Naglalakad kami ni Lucky pauwi ng bahay,...
"Ilang taon na kayo dito naninirahan?; sabi niya,
Dito na ako pinanganak, at nagka isip siguro nasa 25years na mahigit,..kasi 25 years old na ako ngayon,
Matagal na pala kayo dito Christine, siguro napaka sayang manirahan dito ano? Pagka gising mo sa umaga bubungad sa iyong mata ang ganda ng isla, ang pagsikat ng araw na humahalik sa bundok at sa buong kapaligiran at pagdating naman sa hapon bubulaga sa iyo ang pag lubog ng araw na tila nang aakit na humahalik sa dagat at napaka ganda yon diba?... kasing ganda ng kasama ko ngayon!
Ano yon, tama ba ang narinig ko? Maganda ako? Paki ulit nga! Hindi ko masyadong narinig eh!
Hindi yon, bingi kalang siguro, sabi ko napaka ganda ng isla nyo dito...sabay ngiti.
" Ano ba yan, kala ko ako na ang pinaka maganda didto sa Isla...!
Wagka kasing assumira Christine,sabay halakhak ng malakas....hahahaha
Alam mo nakaka insulto naman niyang tawa mo ah, epekto siguro yan ng tubig na nainom mo sa dagat kaya umabot na sa utak mo... sabay tawa...hahahaha
Di ka talaga nag papautang ano? Palaban ka nga, I like you!...
You like me Lucky??? Ofcourse sa ibang aspeto na palaban ka...hoy, wag ako...kung ano man ang sa utak mo, di kita type ano! Sabay simangot.
Nakaka loka ka talaga Lucky, kala mo kung sinong gwapo, di naman gwapo. Sabay simangot din... para maka ganti, kala nya ahhh!!!
Tahimik na siya, ng umihip ang hangin ng malamig...
Ang lamig lamig naman...
Ay oh nga pala, basa pala ang damit mo!..., Oh ito gamitin mo ang hoodie jacket ko, my kamisita pa naman ako;
At hinubad ko na nga ang hoodie jacket ko at binigay ko sa kanya,...buti nalang my zipper ito kaya mabilis lang hubarin...
Aninag ko ang kurba ng katawan ni Christine, dahil manipis ang suot niyang kamista...ang malaking dalawang bundok na kitang kita ko, dahil ang nipis ng kanyang bra, halos nag mamarka na ang n****e nito...,sinuyod ko talaga ng tingin ang buong katawan nya naka suot siya ng short na itim kitang kita ko na ang hulma ng kanyang katawan ng matanggal na ang hoddie jacket niya...
"Lucky..! Lucky!. Ano ba, para mo na akong hinuhubadan niyan uh?, isusuot mo ba itong jacket?; O issuot ko nalang ito ulit?
Ah, ah...ang tagal kong makasagot, sa isip ko, pag isinuot ko ang jacket, hindi na ako giginawin, pero si Christine baka maraming lalaki ang magnanasa sa kanyang katawan at baka ano pa ang mangyari sa kanya;...
Ah, isuot mo nalang yan Christine baka kasi ikaw naman ang giginawin mamaya at nakawan mo pa ako ng yakap. Sabay tawa.... Hahahaha
Ay!!!.nako!!! Nagbuntong hininga...
Lucky, ako na nga ito ang nag mamagandang loob sayo, nakuha mo pa ang mang asar...sabay simangot."
Ito naman, ang dali mo namang mapikon Christine, sorry na; please!!! hindi na mauulit;
Yes apologize accepted Lucky!!!...sabay ngiti
At sinuot ko na nga ulit ang hoddie jacket ko; at nagpatuloy na kami sa paglakad...
Hindi namin namalayan na malapit na pala kami sa bahay, sabay turo ko sa kanya, iyon pala ang munting bahay namin!!!Malapit lang sa resort na pinag tatrabahuan ko.
Tumango lang siya at tumahimik...
Hindi narin ako kumibo pa;...
Kasi iniisip ko na rin kung ano ang sasabihin ko sa aking mga magulang kung paano ko ba ito mapapaliwanag ng hindi sila magagalit.
Basta't ang alam ko, mabuting tao ang mga parents ko at willing naman sila tumulong sa mga taong nangangailangan...Kagaya nito ngayon;
At bumungad na nga kami sa talampakan ng aming Bahay, kumatok nalang ako kasi hindi ako nakadala ng susi...
Itay!!! inay!!! Nandito na po ako!
At binuksan ako ni Inay,...
Oh anak, nandito kana pala...
Pasok kana anak,.
Magandang gabi po inay...sambit ko...
Magandang gabi din sa iyo anak....
