CHAPTER 03

1310 Words
CHAPTER 03 Pagpasok ko pa lang sa venue para sa press conference na inihanda ni Sir Wally ay mga nagkikislapan at tunog nang capture ng mga camera ang naririnig ko. Nagkagulo pa ang press nang dumating ako pero kahit gano'n ay pinilit ko pa rin na ngumiti sa kanila. Gusto ko nang matapos ‘to kaya naman dadalian ko na lang ang pag sagot sa mga walang kwentang katanungan nila. Lumapit na ako sa pwesto ko kung saan may maliit na desk do'n at nakapatong ang isang maliit na mic stand saka ako umupo. I flashed a smile again before I speak. “Hello. Nagpatawag ako ng press conference para sagutin ang mga tanong niyo sa akin tungkol sa kumakalat na balita. At kung ano man ang sasabihin ko ngayon dito, ‘yon lang ang gusto kong isulat niyo.”I said ang smiled again. Nahagip pa ng mata ko si Pepper sa may gilid at nag-nod pa siya sa akin. Actually, gusto rin niya sanang sumama sa interview na ‘to kaya lang pinigilan ko siya dahil ayokong nagmumukha akong takot na kailangan nang kakampi. Hindi kasi ako ganon na klase ng tao, kaya kong harapin ang problema ng ako lang mag-isa lalo na kung alam kong wala akong kasalanan. Kilala ko kasi si Pepper, siya 'yung tipo na ipagtatanggol ka kapag alam niyang nasa tama ka. “Yes Ms. Young.” “Okay po Ms. Young.” Ilan lang 'yan sa mga narinig kong kasagutan ng mga press na nasa baba ng stage kung nasaan ako. “Okay sige, simulan na natin. Gusto ko ay chill lang tayong lahat, hindi niyo kailangang mag unahan dahil sasagutin ko naman lahat nang katanungan ninyo.”Malumanay na wika ko pa. Syempre, mabait naman talaga ako sa harap ng camera, gano’n rin pag walang camera pero sa mga taong mababait lang din sa akin. “Ms. Young, totoo ba ang kumakalat na balita na ikaw ang artistang tinutukoy na may affair sa isang Mayor?”Tanong ng isang babaeng press. Hayys. Unang-una pa lang ay 'yun na agad ang tanong nila sa akin? Tsk. “Hindi.”Tipid na sagot ko. “Pwede niyo po bang i-elaborate ang sagot niyo?”wika naman ng isang lalaki kaya sa kanya napunta ang tingin ko. “I said no, because I never did it, and it’s not me. Hanggang doon ko na lang kayang i-elaborate ang sagot ko dahil ayokong maging complicated ang lahat.”I said and smile again. Marami pa silang naging katanungan sa akin. 'Yung iba ay about sa issue pa rin, yung iba naman ay about sa mga projects na naka-line up sa akin at 'yung iba naman ay kung totoo ba 'yung tungkol sa mga nali-link sa akin na artista na lahat ay sinagot ko. Akala ko nga ay tapos na ang lahat dahil pagod na pagod na talaga ako pero hindi ko inaasahan na may magtatanong pa rin sa akin na naging dahilan kung bakit nakakaramdam na ako ng inis. Binatuhan ko nang tingin 'yung babaeng press at kung hindi ako nagkakamali ay kanina pa siya nagtatanong sa akin. Hindi ko naman siya kayang sungitan dahil ang daming mga camera sa paligid pati na rin mga tao kaya pinilit ko pa rin na ngumiti. “Ms. Young, question pa po—“ “Wait.”Pag pigil ko sa kaniya bago siya magsalita at tumigil naman siya. “Your question will be the last question na sasagutin ko, no more follow up questions kaya naman ayusin mo ang pagtatanong.”I said still smiling. “Okay Ms. Young, my last question is— paano ka nakakasiguro na hindi talaga ikaw ang artista na tinutukoy sa affair issue kung kahit ang mga nali-link na artista sayo ay itinatanggi mo rin?”Tanong niya. Hindi ko maiwasan na mapa-smirk ako sa isip ko dahil sa tanong na ‘yon. Ang galing! Pero dahil gusto ko nang matapos ‘to kaya naman bibigyan ko sila ng sagot na hindi nila inaasahan at para matigil na rin ang affair issue na isinasangkot sa akin. I smiled and