Ilang araw ang lumipas, hindi na lingid sa kaalaman ng nanay Malda niya at ibang kamag anakan na meron ng paligsahang namamagitan sa dalawa, nakailang challenge na rin siya rito at naka ilang talo na rin siya, at nung isang araw lang pinakain ni Roxanne si Jake ng balut at iba't ibang street food na nagpapa surprised sa lahat dahil nagustuhan pala ng kumag, kaya ayun talo siya.
Ikanga ni nanay Malda na scorecard holder nila ay si Jakey niya ay 3 at si Buday naman daw ay 2. Alam niyang naka ilang talo na siya kaya kahapon nagpaluto siya kay Mapet ng lechon sisig na lingid sa lahat dinagdagan niya ng kalahating basong dinikdik na sili. Ayun nga nung nasa hapag kainan na sila, ang unang tumikim ay si Jake, na halos namula ang buong mukha sa anghang at nagpapa tili rito't naghahanap ng gatas, well? What to do silly hooman, at dahil nga nag offer si mapet ng challenge, kumain naman siya ngunit lingid sa mga ito na yung nasa plato niya ay yung orihinal na niluto ni Mapet na hindi naman masyadong maanghang. Si mapet nama'y napagalitan ng nanay Malda nila at hinabol pa ito ng itak.
So Jakey 3, Roxanne 3. Pareho na sila.
Nakahiga siya ngayon sa kwarto, nag iisip ng kung ano na namang challenge ang ioofer niya sa bakulaw. Infairness naman, kahit papano hindi ito nabuburyo at ang sabi nga ng ate MJ niya nung tumawag ito ay, baka magtagal pa ng linggo ito rito't nag aalboroto pa rin daw yung kalansay na chicks nito. Ewan ba niya, kung anong hinahabol nila kay Jake. Oo nga gwapo naman ito kung gwapo, at ngayon nga'y Vice President pa ng Murray's Group Inc. Ang kompanya ng asawa ni ate MJ niya at dahil kaibigan nila si Jake, napadali ang promotion nito at dahil masipag naman daw itong talaga. Kaya lang naloloko sa mga chicks. Wala nga daw itong karelasyon na tumagal ng ilang buwan.
No wonder ang kumag kung makaasta eh parang diyos ng mga pokpok.
Ilang saglit na pagmumuni muni ay nagulat naman siya sa tili ng babae sa kabilang kwarto. Tiling malandi. What the f**k was that? Teka nga? Bakit may tili ng babae sa kwarto ng demonyo? May kasama ba ito? Aba't nagdala ng babae sa pamamahay nila?
Mapuntahan nga.
Sa harap ng pintuan ni Jake akmang kakatukin niya na ito ng biglang nagsalita sa likod niya si nanay Malda niya na nagpagulat sa kanya, "Ay! Bituka! Nay, naman eh kung makagulat ka!"
"Day, sino yang higad sa loob ng kwarto ni Jakey ko? Bakit may naririnig akong tiling impakta. Napatakbo pa naman ako, kasi akala ko na reyp kana. Ang swerte mo sana!"
"Nay, ano ka ba. Nakakagulat ka naman. Di ko alam kung sino yun at ang kumag kung makadala ng babae dito walang ka respeto respeto. Hinayupak to!" Giit niyang kumatok ng malakas.
Lagot kang yawa ka! Ang kapal ng mukhang magdala ng babae. Makakatikim ng suntok to ulit!
Ilang sandali pa ang lumipas ng kumatok ito at napatanong. "Yes? Roxy babe?" Lumabas itong naka boxer short lang at basang basa pa ang buhok, kitang kita ang walong pandesal nito at maumbok na something sa baba. Damn! This man is hot. Nag smile pa ito at naalala niyang galit pala siya rito. Ang damuho kung maka Roxy Dear. Hindi na nakakatuwa yung tawag niya sa kanya ha. Makakatikim to. "Who the hell are you with?"
"Oops! You heard us? Hi nanay Maldz! You look beautiful today." Dagdag nitong kinindatan pa si nanay na nagpakilig naman dito sabay lagay sa mapuputing uban nito sa tainga. Ang matanda! Parang teenager kung makakilig.
