By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ---------------------------- Naisipan kong tahakin ang matalahib na daan patungo sa sentro ng isla kung saan sinabi ng naghatid sa amin na may outpost ang coastguard. Nabalot man sa matinding takot mas nanaig sa akin ang pagnanais na mahanap ang kuya ko. Ngunit noong marating ko ang lugar, walang taong sumagot sa aking panghingi ng saklolo, kahit na pinasok ko pa ang kanilang compund. Bumalik uli ako sa tent at muli naghintay, nagbakasakaling babalik din si kuya. Ngunit alas onse na lang ng tanghali, wala pa ring kuya Erwin na nagpakita. Inikot ko muli ang isla, naghanap ng mga palatandaan. Ngunit wala. Binalikan ko ang outpost ng coastguard kung may tao na. Ngunit ang tanging narinig ko ay ang ingay ng mga d

