CAROL POV "Pramis ko talaga ito sayo, Carol, kapag naging maganda na buhay ko at nakaluwag na ako, puwedeng puwede na kitang yayain magpakasal. At meron pa tayong ilang taon na pagsasamahan bago tayo maging mag asawa. Enjoy lang tayo, enjoyin lang natin ang ganito-" Hindi pa ako natatapos magsalita ay bigla na lang dumating si Alvin. May dala na s'yang isang pack ng yosi at ngayon ko lang din talaga nakita kung gaano kalagkit ang tingin nito ngayon sa boyfriend ko. Totoo nga talaga ang sinabi ni Cedrick na mayroong gustong sa kanya ang baklang ito. At dulot ng matindi kong selos, napayakap ako kaagad sa boyfriend ko kahit na allergic ako sa yosi nitong hinihithit. "Hello, Ced? Good evening!" pagbati ni Alvin, napatingin pa nga ako rito habang akap akap ko ang boyfriend ko. Basta kahi