"This house is not a hotel Mr. Collen, may I remind you that I am not going to tolerate such whoring. So you better get out of here or risk sleeping with the ducks outside…" Hindi pa siya tapos sa sasabihin ng may narinig siyang babaeng nagsalita at yumakap pa sa baywang ng kumag na nakangiti pa.Ay! Pisti kang higad ka! Si Jennylyn? Paanong napunta yan dito sa pamamahay niya. Ang tuko kung makakapit. Nakakahighblood ah! Nakakainis.
"Oh Jakey my love. Come here we are not done remember?" Saad nitong sa kanya nakatingin. "...Oh, Roxanne wanna join us? I'll share you know. Mabait naman ako ikaw sa taas ako sa baba."
Ang malanding nilalang ni satanas. Kinindatan pa siya.
"Jake, I will give you two minutes to bring that w***e outside of this house. If not! You'll be very sorry!" Sabi niyang tumalikod agad at pumunta sa kwarto.
Ang mga animal ginagalit talaga siya ha.
Teka nga lang, bakit ba siya galit na galit na halos kumulo na yata dugo niya? Bakit nga ba? At dahil sa inis hindi niya na pinansin ang konsensyang nagbibigay ng rason. Kinuha niya sa cabinet ang binayad na baril ng nakalaban niya sa racing nung nakaraang buwan, at dahil walang pera noong tumaya dahil akala ay mananalo ito sa kanya, kaya ayun ang shotgun nito ang pinambayad. Well, akalain ba niyang magagamit niya ito ngayon. Maghanda kang demonyitang higad ka! Akala mo ha.
Jake was smiling, he never thought his nemesis would be this angry? He wasn't touching this Jennylyn woman thought. He knew her kind. He was just being stupid to let her inside his room. And the woman was creepy. Touching his manhood the second she came inside. Luckily Roxanne knocked on the door. He was saved, yet looking at the angry eyes of Roxanne made him think otherwise. Her angry eyes tell him that Roxanne's brain was in a different mode, that she has switched gears from empathy to cold emotional indifference. Likely, Jake had never once directed this kind of mode in Roxanne direction, nonetheless it emerges when she senses a threat, and so this was like a part of full on protective mode he thought. However, Jake's softer self has taken a backseat and his common sense has the wheel and retreated as he hears the threat on her voice. Dammit! She must be very angry. It was not like she asked this w***e to come here anyway. He saw her in the gate while he was doing his morning exercise.
"Oh Jenny, you heard Roxanne. You must go now or we'll both face the consequences."
"But Jakey, dear. We are not done yet."
On cue, Roxanne opened the door and directed the gun to them. "s**t!" What the hell was wrong with her? A gun. Now this is serious. Dammit!
Oh ano ngayon? Taranta kayo? "Hoy babaeng malandi. Bibilangan kita ng tatlo. Pag ikaw hindi tumakbo at umalis sa kwarto na ito. Ililibing kitang higad bukas. Isa…" Sigaw niyang nanlilisik ang mga mata, at sa takot naman ni Jennylyn ay tumakbo ito ng mabilis at muntik muntikan ng mahulog sa hagdanan.
"Dalawa…" Ayan, takot ka man pala eh! hmmp! mabuti na lang at wala itong bala.
"May araw ka sa akin Buday. Pagsisisihan mong ako ang binangga mo." Sigaw nito habang patakbo na sa gate. Sa narinig nainis siya lalo't nakatutok ang baril kay Jake na nagpapanic naman sa isa.
"Roxy, dear. Put the gown down! Now!" What the hell is wrong with this woman? She was scary yet so beautiful at the same time even with the black t-shirt she wore and a short pant with bunny yellow sleeper. Damn this woman was amazingly gorgeous. Her lips were red and ready enough to be kissed.
She was like a beautiful woman who own the world, who feels beautiful within, from the angry eyes she gives to her ideas and the creative ways she expresses her soul. She was one who wraps her arms around his boring world and made it too damn interesting. That's beauty and if he can't see it, he'll be crazier and more stupid than most. She was hot.