After two hours of travelling they were almost at the countryside, and Jake marveled at the scenery. They just stopped at the convenience store earlier for a coffee and sandwich for breakfast and they start their journey again. The countryside was beckoned with lovely holidays. It was a day of sunshine and rambling for Jake, with way too many cups of coffee in his coffee cup holder. The sunshine was brilliant but not yet with the like of heat summer. They passed wide rice fields which were no longer swathes of rutted mud, each one was softly fresh, the new stems trembled by the light breeze. The distant hills rolled like a casually spread riders quilt, rising and falling in soft waves.
After ten minutes of nap Jake woke up with a little bang on his head, his mind with the muddy road In front, his senses soaking in the changes since this was his first ventures away from the cold snow of London. He rolled down the window and enjoyed the morning fresh air that had more warmth and more fragrance. It was like a music to meet his ears with an auditory painting from the winged artists as they called above them.
Isang oras pa ang lumipas nakarating na sila sa bayan, limang minuto na lang ay nasa bahay na sila,
naenjoy yata ng bakulaw ang paligid dahil binuksan nito ang bintana ni Itim. Well, hindi niya naman ito masisi, dito sa probinsya ang sarap ng hangin, at dahil maputik ang daan dahil sa nagdaang ulan, walang alikabok na iirita sa mga mata niya.
Sabi nga ni ate MJ niya sa London, kahit spring eh malamig pa rin at pag winter naman talagang napakalamig no wonder manghang mangha itong bakulaw na ito sa mala summer na panahon.
Kahit alas nuebe pa lang ng umaga at nasa kasarapan na ang araw sa taas eh hindi naman mainit na maalinsangan. Sinwerte ang kumag, kung hindi umulan kahapon tiyak uubo ito sa alikabok. Ito naman kasing bayan nila meron pa ring daan na hindi pa naayos.
Ilang minutong lumipas, nagsalita ito at napataas ang kilay ni Roxanne sa itinuro nito. "What the hell was that?" Tanong ng bakulaw na nakakunot ang noo.
Tiningnan naman ni Roxanne ang itinuro nito. Pati pala ito napansin ang pinagawa ng napakagaling na mayor nila, ang wonder tulay. Konkretong tulay na wala namang ilog or sapa sa ilalim.
"Well, that is a bridge!"
"I know that is a bridge. Why the hell was it there? I don't see a river or a lake. It has nothing in it." Jake noticed that she had an interesting accent that he couldn't quite place. It was different to any other Asian person he had met. It was almost had a hint of British to it.
"Welcome to the philippines then, where they make a bridge and make a river later." Saad niyang gustong matawa pero pinigilan ang sarili. She need to established her effort to be a snab. Ayaw niyang malaman nito na ang dali lang niyang napapatawa. Pigil ang sarili hindi niya pinansin ang pang aasar nito.
"Bloody weird. So are we there yet?"
"Almost, in that block." Dagdag niyang ininguso ang susunod na likuan. Napahinto lang siya dahil may tricycle na pumasok. Alam niya na ang mga pinsan niya iyon, si Edmond na sundalong nagbakasyon at si Mapet, ang astig niyang pinsang tomboy na kung manamit ay parang siga ng kanto at leader ng gang. Pumasok na rin ang sasakyan niya sa kantong papunta sa kanila at bumusina siya na nag palingon sa mga pinsan niyang kumakaway pa. Pumasok na ito sa gate nilang binuksan ng nanay Malda niya at pumasok na rin sila. Pagkababa bigla agad siyang tumakbo sa loob at pumunta sa pinakamalapit na CR, naiwang namangha naman si Jake dahil hindi nito alam kung bababa ba ito or maghihintay ng may lalapit sa sasakyan at iwewelcome siya.
Ang nanay Malda naman nila'y isinara ang gate at lumapit sa sasakyan at kumatok sa bintana ng bisitang poreyner.
"Hoy, Buday bakit iniwan mo itong bisita mo? Naghihintay pa yatang halik halikan ko ito, di ba Mapet ganito naman ang mga poreyner mahilig mag beso beso." Sigaw ng nanay Malda nilang tiningnan ang pinsang nakamasid sa bisita nilang binubuksan na ngayon ang pintuan ng sasakyan.
"Hello, you must be Jake." Saad ni Mapet na kumamay sa bisitang matangkad pa sa kapre. Sa taas niyang 5'0 hindi siya umabot sa kili kili nito. Maputi, matangkad, gwapo, mayaman! Bagay sa pinsan nilang si Roxanne na wala ng ginawa sa buhay kundi makipag karera ng sasakyan at himas himasin ang baby nito na hindi pa nagasgasan kahit minsan.
"I'm Mapet and this is Edmond. We are both Roxanne's cousin." Lumapit naman si Edmond at nakipagkamay din dito habang tumalikod na agad at pumunta sa tricycle, may kinuhang mga buko na babalatan pa raw nito.
