*PATRICIA POV* "Patricia, pasensya na po kayo ha? Mayroon lang kasing nag hahanap sa inyo. Baka matagal n'yo na po silang kakilala kase hinde alam ng mga ito na lumipat kayo sa ibang bahay. Maiwan ko na po kayo." Masyado akong tutok sa lalaki sa harapan ko at hinde ko na nagawang pansinin kung sino man itong babaeng nagsalita sa aking harapan. Binigyan s'ya ng perang dolyar at lumingin sa akin muli ang lalaki. Galit? Poot? Pagtatampo? Masaya? Pananabik? Halos halo halo na ang emosyon na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Konti lang ang ipinagbago ng muka ng lalaking dalawang dekada kong hinintay. Bakit kung kailan ko nasabi sa aking sarili na kakalimutan ko na ito ay saka pa ito dumating muli sa buhay ko? Maayos na kaming dalawa ni Carol. Lumingon ako sa babaeng maganda na katabi n'