answered. “Because I have a non-showbiz boyfriend.” Napuno ng mga bulong-bulungan ang paligid, narinig ko rin ang pagkabigla ng mga tao dahil sa isinagot ko pero wala na akong pakialam pa do'n. Wala naman talaga akong boyfriend pero 'yon na lang ang sinabi ko para hindi na rin nila idinadawit ang pangalan ko sa Mayor na 'yon. Tatayo na sana ako pero muling nagsalita na naman ang isang press, hindi ko makita kung sino ba 'yung nagsalita dahil nasa may bandang likuran siya ngunit rinig na rinig ko naman ang itinanong niya sa akin. "Pwede niyo po ba'ng pangalanan ang boyfriend mo Ms. Young?"Tanong nito. Maraming sumang-ayon sa tanong na 'yon at mukhang hinihintay talaga nila ang gagawin ko'ng pag name drop. Kaya lang, wala naman akong masabi na pangalan kasi gaya nang sinabi ko... wala nga akong boyfriend. Hayys. Mukhang wrong move yata ang ginawa ko. Tsk. Mag i-imbento na lang siguro ako ng pangalan para matapos na 'to. "My boyfriend named Ford Tan."At 'yon na nga ang huli kong sinabi saka nagmadali nang tumayo at umalis sa stage na 'yon. Mabilis naman akong sinalubong ni Pepper at ilan sa mga bodyguard ko at tuluyan na nga kaming umalis sa venue. "My God Amethyst! Ba't mo naman sinabi na may boyfriend ka kung wala naman talaga?!"Inis na tanong ni Pepper. Kasalukuyan lang na nasa tabi ko siya dahil nakahanap na kami ng bagong driver. "Hayys. Ano bang gusto mong gawin? Nasabi ko na kaya hindi ko na mababawi pa 'yon. At isa pa, alam mo naman na ayaw na ayaw kong nadadamay ang pangalan ko sa mga issue kaya para matapos na... 'yon na lang ang sinabi ko."Mahabang paliwanag ko sa kaniya kahit ang totoo ay tinatamad na akong magsalita. Nang makita ko na ibubuka na naman niya ang bibig niya at handa na ulit akong sermonan ay inunahan ko na siya. "Tumahimik ka na okay? Sure naman ako na hindi nage-exist ang pangalan na 'yon dito around Manila. Kung meron man, bahala na ang press na mabaliw sa kakahanap kung sino 'yon. Dumaan muna tayo sa bakery huh, gusto ko ng cake."'Yon na lang ang sinabi ko kay Pepper at sumandal na sa upuan ko at ipinikit na ang mata ko. Nakaka-stress ang araw na 'to. . . "Pare, hindi mo naman sinabi na may girlfriend ka pala na sikat."Biglang pagbati ng isang kakilala ni Ford sa kaniya habang nasa bar lang siya at umiinom. Kumunot naman ang noo ng binata sa sinabi nito. "Huh? Anong sinasabi mo?"Nagtatakang tanong nito. Sasagot na sana ang kausap niya pero hindi 'yon natuloy dahil sunod-sunod na nagdatingan na rin ang ibang kakilala at kaibigan niya. "Wow. Nandito na pala si Ford eh. Ihingi mo naman ako ng autograph sa girlfriend mo." "Ako rin, lagi kang solo flight tuwing may gimik tayo pero ang totoo may tinatago ka pala sa amin na girlfriend at isang artista pa." Hindi na talaga maintindihan ni Ford ang sinasabi ng kaniyang mga kaibigan kaya naman mabilis na siyang nagsalita para patigilin ang mga ito. "Ano bang sinasabi niyo? Anong girlfriend? Anong artista?"Sunod-sunod na tanong ni Ford dahil naiinis na talaga siya. "Hindi mo alam? Ito oh, tingnan mo,"sabi ng isa pa niyang kaibigan at may pinagpipindot ito sa cellphone nito saka ibinigay sa kaniya. Kahit nagtataka ay tinanggap niya naman 'yun at pinanood ang isang maiksing balita doon. 'Because I have a non-showbiz boyfriend. My boyfriend named Ford Tan.' Napatigil si Ford sa kaniyang napanood dahil hindi naman niya girlfriend ang babaeng nakikita niya ngayon sa screen ng cellphone at isa pa, single siya. At nagtataka rin siya kung bakit nabanggit ng babae ang pangalan niya. Ford Tan, samantalang Ford Israehl Tan naman siya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD