By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ----------------------- “K-kuya???,” ang tanong ko kaagad sa kanya, ang boses ay may halong pagkagulat. “Sabi ko, huwag ka nang umiyak. Payag na akong dito ka matulog ngayong gabi sa kwarto ko pero sa isang kondisyon,” ang pagklaro niya sa nauna niyang sinabi. “Eh… ano naman ang kundisyon?” “Ito na ang huli mong pagtabi sa akin at kagaya ng sinabi ko sa iyo, dedistansya na ako sa iyo” “Kuya naman e!!! Ayoko! Gusto ko pa rin ang dati. Gusto ko lagi mo akong sinasamahan,” ang pagdadabog ko pa. “E ‘di sige… walang pagbabago, pero hindi ka pweding matulog dito sa kwarto ko.” “Ano ba yan? Wala akong mapagpilian! Parang whether you like it or whether you like it, ganoon pareho!” Natawa siya. “Ayann…

