" tanong niya habang nakatukod ang kamay sa baba niya. Nasa canteen kami ngayon nakatambay. Kakatapos lang namin mag lunch kaya chill chill muna kami at alas dos pa ang sunod naming klase.
"Apat na balot utang ni Jeffery, so bale 15 times 4 equals 60." Isinulat ko ulit ang kabuuhan ng utang ng mga suki ko.
Panay talak parin tong bakla sa harapan ko tungkol sa Jeloy niya na akala mo naman makakain 'yan. Pero sabagay nakakain din naman minsan ang tao, lalo na kung yummy. ROR!
Tseee balakajan!
Nagpatuloy na ko sa pagkwenta ng mga utang. Yayaman talaga ako nito. Makakabili na ko ng bahay at lupa. Dapat pag-igihan ko pa lalo ang paglalako ng mga paninda ng sa ganoon ay yung Lamborghini naman ang isusunod ko! Malapit na! Kunting eri nalang!
Nilipat ko sa ibang pahina ang notebook ko kung saan nandoon ang price ng Lamborghini. £3.3 million.
Eh yung ipon ko? Nasa wampepte na. TA-DA! Malapit na! Malapit na talaga! Kunting kimbot at split nalang. Natubos ko na 'yong bahay namin kaya kotse naman ang isusunod ko.
Napatigil ako sa pagkukwenta ng marinig ang pagsigawan ng mga kababaihan sa paligid ko, kasabay non ay ang mabilis nilang pagtakbo sa kung saan. Tiningnan ko si bakla at ni anino niya hindi ko nakita.
Ang lakas talaga ng radar ng taong ito, I'm pretty sure lalake na naman 'to. Oo lalake as in boy, the last time na nagkagulo ang mga babae sa school na ito ay noong nag transfer si —duh never mind. Basta!
Iniwan na naman ako.
Tiningnan ko ang buong kantina. Pati ata si ate na tindera ng canteen ay nakuyog na rin. Ganoon ka gwapo siguro yung new student/s. Edi wow! Siya na peymus, may fans agad.
Napatingin ako sa relo ko. 45 minutes nalang at mag sisimula na ang klase. Naningkit ang mga mata ko habang nagliligpit ng may maalala ako. Nasa kaniya pala 'yong flash drive ko. Puny*ta nandoon pa naman ang report ko para ngayong hapon. Saan ba lumade ang bakla na yon at hindi man lang ako sinama! —este! Hindi man lang nagpasabi. Parang siya, bigla-bigla na lang siyang nang-iiwan ng walang dahilan. Pain!
Nagpatuloy na ko sa paghahanap sa mabuti kong kaibigan.
Tinanggal ko ang takip ng basurahan, nagbungkal sa ilalim ng puno. Who knows baka nauna na niyang ilibing ang sarili niya. Dinumog ko rin ang cr at sa mga kalapit na bahay ay nahalungkat ko na. Baka naman kase nakikipag-hide and seek lang yung baklang yun. Pero wala eh!
Tawagan ko na kaya si Dora at manghiram ng mapa? Jusko saan ba nagsusuot ang baklang 'yon. Alam ba nyang malawak ang school na ito para makipag laro?
Napahinto ang paa ko sa mga kumpol! Hindi lang kumpol mga dre! Dinaig pa nila ang Rally sa daan! Napahinto ako at nakita ang MABUTI KONG KAIBIGAN na nakikipagpatayan sa mga kababaihang nagkukumpulan malapit sa gate.
Anong meron? Sa pagkakadinig ko andoon na sa silid ang bagong student? May bago pang yummy?
Napatingin ako sa mga babaeng halos magpalitan na ng mukha at maputol na ang mga ugat kakasigaw at kakatili.
May namatay ba?
Artista?
May sale?
Puny*ta?
Impakta?
Rosalinda Amore?
Si Koko sa Koko cranch nahanap na nila?
11-11!
Ah baka may feeding program? Ayuda galing sa gobyerno?
Dahil sa kuryosidad ko ay lumapit nalang ako sa bumabahang wild beast. Pero naka-ilang hakbang pa lang ang paa ko ng may ma detect ang matangos ko na nose na hindi katanggap-tanggap sa lipunan.
Nakakaduwal ang mga amoy nila! Hindi ko carry ang very-very bad smell. NANAMPAL. NANINIPA!
Bumaba ang tingin ko sa mga kili-kili nilang halos pwede ng pigain sa sobrang basa.
Kaya naman pala. Kumakapal ang pulosyon dito sa Norway dahil dumagdag 'tong maambon nilang kili-kili.
Shet! Napatingin ako sa relo ko at ilang kimbot nalang ay mag-uumpisa na ang klase namin. At sa kasamaang palad nasa bag ng baklang ~
'yon pa rin ang flash drive ko.
Bahala na! Nakipagsiksikan ako sa mga babaeng nagwawala nagtitili at kung ano-ano pang ka balbalan, wala na 'kong pake.
Ano ba pinakain ng goberno sa mga 'to at ang hahayp kung makasigaw. Daig pa nila ang mga zombie sa Train to Busan.
Tinawid ko ang basa nilang mga kili-kiling sumasagid sa balat ko, mga amoy nilang embornal na naghahalo-halo, ewan di ko ma explain! at mga bulok na amoy nilang bibig, mahawakan at masalba ko lang ang kaibigan kong nakikipag-sabayan pa sa mga kababaihan na ito.
"Ano ba!?" Sigaw ko ng may masakit na nanunundot sa likod ko. Napatingin ako sa baba niya. TULIS bhie!
Bawal ang magdala ng deadly weapon sa school diba? Bakit may nakapasok?
Pinabayaan ko nalang siya at pilit ikinasya ang sarili sa mga babaeng nagwawala. Pero namumuro na talaga 'tong si babalo.
Hindi pa talaga siya na kuntinto at nagtitili pa sa tainga ko. Daig nya pa ang naipit ba baboy! Nue ba te?! Nakailang ulit ako ng saway sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya at nagpatuloy lang na akala mo'y may feeding program sa gate at handa na siyang makipagpatayan.
Wala pala ha!
Sinipat ko muna siya sabay hawak doon sa baba niya at tinulak papalayo!
Namumuro na eh!
Bumalik agad ako sa kumpol. Pesteng bakla tow! Nahawakan ko na yung kwelyo ng kaibigan ko, nang may tumulak sa akin dahilan para mapasubsub ako sa matigas na bagay. Natigil naman silang lahat.
Tiningnan ko yung tumulak sa akin at saktong si ate deadly weapon na matulis pa sa matulis ang baba este ang tinig ang salarin.
Ah ikaw palang letche ka! Inangat ko ng bahagya ang sleeves ko at pinakita ang pang construction worker kong braso.
Susugod na sana ako ng may humawak sa braso ko dahilan para doon ko sa kaniya ibuntong ang kamao ko. I heard a gasp from the crowd kaya napatingin ako sa taong nasuntok ko.
Anak ka ng tufo!
Y-yung lalaking manyak na humawak sa hinaharap ko kagabi!
"Nue Wue muet nge-in buelak-nuer" ngungu nitong sabi habang nakahawak sa kung saan ko natamaan at dumugo. Sh*t
(Subtitles:So we meet again buzz lighter)