"Nice to meet you, yes I'm Jake. MJ's friend." He blurted as he surveyed the place, smiling and crossing over to the woman who seems to dress like a man, taking her hand and shaking it. It was small and soft. Her nails were painted dark, he noticed. Odd.
He watched the older woman who seems to be grinning and came forward, she offered him a hugged and sniff him afterwards. It was a little bit awkward and creepy at the same time but with the way she smiles his awkwardness was gone in a second. It seems like she was like MJ's mother who loves to sniff him. Still, Jake did not want to make her uncomfortable so he decided to go with it.
Smiling, Jake offered his hands and kissed the old woman's outreached wrinkled hand. Pulling him inside, he laughed a little in a way that brought warmth inward and, Jake believed, to those around him also and trust the old woman to have a literal "welcome mat" in her home. By the door was a mat that had welcomed their family home for many years, the simple words of affection holding each of them true to their loving core. Jake guessed it was funny because it translated her smile and kindness so well.
"My pleasure to meet you milady!" Natutuwang halik ni Jake sa kamay ng nanay Malda nilang nagpakilig sa matanda. Ngumiti pa ito ng may pagka dalagang pilipinang style na nagpapatawa sa lahat. Hinila naman ni nanay Malda ang kamay ni Jake at pumasok na sila sa loob.
"Nanay maldz ang landi mo. Kinilig haha! Roxy si nanay Malda nagdadalaga na!" Sigaw ni Mapet habang kinuha naman nila ang mga gamit ng bisita sa sasakyan. Sumunod naman sila sa likuran nina Jake at nanay Malda na nakakapit na sa braso ng bisita. Ang landi, feeling dalagang pilipina nahalikan lang ang mga kamay.
"Nay, umayos ayos ka dyan, naglalandi ka ha! Saan na ba si Roxanne at bigla na lang nawala."
"Aba't nagCR kanina pa daw yun taeng tae." Sagot ng nanay Malda nilang hinila si Jake at pinaupo sa sala, sumigaw naman ito, "...Roxanne? Tapos ka ng tumae? Ihahanda ko na ba ang agahan nyo nitong gwapong nilalang?"
"Opo nay, nagugutom na ako!" Sagot naman ng isa na umakyat na sa hagdanan. "Oh bakit paakyat ka? Di mo ba sasamahan tong si pogi mag agahan?"
"Nay, magbibihis lang ako ng shortpant ang lagkit nitong jeans ko nabuhusan ng kape kanina sa byahe...Mapet, pakisabi naman kay Edmond na dalhin niya na kako yung buko sa likod at buksan niya na lahat dahil magbubuko salad daw si nanay mamaya."
"Andun na yun kinuha nang lahat ng buko sa tricycle tutulungan ko lang yun mamaya!" Sagot naman ni Mapet.
"Hoy! Ba't ako na naman Buday? Eh di ba nga ikaw itong gusto ng buko salad? Lulutuin ko pa ang balut mamaya eh, iintertenin ko pa itong bisata natin ah!" Saad ng matandang umupo sa gilid ni Jake na nagpasmile naman sa isa, si Mapet nama'y inakyat ang maleta nito at sinabihang ihahatid niya lang sa guestroom ang maleta niya.
"Milady, what's buwko?" Narinig nilang tanong ni Jake sa nanay Malda nilang lumalandi at inaamoy amoy ang bisita.
"Kokonat!"
"And what's Baluth?"
"Oh! It's a…Buday ano nga ang inglis ng balut?" Sigaw nitong pahabol.
"Duck eggs!" Sigaw naman niyang sagot habang papasok na sa kwarto at napahinto ito sa ignoranteng sagot ng kumag.
"Woah! Duck lay eggs? I thought they had a baby?"
Ay ang ignoranteng bakulaw. Ano bang klaseng duck meron sa London. Bobo naman nito. Saan lupalop ba ito ng mundo galing. Napatawa naman siya sa inosenteng sagot ng nanay Malda niya.
"In the philippines, our duck lays egg. Bakit in London ba pinapanganak?"
"What's pinnganayk?"
"You know, when mommy duck and daddy duck...patong patong each other and make a baby," Inaksyon pa nito ang dalawang kamay na nakapatong, "...they baby came out from here…" turo nito sa pwet niya na nagpatawa naman kay Mapet na ngayo'y pababa na ng hagdanan. Si Roxanne na may humagalpak ng tawa na narinig ng lahat.
"Nay, ano na naman yang itinuro mo sa bisita mo? Ang sagwa nay, tumigil ka nga!" Patawang biro ni Mapet na pumunta na sa labas at tinulungan si Edmond sa mga buko.
"Aba't nagtanong eh, baka sa London ang duck nila nanganganak!"