Khieth's POV, Mabilis akung bumalik sa palasyo pinabalik ko na si Wynter kay Rain. Kaya ko namang bumalik sa palasyo eh. Hindi parin ako makapaniwala si Autum gumagamit ng dark magic. Tapos ang guardian ko kambal pa niya. Mukha lang ang magkapareho pero hindi ang ugali. Pagkapasok ko ng palasyo binati kaagad ako ng mga kawal tinanguhan ko naman ito. "Nasaan si Four?" Tanong ko sa isang knight na nakasalubong ko. Yumuko naman siya bilang galang sa akin. "Sa loob ng bulwagan pa mahal na reyna." Hindi na ako nag salita pa at dumiretso na sa bulwagan. Bakit ba tintawag nila akung reyna. Oo mated na ako kay Four pero hindi pa kami kasal. Kailangan ko lang tanungin si Four kung may napapansin siya sa palasyo. Sabi ni Wynter pumapatay si Autum ng mga lalaking bampira para mas lalong