Aaat sino tong kasama mo anak?? Labis ang pagka gulat, kasi ngayon palang ako nagdala ng lalaki sa bahay at dis oras pa ng gabi.
Magandang gabi po sa inyo...sambit ni Lucky.
Inay si Lucky pala, nakita ko siya sa tabi ng dagat ng walang malay, suguro napadpad siya dito noong kasagsagan ng bagyo inay... Kaya naawa ako at tinulungan ko siya kaya pina punta ko siya dito sa atin pansamantala lang naman inay hanggat wala pa siyang maalala'...pwede po ba iyon inay???
Nakikinig lang pala si Itay sa usapan namin ni Inay,...kaya si Itay ko na ang sumagot sa aking tanong; Yes anak payag kami ni Inay mo na dito siya pansamantala sa atin...sa tatlong kondisyon iho, Lucky po ang pangalan nya pansamantala itay wika ni Christine...okay Lucky, my kondisyon ako sa iyo...
Ano po ba iyon...? Tawagin mo akong Tito Ben, at ang Inay ni Christine ay si Tita mo Cecile...ang kondisyon ko ito....,
Ayoko ng gulo Lucky, kung ano ang kahihinatnan nito bukas o sa susunod pang buwan o taon, nakikiusap ako...wag mo kaming isali sa gulo mo.
Pangalawa Lucky, hindi kita bibigyan ng special treatment dito sa bahay, kakayod ka..., pahinga ka lang pag masama ang iyong pakiramdam.
At ang pang huli...Lucky, lumapit ka sa akin....
At bumulong si itay sa Kanya...
Oh ,ano okay kaba sa tatlong kondisyon ko sa iyo Lucky?
Opo, tito Ben sang ayon po ako at buong puso ko itong tina tanggap sa aking puso't isipan.,;
Magaling Lucky, sa palagay ko magkakasundo tayong dalawa; oh, bumihis ka muna, gamitin mo yong damit ko na hindi ko na gingamit kasi medyo tumaba na ako ngayon...sabay ngiti...;hahaha Binibiro lang kita iho...
Bigyan mo nga ng damit ito Darling Cecile ang bisita natin, my damit pa naman diyan ang kuya ni Christine pahiram mo muna kay Lucky...,
At dali daling umalis si Inay para kunin ang mga damit...
Naka upo lang kami ni Lucky,...
Ano ba Christine?, uupo kana lang ba diyan o paghahandaan mo ng hapunan ang bisita natin para makakain na siya!!!
Ay oh nga pala, itay tama po kayo...saglit lang po itay, aalis muna ako para mag prepare ng pagkain, saglit lang ito Lucky....
Oh, ito na iho ang damit ng kuya ni Christine, pag pasencyahan mona yan iho medyo luma na kasi...,
Okay lang yan tita Cecile, masaya napo ako at my damit na akong masusuot...maraming salamat po sa inyo tita Cecile at tito Ben sa inyong kabutihan at pumayag kayo na dito ako muna pansamantala...maraming salamat, at nagpapa salamat ako sa Panginoon...na natagpuan ako ng inyong anak sa tabi ng dagat at nakilala ko po kayo ngayon, at tumulo na ang luha ko...,
Wag kanang umiyak, Lucky...
Babalik din sa dati ang lahat iho, magtiwala ka lang sa panginoon natin, my awa ang diyos iho...
Tama si tita mo Cecile iho,...wika n tito Ben, at niyakap nila akong dalawa na parang bang anak na ang turing nila sa akin...
"Naka handa na ang pagkain Lucky"...wika ni Christine sa dinkalayuan..'
Oh iho, kumain kana at magpaka busog ka para bumalik ang ang lakas mo at akasama ka sa akin sa pangingisda.
Tama...at para gumaling na din ang sugat mo agad...
Ngumiti lamang ako, napaka swerte ko talaga dahil dito ako napadpad sa pamilyang ito, Lord, salamat, at hindi mo ako pinababayaan...,
Inalalayan ako ni Christine patungo sa kusina, at pinag saluhan namin ang napasarap na hapunan...
Tinulang isda at sinigang na hipon...
Alam mo ba, si tatay ang humuli niyan, kahapon...masaya kami at maraming nahuli si itay kahit kakatapos lang bagyo...,
Wow, ang galing naman,...pwede ba akong sumama bukas sa kanya?
Wag muna pagaling ka muna, dahil my sugat kapa sa binti mo...kapag gumaling na saka kna lang sumama sa pangingisda, baka kasi ma infection pa yan ang sugat mo.,
"Okay" tugon ko naman... salamat pala Christine sa lahat lahat ng ito, habang buhay ko itong tatanawin ng utang na loob sa iyo at sa iyong pamilya.... salamat...sabay ngiti.".at hawak sa aking kanang kamay, kaya napangiti ako;..
Pagkatapos namin kumain; niligpit ko na ang aming kinainan at tinulongan ako ni Lucky sa pag hugas ng mga plato...
"Marunong ka naman pala maghugas ng plato" Lucky...ang akala ko ang taga syudad ay naka asa lang sa mga katulong.."at di alam ang gawaing bahay.."
"Hindi naman lahat" Christine my mangingilan ngilan din naman na marunong gumawa ng gawaing bahay kagaya ko". Sabay tawa, hahaha
Oh siya sigi, naniniwala na ako sayo Lucky....
Anak, pagkatapos nyong magligpit diyan, bihis ka muna Lucky ng damit at prepare lang ni tita mo Cecile ang iyong higaan sa dating kwarto ng kuya ni Christine.
Okay po tito Ben, maraming salamat po...
Walang ano man, iho...sabay ngiti...
"Oh, diba, mababait ang mga parents ko, basta't huwag na huwag mo lang sila aabusuhin Lucky yan lang ang mapapayo ko sa iyo".
Yes Christine, maaasahan mo yan sa akin, pangako ko yan sa iyo...
Wag kang mangako Lucky....gawin mo nalang...sabay ngiti...
"Magbihis kana ng damit mo Lucky, at para makapag pahinga kana mamaya";...
Yes Christine....bihis muna ako,
Nandiyan pala sa likod bahay ang banyo namin my ilaw naman diyan, para hindi ka matapilok sa dilim...sabay tawa, hahahaha...
Pala biro ka talaga, Christine...
Oh, siya...hintayin kita sa balcony pahangin lang muna ako saglit Lucky...
At tinungo na ni Lucky ang banyo,...
Ako naman pumunta na sa balcony....
Ang sarap talaga ng simoy ng hangin, malamig na para bang dinuduyan ako...madali talaga akong antokin kapag ganito ang simoy ng hangin...
Anak!, tawag ni Inay..,
Ano po yon inay..?
Anak nahanda ko na ang tulugan ni Lucky...pagkatapos niyang magbihis sabihin mo na magpahinga na muna bukas nalang tayo mag usap...maaga pa kasi si itay mo bukas sa pangingisda at ako naman maaga pa sa palengke.
Ah, okay po Inay...maraming salamat pala sa inyo ni Itay dahil pumayag kayo na pansamantala dito muna si Lucky....
Wala yon anak, basta't para sa nangangailangan ng tulong natin bukas ang ating tahanan...ang hiling ko lang anak wag na wag niya lang itong sisirain ang tiwalang ibinigay namin sa kanya...okay ba yon anak?...
Yes po Inay....nauunawaan ko po....maraming salamat Inay...sabay halik at yakap...
Mauuna na akong matulog anak...good night.
Good night po inay...
Pagkalipas ang ilang minuto...
Tapos na akong mag bihis Christine...
Ah ganon ba?...sigi umupo ka muna dito para mag pahangin at para matunawan na din sa kinain natin....
At tumabi nga siya sa akin...
Kasya naman pala sa iyo ang damit, parang sukat na sukat uh...pacnsya kana medyo luma na yan...
Okay lang Christine, ang mahalaga wala pa namang butas...sabay tawa hahaha
Tama ka diyan...Lucky...at marunong kang mag appreciate sa kahit anong blessings na darating sa buhay...my awa ang dios.
Ngumiti lang siya...
At tinitigan niya ako...alam mo bang maganda ka Christine at maganda pa ang iyong kaluoban...!seryoso ako, salamat sa lahat lahat at hinawakan nya ang aking pisngi...
At dahan dahan na lumapit sa aking mukha at sabay sambit pwede ba kitang halikan Christine..? At agad naman akong tumango...
"Dahan dahan nya inilapit ang kanyang labi sa aking mga labi...your lips is so kissable...kanina niya pa ako tinutukso...sabay halik sa aking mga labi...napa kalambot ng mga labi mo Christine at diniin nya pa ito ng bahagya at rason para mapa liyad ako...at sumubsob ang aking didi sa kanyang dibdib at para bang my kuryente na nag uugnay sa aming dalawa...
Hinawakan nya ang aking baywang..."
No, stop ...lucky...
At buong lakas ko siyang itinulak....
Lucky matulog na tayo...at ihahatid na kita sa iyong kwarto. Sumonod ka sa akin...
At wala siyang imik na sumunod...
Ito pala ang iyong kwarto...pag bukas ko, pasok kana...bukas na tayo mag usap...good night
Tumango lang siya...
Okay goodnight Christine...sabay ngiti.