"HI! Where's Enrique?" tanong ko at ngumiti sa babaeng nasa harapan ko. Siya ang bumungad sa akin nang ihatid ako ng isang empleyado rito sa loob ng opisina ni Enrique. Humalukipkip siya. "May I know your name, Miss? At paanong nakapasok ka kaagad dito sa opisina ni Sir Enrique?" Nabakasan ng hiya ang mukha ko sa narinig. Mukhang hindi ako kilala ng babaeng kaharap. Kahit ako ay ngayon lang siya nakita sa kompanyang ito. Nawala sa isa't isa ang atensiyon namin nang magbukas ang pinto. Parehong napunta roon ang atensiyon naming dalawa. Agad na bumalik ang ngiti ko sa labi nang bumungad sa harapan ko si Enrique. "Love!" bulalas niya nang makita ako. Agad siyang lumapit sa akin. Mas naging matamis ang ngiti ko sa labi nang ikulong niya ako sa bisig niya. Ni hindi man lang inalintana ang

