Chapter 1

2251 Words
After seventeen years have past... Nagmamadaling nagpatakbo ng sasakyan si Zion Delatejera, dahil may hinahabol siyang meeting with clients. The meeting is all about the new investments with their new products to produce. Kaya di siya kailangang malate, lalo na at napakahalaga ng kameetings na. "Dammit! Naabutan na ako ng trafic! Nakaiinis naman ito, oh" Inis na sambit niya sa sarili. Kung kailan kasi nagmamadali siya saka pa nagkaganito! Pilit siyang naghahanap ng malulusutan, ngunit parang walang pag-asa! Tumunog na naman ang cellphone niya. Kanina pa kasi ito tumutunog. Kanina pa siya tinatawagan ng sekretaya niya. Thirty minutes before the meeting ay andoon na ang ka-meetings niya. Wala siyang nagawa sa pagkakataong ito kundi sagutin ang tawag ng secretary niya. "Yes,Miss Aida!" Pasimula niya. "Pasensiya na po kayo sir, ngunit kanina pa naghahanap ang ka-clients natin. Baka po kasi maiinip sa kahihintay." Pun ng pag-alalang sabi ng secretary niya. "I'm on the way. Just fine a ways na maditruct mo sila and I'll be there within a few minutes!" "Okay po sir!" Pagsang-ayon ng secretary niya. Si Mis Aida Gomez ay seven years na niyang secretary. Ang kanyang Lolo ang perssonal na pumili nito para sa kanya. Ganoon naman ang Lolo niya. Masasabi mong napakaprotective at minsan ay dictador. Nakakainis man ngunit wala siyang magawa kundi sundin ang mga sinabi ng lolo niya. batid niyang ang kapakanan niya ang priority ng lolo niya. Isa pa matagal na siyang tinitrain ng lolo niya bilang kahalili sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila. Siya lang kasi ang nag-iisang apo nitong lalaki at nasa tradisyon na nila na maipapasa ang pamamahala ng mga negosyo at ari-arian sa lalaking malapit na kamag-anak. Minsan ay nakakaereta at parang hindi fair sa kapatid niya, ngunit ini-assure ng kapatid niya na wala itong balak na magpatakbo ng negosyo ng pamilya nila. Isa pa kuntinto na itong mamuhay ng payapa at nakukuha ang gusto nito sa buhay. Hindi kagaya niya, Si Zion John Delatejera, ang nag-iisang tagapagmana ng Delatera Industries at Delatejera Group of Companies. Bawat galaw niya kasi ay nakatutok ang lolo Zack niya. Lage nitong sinasabi na ganito,ganoon ang gagawin mo! Noong una ay parang nasisiyahan pa siya ngunit habang tumagal ay parang unti-unti na siyang nasasakal. May halong inis ang isiping iyon, mabuti nalang at hindi siya nagtagal sa ganoong posisyon at lumuwag na ang daan. Agad niyang pinapatakbo ng mabilis ang sasakyan upang makarating sa meeting niya with clients. Ilang sandali palang ang tinatakbo niya ay nagulat siya sa may biglang tumawid na isang babae. Sa labis na pagmamadali niya ay hindi niya namalayan ang traffic lights. Naging mabilis naman ang reaksiyon niya at malakas na tinatapakan ang preno. Ngunit nahagip arin niya ang babae at natumba ito. Labis ang kanyang pagkabigla at hindi alam ang gagawin? Ilang sandali pa siyang nag-isip kung anong gagawin? Kung dapat bang unahin ang nasagasaan niya o yung kammeting niya na important clients? Ngunit mas nanaig ang pagiging makatao niya. Kahit pinalaki siyang matapang at makasarili ng lolo Zack niya ay hindi niya magawang pabayaan ang taong nasagasaan niya. Agad siyang bumaba ng sasakyan at tiningnan ang lagay ng nasagasaan niya. Nakahandusay ito sa daan at namimilipit sa sakit. "Miss are you okay?" Pilit niyang inagaw ang atensiyon nito. Dahan-dahan niya itong nilapitan at hinawakan. Napakalamig na ng babae at parang nalalanta na yung katawan. