Khieth's POV, Napamulat ako ng mata ko na may biglang sumabog. At doon bumalik sa alaala ko ang lahat. That b***h! Kahit na hindi siya sa akin nagpapakita alam ko na siya ang may gawa sa akin non. Sisiguraduhin ko na magbabayad siya sa ginawa niya. Ang lakas ng loob niyang kalabanin ako. Kung nasa akin lang sana ang kapangyarihan ko matagal ko ng naligpit ang bruha na iyon. Matagal ko ng pinag-piraso ang katawan niya. Hindi ako takot na patayin siya. All this time marami na naman akung napatay at isasama ko siya! Kahit na masakit pa ang katawan ko bumangon ako dahil may paparating. Marahas na pumasok ang mga walang mukha na bampira. Tanging mga balat lang ang nasa mukha nila. Walang mata, ilong, baba, lahat wala. Kasama nila ang isang matipunong lalaki na hindi kita ang mukha.

