Khieth's POV, Habang nakatanaw ako sa malawak na karagatan hindi mawala sa isip ko ang nangyari isang linggo na ang nakalipas. Okay naman ang baby namin ni Four. Sabi ni Ambher napagod lang daw ako. Natatanaw ko dito kung paano nilinis ng mga water guardian ang karagatan dahil sa mga uod at bangkay na nakalutang dito. Naka ilang ligo din ako ng magising ako. f**k kadiri! At ang mas malala punong-puno na ang tenga ko sa mga pangaral at galit ni Four dahil umalis ako na walang paalam sa kanya. At hinanap si Autum. Paano nalang daw kapag napahamak ako magiging mesirable daw ang buhay niya. Ang sweet naman ng asawa ko. At naman mukha na akung butiti sa tiyan ko. Ang sabi ni Ambher malusog daw ang anak namin kaya malaki ang tiyan ko. Ang sabihin mo tumaba na ako. Napabalikwas naman ako

