Nilapitan ni nanay Malda si Roxanne sa banyo habang hindi pa rin ito tumigil sa kakasuka. Hinagod hagod ang likod nito habang nagsasalita. "Ayan kasing bata ka, hindi kana halos kumakain kaya nagkakaulcer kana, ano ba naman kasi ang nangyari sayo? Akala ko ba magsisimula kanang mag hanap ng trabaho, sayang naman ang kurso mong IT kung ganyang nagtatago ka lang dito sa bahay." "Masama ang pakiramdam ko nay, nahihilo din ako para akong nasa barko." Sagot naman nit Roxanne. "Oh sya,..." lumingon ito kay Mapet kumuha ng pera sa bulsa ng daster nito, "...Pet, bilhan mo nga ng iron tablet tong isa, baka bumaba na naman ang dugo nito. Pagkatapos daanan mo yung si Diding. Sabihin mong mamaya ko na tingnan yung bag na binebenta niya!" "Nay, aanhin mo ang bag? Eh ang dami dami mo ng bag sa ukay

