CEDRICK POV "Mahal sorry na," sagot ko habang papalapit ako sa kanya. Huminto lang ako nang nasa likuran na n'ya ako. Wala itong kibo sa akin hanggang sa ilang saglit, narinig ko itong muling nagsalita. "Bumalik ka na sa labas at baka mahuli pa tayong dalawa rito ng magaling mong manager, pagalitan pa tayo rito at tanggalin ako!" Mahinahon man ang kanyang pagsasalita subalit damang dama ko ang galit nito na puwedeng sumabog ano mang sandali. Desperado na talaga ako kaya niyakap ko ito mula sa kanyang likuran. "Hindi ako babalik sa labas hangga't ayaw mong mag bati tayong dalawa. Sorry na mahal, gusto kitang suyuin kanina kaya lang ay ayaw akong paalisin ni boss kanina." "Anong pinag usapan n'yong dalawa ng magaling mong boss? Nilandi ka ba nito? Hinawakan o niyaya ka nitong mag