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at agad niyang hiniga ang babae. Parang hindi na ito humihinga. Kinapa niya ang pulsuhan nito sa kamay at sa leeg ngunit napakahina ng t***k ng puso nito. Mabuti nalang at marunong siya sa First Aid. Sini-CPR niya ang babae ng makailang ulit bago nararamdaman ang muling paghinga nito. Saka naman ang pagdating ng ambulansiya. Agad na tumawag ng ambulansiya ang mga taong naroon. Hindi na muling nag-isip pa si Zion at sumama sa ambulansiya na maghahatid sa babae sa hospital. Ilang sandali lang at nakarating sila sa pinakamalapit na hospital. Agad namang inaasikaso ng mga nurses at doctor ang pasyenti. Maya-maya din ay umating ang mga pulis na nag-imbestiga sa pangyayaring iyon. "Mr. Zion, maari ba namin kayong makausap? May itatanong lamang kami tungkol sa pangyayari kanina!" Sabi ng isang pulis. Saglit siyang napatingin sa mga ito. "Just talk to my lawyer. Papunta na siya dito." Tila naiinis niyang sabi sa mga ito. Mabuti naman at agad na dumating ang family lawyer nila. Ito na ang kumausap saa mga pulis. Narinig niyang nag-uusap ang mga pulis at family lawyer nila ngunit di niya maiintindihan ang mga pinag-usapan nito. Nakatuon kasi ang buong atensiyon niya sa babaeng nasagasaan niya kanina lang. Ayaw niyang mamatay ito ng siya ang dahilan! "Mr. Zion? Mr. Zion......" Tawag sa kanya ng abogado nila. Sa subrang pag-alala niya ay di niya namalayang tinatawag na pala siya ng abogado niya. "Yes Attorney Cruz? " Nagulat niyang sagot dito. "I'm sorry for what happen. I settle everything now. You don't have to be worried anymore! We pay all the expenses and medications ng patients." Paliwanag pa nito. "How could, I'm not be worried Attorney? Nakasagasa ako ng tao, at ayaw kung maging kriminal!" Wala sa loob na sabi niya rito. "I'm sorry Sir! But you have other thing to be worried for?" Nag-alalang sabi nito sa kanya. Doon ay tila siya natauhan. "Kanina pa kasi tumatawag ang lolo mo saiyo ngunit di mo siya sinasagot sa phone mo." Dagdag pa nito. Bigla niyang naalalang naiwan niya pala ang phone niya sa sasakyan. Nakalimutan niya itong kunin bago pumunta dito sa hospital. "You have to talk your lolo Sir! Ako ng bahala dito. Baka pagalitan ka pa niya ng husto." Naiintindihan niya ang nararamdaman ng lawyer nila. Matagal na itong nagiging lawyer ng familya nila. Ang ama din nito ay dati ng lawyer ng pamilya nila at ng magpahinga ay ito ang pumalit. Mabait at lubos na mapagkatiwalaan si Attorney. Isa rin ito sa lubos na pinagkatiwalaan ng lolo niuya, maliban sa sariling driver, at sekretary nito. "Mamaya ko nalang po siya kakausapin kung masisiguro ko na pong ligtas ang taong nasagasaan ko. Ako na pong bahala kay lolo." Wala sa loob na sabi niya. Nagbuntong-hininga na lamang ang Lawyer. Batid kasi nitong walang magpabago ng isipan niya. Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor na tumingin sa babaeng nasagasaan niya. Agad nila itong nilapitan. "Doc, kuusta ang pasuenti?" Agad niyang tanong rito. "Sino ba sa inyo ang kamag-anak ng pasyenti?" Balik tanong nito. "Ako po yung nakasagasa sa kanya. Hindi po namin siya kilala at ang kamag-anak niya." DAgdag niya pa ito. "Nasa maayos naman ang kalagayan ng pasyenti sa ngayon. Wala naman siyang ibang sugat o bali ng katawan maliban sa kunting galos. Ngunit kailangan kong makausap kaagad ang kamag-anak