Mr. Harvey Pausini greet Her when their eyes met. binati niya din ito pabalik at nakiupo tsaka nakinig sa pinag uusapan nila ng ama. Tumuon ang atensyun niya kay Harvick na Abala sa pag tipa ng kung ano sa cellphone niya.
Akala niya si Harvick lang yung bisita kasama pala yung daddy niya. Diba dapat nasa meeting sila ngayon dahil iyon ang sabi ng matanda kanina bago sila umalis?
Bisita niya ba talaga o bisita ng tatay niya?
"Son, why don't you talk to Veronique first? Talk about the upcoming wedding day. " May na ka plaster na ngiti sa labi ni Harvey habang kinakausap ang anak na tahimik lang sa tabi.
Anong nalalapit na araw ng kasal? Ni hinde pa nga siya pumerma sa kontrata? Naguguluhan siya. May plinaplano ba ang mga magulang niya at ang matandang nasa harap niya ng hinde niya nalalaman?
Gusto niyang itanong dito ang katanungang bumabagabag sa utak niya peru hinde iyun natuloy ng bigla nalang tumayo si Harvick at malakas siya hinatak saka malalaki ang hakbang na lumabas sila ng bahay. Nag paubaya siya dito at hinayaan itu sa gusto nitong gawin. kay Harvick nalang siya magtatanong, siguradong may alam naman itu na hinde niya alam.
"Look, I'm not gonna marry you." Panimula ng lalaki ng huminto sila sa likod bahay kung saan naandon ang malawak nilang bakuran. Kumunot naman ang kanyang noo.
So, they are just the same. Ayaw pakasalan ang isat isa.
"Mister. At sa tingin mo papayag akong magpakasal sayu? We don't even know each other very well. " Namiwang siya. " Wala akong pakiala kung ayaw mong magpakasal sakin, ayuko din namang mag pa kasal sayo." Sinalubong niya ang tingin ng binata sa kanya. kumunot naman ang noo niya ng pumasok sa isip niya ang sinabi ng tatay nito kanina. "What did your father say when we talk about the upcoming wedding day? I'm confused. I can't even sign the contract. "
Seryuso lang siyang pinagmasdan ng binata. Parang sinusuri ang kabuuan ng mukha niya.
"Why don't you ask your father?" Balik tanong nito sa kanya. "Ano ba ang meron sayo at ikaw ang pinag tutulakan ng daddy ko para sakin? Wala namang special diyan sa pagkatao mo."
Parang may kumurot sa dibdib ni Veronique ng marinig iyun mula sa binata. Special? Kaylan pa ba siya naging special? Sa pagkakaalam niya Wala pang matinong tao ang nagsabing special siya. Kahit mga magulang niya.
He tried not to let the young man know that she was affected by what he said. She does not want to be weak in the Eyes of other people.
Pilit na ngiti ang binigay niya sa lalaki.
Apektadong apektado siya sa mga salitang binitawan ni Harvick, siya pa Lang ang ka una unang taong pinag sabihan siya ng ganon.
"No wedding will take place and I will make sure of that, you are not the type of woman I want. Mas may taste pa yata yung girlfriend ko kaysa sayo." Huling salitang binitawan ng binata bago tumalikod at iwan siyang mag isa.
Kahit gusto pa niya itong sumbatan ay hindi niya na lang ginawa. wala siyang pake kung may taste yung girlfriend niya kaysa sa kanya. Bakit na tikman niya na ba ang dalaga kung ma ka pag salita siya ng ganon?
Tatlong araw na ang lumipas simula nang makapag usap sila ni Harvick. Pagkatapos non hinde na nasundan. Ang ama nalang nito palagi ang dumadalaw sa bahay nila. Walang Harvick na kasama tanging siya lang mag isa. Kapag nag tatanong ang ama niya tungkol ky Harvick at kung bakit hinde kasama ng matanda ay sinasagot lamang nito ay 'masyadong busy.' naisip niya tuloy kung alam ba ng ama nito na may kasintahan ang lalaking iyun.
Napag usapan ng mga magulang niya na sa susunod na Buwan na gaganapin ang kasal na pinag plaplanohan ng mga itu. Sinisiguro niya na hinde pa umaabot ang kasalang iyun ay wala silang makikitang Veronique. Hinde siya makakapayag sa gusto ng mga magulang niya.
"Mag c-club kami mamaya, Sasama ka ba?" Tanong sa kanya ng kaibigan sa kabilang linya. Umalis ang mga magulang niya kasama si Mr. Harvey Pausini. Umalis sila patungong bagiuo para asikasuhin ang gaganapan ng kasal.
Mga excited! Hinde pa nga buwan ng marso at iyun na ang inaatupag nila. ganon ba sila kaatat para ma-i kasal siya?
Only their helpers were with her in the house, but all of them were keeping an eye on her. Even Mang Arthur, who was assigned by his father to watch over her, never left her side when she left the house.
"Sige." Sagot niya. Siguradong Hinde papayag si Mang Arthur na pupunta siya ng club kaya gagawa siya ng paraan para makalusot dito. Kahit ngayung lang gusto niyang eenjoy ang sarili mag isa at walang nakabuntot sa kanya.
"Fetch me. Pagkalabas ko nang gate dapat nasa labas kana. Tatakas ako. " Sabi niya nalang na sinang ayunan ng kaibigan.
Ilang oras siyang nag antay hanggang sa magdilim ang kalangitan. Aantayin niyang matulog na lahat ng tao sa loob ng bahay. siguradong aabutin siya ng alas 11. Bahala na. Hinde naman nag sasara yung club na paboritong puntahan ni Sandra, Makakapag antay pa siya ng ilang oras sa labas.
Sa haba ng iniisip ni Veron natauhan lang siya ng tumunog yung cellphone niya. Minsahe iyun galing kay Sandra. siguradong nasa labas na itu at nag aantay sa paglabas niya.
||Sandra||
Is it still long? I'm out. Actually far from your house. You know, your father is very strict.
Mabilis siyang nag tipa ng irereply.
[Sandali lang.]
(Humingi ka kaya ng tulong kay Manang. Painumin mo nang lason tong mga bantay niyu:-) ). Mahina siyang natawa sa minsahe ng kaibigan.
[Magiging criminal ako pag nagkataon.] natatawang isenend niya iyun sa kaibigan.
(iwan ko ba kase diyan sa tatay mo napaka strikto.)
[Aantayin ko nalang tumanda.]
(Girl, baka lumala pa.)
[ide ba uugod ugod na yun?]
(dipende, Antayin mo nalang ma tigok nang sa ganon wala ka nang problemahin.)
Mag titipa pa sana siya ng minsahe ng lumapit si manang sa kanya.
"kumain kana ija." Nakangiting turan nito sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa relong pambisig. pasado alas utso na. Kunting antay nalang.
Pagkatapos kumain dumiretsu siya sa kwarto niya para magbihis. Sandali niyang tinungo ang baklonahe nang kwarto niya. Kitang kita niya ang sasakyan ni Sandra na nakapark sa gilid ng kalsada di kalayuan sa bahay nila. Ano kaya ang ginagawa ng babaeng yun sa loob?