CHAPTER FIVE
"I like you, Yuri," pag-amin nito at ang seryoso ng kaniyang boses at napakalalim. Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"I really do." sabi nito at hinawakan ang mukha ko. Napasinghap ako at napakagat sa ibabang parte ng labi ko.
Inilapit niya ang ulo saakin."I want to protect you. I can be your prince charming and also a knight to save you," sabi niya sakin ng seryoso at tinitigan ang mata niya. Puno ito ng sinseridad. I’m falling deeper in his eyes.
Tinitigan ko din siya at napaawang ang labi ko.
"Can I court you?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. All of my blood are rushing towards my face. Umiinit ito ngayon. "Are you serious?" Gulat kong tanong. Hindi parin ako makapaniwala. Lito ako ngayon. Baka lalaruin niya lang ang feelings ko. But my heart says he's serious.
"Yes I f*****g do. Damn, I like you," sabi niya at tumingin sa malayo at namumula ang pisngi niya.
It's worth to try. "Okay" sagot ko sakanya. I'm a girl who does'nt believes in fairy tales. But now. Gusto ko muna maniwala. I'll take the risk, since I'm starting to fall.
Tumingin siya sakin na 'di makapaniwalang ekspresyon. "Really?"
Tumunago naman ako at natawa. "Gusto mo bawiin ko?"
Kinamot niya ang kaniyang ulo. "Huwag," aniya habang namumula ang kaniyang mukha.
Ngumiti nalang ako sakaniya. Maya maya ay bigla niyang hinawakan ang baba ko. Nanlalaking matang nakatitig sakaniya. Nataranta ako nung papalapit ng papalapit ang mukha niya. Hahalikan ba niya ako?! Pinikit ko nalang ang mata ko at hinintay na may dumampi sa labi ko. Pero nagulat nalang ako ng sa pisngi niya ako hinalikan kaya napamulat ako.
Nakita ko siyang natatawa. "You expect me to kiss you? Don't worry. Kapag naging tayo ikikiss kita sa lips mo anytime," nang-aasar na ang tono nito.
Tinignan ko siya ng masama. "Easy, ang cute mo."
Sinimangutan ko siya dahil sa akto niya. Ang isip bata niya pala, noon kasi akala ko pacool lang, arogante at maarte.Habang tumatagal, hindi eh. Ibang iba siya sa iniisip ko.
Tumayo naman siya kaya napatingin ako sakaniya. "Let's go my Cinderella. I'll be you prince from now on," seryosong sabi niya at hinila ang kamay ko kaya napatayo ako.
Tinignan ko lang siya. I hope so. Sana hindi ka kaparehas ng iba.
Naglakad nalang kami papunta sa room ko habang nagkahawak kamay. Kaya namumula ako siya naman panay ngisi. Good mood yata.
Bawat estudyanteng nadadaanan namin ay napapangiti. 'Boto siguro sila samin.' Napailing ako sa iniisip ko. Sino nga ba ako? Isa akong nobody dito sa campus.
Nang nasa labas na kami ng room ko humarap siya sakin.
Hinawi niya yung buhok ko at inilagay sa aking tenga. "I hope you like me too, pero hindi kita ipipilit," aniya habang tinitigan ang mata ko.
Ngumiti nalang ako sakanya. 'Hindi ka naman mahirap gustuhin.' Gusto ko 'yan sabihin pero di naman lumabas sa bibig ko.
Hinalikan naman niya ang noo ko. "Pasok kana," sabi niya sakin at umalis na.
Nang naka alis na siya ay pumasok nalang ako sa room. Wala na doon si Bianca. Naglakadlakad siguro kasama ang mga kaibigan niya dahil wala ito sa kanilang mga upuan.
Umupo nalang ako sa seat ko. Biglang tumabi sakin si Felicity. Kinuha niya yung upuan sa unahan ko at itinabi sakin.
"Bakit?" Tinignan ko siya na nagtataka. Bigla niyang linapit ang mukha niya kaya napa atras ako. Anong kalokohan niya?
"Bagay kayo ni, Renz" tili niya sa harapan ko.
Bigla nalang akong namula at tinakpan yung ilong at bibig ko nung buhok ko. Wala kasi akong makuhang patakip sa silya ko dahil lahat ng gamit ko ay nasa bag ko pa.
"Ayiee." Asar nito. "Ikaw ha. Pero pag inaaway ka ulit ni Bianca. Kami ang makakalaban niya," sabay sabi niya at nag close fist siya at umaktong nanununtok.
Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Hindi naman kami close nito. Pero ewan ko kung bakit ang bait niya sakin.
Naglean siya sa arm chair ko at bigla lumungkot ang kaniyang mukha. "Hindi mo na talaga ako maalala, Yuri?" Matamlay niyang tanong sakin.
"Classmate kita ngayon," sabi ko in a matter of fact tone. "May iba pa ba?" Dagdag ko at tumingin ako sa bintana dahil may mga dumadaan na iilang estdyante.