ng pasyenti upang maipaalam ko sa kanya ang kalagayan ng pasyenti." Paliwanag pa ng doctor. "Anong ibig niyong sabihin doctor?" NAguguluhan niya pa ring tanong. "Kaya nahimatay ang pasyenti kanina ay dahil nagkaroon siya ng major heart attach. Mahina ang puso niya at dahil sa labis na takot ng muntikan na siyang nasagasaan kaya siya inataki. Kapag maulit pa ang ganoong pagyayari ay hini na natin masisiguro ang kaligtasan niya." Paliwanag pa nito. Nakaramdam ng awa si nZion. Awa at pag-alala. Hindi niya alam kung bakit ganoion ang nararamdaman niya sa taong hindi niya kilala. Kunsabagay siya ang dahilan kaya nagkaganoon ang babae. Kaya pakiramdam niya ay kargo de-kunsensiya niya ito. "Mr. Zion... Are you alright?" Nag-alalang tanong sa kanya ni Attorney, matapos ang ilang sandaling pananahimik. Hindi na nga niya namalayang nakaalis na ang doctor na kausap nila kanina. "I feel pity for her and I want her to give everything she needs in order to recover." Wala sa loob na sabi niya. "Yes, Sir. Tinitiyak kong maibigay sa pasyentiu iyon. Ngunit kailangan niyo na talagang umuwi." Pakiusap pa nito. "Ililipat na yung pasyenti sa ward at kailangan na muna niyang magpahinga sa ngayon. You have to go home. Balikan niyo na lamang siya." Dagdag pa ng abogado. "I need to see her now." Disididong sabi niya. "Titingnan ko nalang muna siya at pagkatapos ay aalis na tayo." Dagdag niya pa. Walang nagawa ang Attorney kundi ang sumunod sa kanya. Sinamahan siyang pumunta sa kwarto ng pasyenti. Pagdating nila doon ay wala pang ibang taong naroon maliban sa kanila. Nakahiga ang babae na may nakakabit bang dextros at oxegyn sa ilong. Agad niya itong pinasadahan ng tingin. Payat at babae na may katamtaman ang taas at morena ang kulay ng balat. Maliit at maganda ang curve ng mukha na nababagay sa katamtamang taas ng ilong. Hindi niya nalam kung bakit labios-labis ang awang nararamdaman niya rito. Biglang nagdilat ng mga mata ang babae. Saglit itong tiningnan ang paligid at tila nagulat ng makita sila doon. "Nasaan ako? Sino po sila?" Naguguluhang tanong ng babae. Napakaganda ang kulay brown na mga mata nito. "I am John at ito naman si Attorney Cruz. Ako yung nakabangga sa iyo kanina sa daan." Malumanay niyang paliwanag dito. Biglang bumatay ang pag-alala sa mukha nito. "Kakasuhan niyo po ba ako?" Agad na sabi ng babae. "Nako Miss, hindi po yan ang pinunta namin dito. Narito po kami upang tulungan ka at sasagutin namin ang lahat ng expenses mo sa hospital pati na rin sa gamot." Paliwanag ni Attorney Cruz. Nakita niya ang biglang pagliwanag nito sa mukha. "Pasensiya na poi kayo. Hindi ko kasi namalayang may paparating na sasakyan kaya ako tumawid kanina. Wala naman po kayong kasalana sadyang minsan napakatanga ko lang po talaga." Tila nahihiyang sabi nito. Isang matamis na ngiti ang iginawad niyta sa babae, dahilan para ito mahiya at magblush. Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto. Isang humahangos na babae ang pumasok doon. Maputi at maganda ang babaeng iyon. Hindi niya mawari kung magkapatid ang dalawa sapagkat mukhang mistisa ang kapapasok lang na babae samantalang morena ang nasagasaan niya. Hindi niya maitatanging pareha ang dalawang magagandang babae. "Ate Len..." Humahangos na tawag nito sa pasyenti. Parang hindi nga sila nakikitang naroon. "Anong nangyari? Kumusta na po kayo? May masakit pa ba sa iyo? Bakit may soot kang oxygen? Nahihirapan ka bang huminga?" Mangiyak-iyak na sunod-sunod na tanong ng babaeng kapapasok lang. "She's fine. Hindi naman siya gaanong nasaktan. Binigyan siya ng oxygen kanina dahil nahihirapan siyang hum,inga. Pero ngayon ay maayos na ang pakiramdam niya at maya-maya ay aalisin na din yung nakasabit na oxygen sa kanya." Agad na paliwanag ni Attorney sa bagong dating na babae. Doon din ay nabaling ang tingin sa kanila. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa ni attorney. "By the way ako nga pala si Attorney Cruz at ito naman ang clients ko na si...." Hindi natuloy ang sasabihin nito ng biglang sumabad ang babae. "So siya ang nakasagasa ng ate ko!" Buong kasiguraduhang sabi nito. "Bakit ba kasi napaka-careless ng mga mayayaman! Kunsabagay kahit mapatay nila yung nadiusgrasya nila ay may pera naman silang maipantapal ng bibig ng biktima nila. Palibhasa anak mayaman at pati daan ay ariin din ninyo!" Inis na sabi pa nito. "Hindi naman po ganoon Miss...." sabad ni Attorney Cruz. "Anong hindi? Palibhasa nagtatrabaho sa mayayaman kaya nagiging katulad ka na nila ka sakim!" "Magdahan-dahan ka naman ng pananalita Miss. HIndi mo alam ang totoong nangyari!" Naiinis niyang sabad dito. "Bakit Mr. natatamaan ka ba? You rich and spoiled brat!" Biglang sabi pa ng babae. Bigla tuloy nag-init ang tainga niya dahil tinawag siyang spoiled brat. "You don't know me, kaya you have no right to judge me nlike that!" Inis niya ring sumbat dito. "Aba, natatamaan pala ang mga katulad mo. Akala ko pa naman kinapalan na kayo dahil sa pera niya niyo." Napakuyom nalang ng kamao si Zion sa inis niya sa babae. Hindi niya rin kasi lubos na maiintindihan kung bakit ganoon ang galit nito sa kanya? Gayong tinulungan niya naman ang kasamaha nitong nasagasahan niya. "Nana, tama na iyan!" Saway ng babaeng nasagasaan niya sa babaeng kapapasok lang. "Nakakahiya naman sa kanila ang inasal mo." Dagdag pa nito. "Pagpasensiyahan niyo na po sana ang kaptid ko. Masyado lang kasi siyang mainitin ang ulo. Kaya minsan ay hindi niya alam ang mga sinasabi niya." Baling nito sa kanila. Nakita niya ang pagsimangot ng babae at naroon pa din ang nag-aapoy na galit sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Ano ka ba naman ate Len, ikaw pa nga ang inaagrabyado ikaw pa yung humingi ng pasinsiya sa kanila? Kaya nga tinatapakan ng mga mayayaman ang mga mahihirap dahil kahit sila na yung mali tayo pa din ang may kasalanan!" Inis na sumbat nito sa kapatid. "Excuse me Miss, hindi namin kayo iniagrabyado! Sa tingin mo andito ako ngayon kung totoo ang mga sinabi mo tungkol sa aming mga mayayaman?" Inis rin na sumbat niya sa babae. "Aba, parang inamin mo rin ang lahat Mr. Mayabang" "Anong sabi mo? Mayabang? Kanina lang tinatawag mo akong spoiled brat, ngayon naman ay mayabang? Mukhang nakarami ka na ahhh!" "Eh, bakit ka nagagalit? Totoo naman ahh! Pasalamat ka lang at walang masamang nangyari sa kapatid ko kasi kung nagtaon ay iwan ko lang kung anong magagawa ko saiyo!" "Is that a threat?" "Call it what you want." Napapikit nalang sa inis si Zion. Pilit na pinapakalma ang sarili at baka ano pang magawa niya sa babae. "Let's go Attorney at baka hindi na ako makapagpigil." Biglang yaya niya sa kasama. Sinabayan niya ng mabilis na paghakbang palabas ng kwarto. Hindi na nga siya nakapagpaalam sa babaeng nasagasaan niya. Nagmamadali siyang lumabas doon sa labis na inis niya sa sinasabing kaptid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD