*CAROL POV* "Sorry ha? Ang sosyal mo kasing babae at ang layo ng agwat ng buhay nating dalawa. Pero pasensya ka na, matagal ko nang limot ang tungkol sa inyong mag ama. Pero iba ako sayo, wala akong kaluho luho sa katawan at simpleng buhay lang ang gusto ko. Kumikita ako ng pera at marangal ang trabaho ko. Wala kayong mapapala sa akin kase wala akong plano na ibigay ang kahit na anong parte ng katawan ko sayo. Marami pa jan na makikita kayo na puwede n'yong makuhaan ng sinasabi n'yong kidney. Umalis na kayo rito at wag na kayong magpapakita pa hangga't maaari." "Anak... Carol..." "Wag na wag mo akong matatawag na anak kase hindi ka naman na nagpakatataty sa akin noong mga panahon na kailangan kita. Kaya kung ako sayo, itigil mo na ang pagtawag nito sa akin. Umalis na kayo at kalimutan n