Ilang minuto 'di siya nagsalita kaya napatingin na ako saka’nya. May tumulo sa kaniyang luha, biglang kumirot ang puso ko.
"Bakit? Wag kang umiyak diyan huy." Nataranta ako bigla sa ginawa niya. Jusko, ano ba nakalimutan ko?
Pumikit siya. "There's a songs thats inside of my soul." Mahinang kanta niya. Natigilan naman ako at tinitigan siya habang hawak ko parin ang mukha niya.
"It's the one that I tried to write over and over again," kanta niya ulit at binuka niya ang kanyang mata. Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha niya.
"Ayan. Naalala mo na ako, Melody?" Mahinang tanong niya at ngumiti. Kita ko sa kaniyang mukha na masaya ito.
"S-symphony?" Biglang nanginig ang boses ko at tumulo ang luha ko.
Ngumiti siya ng mapait. "Matagal na kitang hinahanap noon, Melody. Nung nabalitaan kong naghiwalay ang mga magulang mo. Umuwi ako dito sa pilipinas" mahinang sabi niya.
Napakagat ako ng labi. "Pero iniwan mo ako ng walang paalam," giit kong sabi na may halong pait.
Nagbuntong hininga siya. "Sorry to tell you this. Namatay kasi yung Ate ko sa Canada, kaya umalis kami. Hindi ako nakapagpaalam sayo kasi agad-agad yun eh," sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.
Napasinghap ako. "Si Ate Monica?" Gulat kong tanong.
Tumango naman siya at tinignan ako. Ang lungkot ng mata niya.
"I'm sorry kung naiwan kita. I'm sorry kung hindi ako nakapagpaalam sayo. I'm sorry kasi di ako ang naging sandalan mo. I'm sorry kasi di ako naging bestfriend mo. I'm sorry kasi—"
"Shh" pagpapatahan ko sakanya at yinakap siya. "It's okay." Bulong ko sakaniya at umiyak.
"Hindi mo naman kasalanan eh" sabi ko sakanya at humikbi.
"I'm so very sorry, Melody." Ulit niya.
"It's okay. Your forgiven" sabi ko sakaniya at bumitaw sa yakap.
Ngumiti naman siya. "Really?" I saw her eyes twinkle.
Tumango naman ako at napangiti.
"Nandiyan na si Maam!" Sigaw ni Colleen, napaayos na ng upo yung mga kaklase ko.
Tumayo naman si Felicity. "Sabay tayo lunch ah?" Alok nito at narinig ko pa na suminghot.
Natawa nalang ako at tumango. Umalis na siya at pumunta sa harapan at umupo.
Pinunasan ko nalang ang luha ko. Felicity Garcia, kababata ko noon. Siya yung sandalan ko nung palaging nag-aaway sina Mama at Papa. 5 years old kami simulang magkaibigan, dahil magkatabi lang bahay namin noon. Naghiwalay sina Mama at Papa nung 9 na ako.
Ang tawag ko saka'nya ay Symphony at tawag niya sakin ay Melody. Kasi mahilig kami sa mga music noon at yung palagi naming kakantahin ay Only Hope. Ako yung mag piano at siya ay kakanta, 'yan ang lagi naming ginagawa noon pa man dahil pareho kaming mahilig sa musika.
Wasak na wasak talaga ako noon na umalis siya. Akala ko babalik pero hindi pala, lagi ko siyang pinupuntahan sa bahay nila noon. Pero wala talaga siya ni wala 'ding letter 'nun kung bakit umalis siya. Magkabitbahay lang kami.
Iyak lang ako ng iyak noon, nung next month. Doon naghiwalay sila Mama at Papa. Agad ko siyang pinuntahan kung baka sakaling nandoon na siya pero wala pa rin.
Pag-uwi ko noon sa bahay. Wala na si Papa. Si Mama naman nag-iimpake. Pinatulog niya muna ako nun. Pero pag-gising ko wala na si Mama.
I'm alone. 'Ni hindi ko alam anong gagawin ko. Ang bata ko pa noon. Iyak lang ako ng iyak.
Pero pinuntahan ako ni Tita doon at kinuha. Mabait siya sakin pero maya-maya trinato na niya ako na parang 'di kadugo. Pati yung anak niya na si Bianca.
Nalaman ko na pala na benenta na niya ang bahay namin ni Mama at Papa. Gusto ko nang tumakas noon at doon titira sa bahay namin pero huli na nang nalaman ko. She sold everything.
Buti nalang at nandito si Manang Minda at inaalagaan ako at itinuring na anak.
Nalaman ko din kay Tita na may iba nang pamilya si Papa kaya sila palaging nag aaway ni Mama. Pati si Mama nakahanap na ng iba. Pinakita niya saakin ang litrato nina Mama at Papa kung gaano sila kasaya sa ibang pamilya at wala ako.
My life is full of mess. So devastating but I grew up strong.