Episode 2

1508 Words
Daphne Pagbukas niya ng pinto sa kanyang inuupahang apartment ay agad siyang sinalubong at lumingkis sa kanyang mga paa ang kanyang male black cat na si Yuki. Hindi niya alam pero mula ng dumating sa buhay niya ang pusang si Yuki nagiging magaan ang kanyang araw kahit na napakatoxic ng kanyang trabaho sa bangko, malaki ang naging parte ni Yuki para unti unti siyang makapagmove-on sa kanila ni Ramon. "Ohhh.. ang sweet naman ng bebe ko, miss mo na ang mommy hmmm?" Tanung niya sa pusa "Meoow!!!" "Miss nga ako ng bebe ko, dahil diyan handa ko na dinner mo." Sabi niya sa pusa. Dahil solo siya sa kanyang inuupahan ay literal na ang alaga niyang pusa ang lagi niyang kasama at kinakausap. Minsan natatawa na lang siya sa sarili at napapaisip dahil kapag stress at naiinis sa maghapon ng trabaho niya, ikinukuwento niya iyon sa alaga niyang pusa at ang huli naman ay titingnan lamang siya at hihiga. Kaya sa huli nawawala ang inis at stress dahil matatawa na lang siya sa ginagawa ng kanyang alagang pusa. Pero hindi pa man siya nagtatagal ayusin ang paghahanda ng pagkain ng kanyang pusa ay narinig niyang may nagdoorbell. Bumuntong hininga na lang siya dahil parang alam na niya kung sino ang nasa likod ng pinyo. Kaya naman pinagbuksan niya ito at hinanda ang kanyang nakakaasar na ngiti sa kanyang mukha. "Hay! sabi ko nga kaw na naman yan, wala ka bang trabaho o pinagkakaabahalan at halos araw araw andito ka nalang sa apartment ko." dirediretsong litanya niya sa taong bagong dating at pumasok sa kanyang apartment. "Naku yan na naman my honey, high blood ka na naman, cool ka lang remember pumayag ka and we have a deal na habang andito si Yuki boy ko papayagan mo akong dalawin at kamustahin siya, siyempre pati ikaw my honey." Sagot nito habang nakangisi sa kanya ng nakakaloko. Napasimangot siya dahil totoo naman ang sinabi nitong si Glenn. Nakilala ko si Glenn at Yuki nung araw na naghiwalay kami ni Ramon. Ewan ko ba naman at hindi ko maintidihan kung bakit habang nagdadrama ako sa isang tabi ay may nakita akong pusang itim na nakatitig sa akin. May paniniwala daw kapag nakakita ng itim na pusa ay mamalasin ka daw pero iba ang naging pakiramdam ko ng makita ko si yuki lalo ng lumapit ito sa akin naglilingkis sa mga binti ko. Kaya naman nagdesisyon akong kunin at iuwi sana sa tinitirhan ko pero hindi pala isang stray cat si Yuki dahil hindi nagtagal ay biglang sumulpot sa harap ko si Glenn na nagmamay-ari kay Yuki. Tatlong buwan na pala ang nakaraan mula ng nangyaring hiwalayan namin ni Ramon. Dahil iba ang naging attachment ko kay Yuki kahit may nagmamay-ari sa kanya ay siya ang gusto kong maging alaga. Buti nalang talaga at pumayag si Glenn na ipahiram sa akin si Yuki. "Ok miss nakikita ko na parang gusto mong ampunin ang pusa ko which is hindi ko pinaparehome dahil ako ang fur dad niya, pero may sasabihin akong secret about kay Yuki." Sabi sa kanya ng nagmamay ari ng pusa. Lumapit pa ito sa akin at humarap sa mukha ko na parang isang sikretong malupit ang sasabihin niya. " Anu yun? puwede ko bang malaman?" Curious kong tanung. Lalo siyang lumapit sa akin kulang nalang talaga ay magkapalit kami ng mukha sa sobrang lapit niya habang seryosong nakatingin sa akin. " Yuki knew what beautiful woman is." Sabay layo ng mukha niya sa akin ng may pilyong mukha sa kanya. Kahit galing ako sa pagiyak hindi ko maiwasan hindi mamula sa kanyang sinabi. "Lam mo niloloko mo ako, pare pareho kau." Sagot ko dito "Whoah! miss I don't know where that bitterness comes from, huwag mong nilalahat dahil iba iba ang tao. Anyway as I can see parang gusto mo talaga si Yuki boy but as you know ako ang owner niya, I understand marami talagang nabibighani sa charm ni Yuki pero sa iyo ko lang siyang nakita nagpakarga. Kaya ipapahiram ko siya sa iyo, puwede mo siyang iuwi at alaagaan as long as you want pero may kondisyon" Pabitin niyang sabi sa akin. " Anu iyon?" "I have to know you, all about you which includes your name, house address or even your mobile number". Sabi niya sa akin. Bigla akong natigilan, ang daming nangyayari ngayon sa akin, kabebreak ko lang tapos may isang lalaki na agad na nanghihingi sa akin ng details ko sa buhay. Napapaisip tuloy ako baka naman scammer ito at gingamit yung pusa para sa pagbubudol nito pero parang matino naman siya ang neat niyang tingnan, at ang bango niya, sa itsura niya parang sa trabaho siya galing dahil nakaslacks pa cya at nakapolo, at infairnes guwapo siya. "Daphne remember broken hearted ka at kakahiwalay mo lang, huwag ka munang lumandi". Sabi niya sa kaniyang sarili "Miss?" Sa tawag niyang iyong bigla akong natauhan. Kung pusa lang naman ang kailangan ko makakahanap ako sa shelter or even sa online, pero iba talaga ang pusang itim na iyon, parang lalo akong malulungkot kapag hindi ko iyon naiuwi sa bahay. Bumuntong hininga ako at tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Nakita ko ang pagngiti nito sa akin. "Glenn" Sabay abot ng kamay niya sa akin para magpakilala "Daphne" Simpleng sagot ko. "Beautiful name talagang magaling itong yuki boy ko pumili, Anyway let's go hatid ko na kayo ni yuki remember one of my condition, I want to know you" Sabi nito Ewan ko ba hindi ko alam kung anung magic ang meron kay Glenn at Yuki kaya napapayag nila ako sa ganitong set up. "Nakakasakit ka na ha parang gusto mo na ata solohin si Yuki boy ko at ayaw mo na akong papuntahin dito" Pagdadrama nito sa akin. I just rolled my eyes on him at bumuntong hininga sabay iling. "Tigil tigilan mo ako sa kadramahan mo ha at hindi na yan bebenta sa akin. Sige na magayos ka na din at maghahanda na din ako ng pagkain natin." Sagot ko dito. Tuwing pupunta siya dito, umaga man o gabi lagi siyang may dalang pagkain. Nasanay na nga akong hindi nabili ng pagkain lalo sa gabi maliban na lang kung may pupuntahan siyang out of town or abroad na meeting yung boss niya at hindi siya makakadaan sa apartment. Personal Assistant ang trabaho niya yun ang sabi niya at hindi na ako nagtanung ng kung anu anu, for his privacy na din tulad ng sinabi ko sa kanya nung pumayag ako sa deal for yuki. "Oo nga pala may honey kaw na muna bahala kay yuki boy natin at isang linngo akong mawawala for business trip. Don't worry tatawag ako lagi para hindi mo ako mamiss lalo" Nakangiti nitong sabi niya sa akin "Kapal nito! mamiss ka diyan, at tigil tigilan mo nga sa katatawag ng honey sa akin, mamaya may makarinig kung anu pa ang isipin sa atin" Masungit kong sita dito. "Ouch naman tama na my honey masakit na sa damdamin, basta iyon ang itatawag ko sa iyo at wala akong pakialam sa iba and besides may relasyon naman talaga tayo ah!" Sabi nito sa akin na kinalaki ng mga mata ko "ANU!!!" Galit kong sita dito "Cool lang may honey, what I mean is may relasyon tayo because of Yuki right, we are his furparents". Sagot niya sa akin na kinairap ko sa kanya. " Yuki boy come to daddy nga at inaaway na naman ako ng mommy mo." Tawag niya sa pusa pero bigla akong natawa sa reaction ng pusa dahil instead na lapitan siya nito ay tumayo lang ang pusa para tumalikod at humiga. " Talagang wala na akong kakampi sa bahay na ito " Patuloy na pagdadrama nito na kinatawa ko dahil sa reaction ng mukha niya na para nalugi. "Hay naku kumain na lang tayo, lam mo naman na hindi ka na papansinin ni Yuki at busog na yun, lalapitan ka naman nun mamaya". Sabi ko nalang sa kanya. Kaya nagsimula na kaming kumain, at napuno ang lamesa ng sungitan at tawanan. Aaminin ko dahil kay Yuki at Glenn hindi ko napapansin na nakakapagmove oen na ako, hindi ko nararamadaman na magisa ako. Talagang walang dull moment kapag andyan si Glenn. Hindi ito nagtanung ng kung anu anu sa akin, kung bakit ganun at ganyan. Sabi niya lang sa akin ang importante ay ngayon at future. Ang past ay nakaraan at tapos na. Anytime ready siyang makinig kung handa na ako at alam ko sa sarili ko na malapit na iyon. " Oo nga pala before I forgot, may incoming sched si Yuki sa vet niya, pero wala pa ako dito sa araw na iyon, kaya kung ok lang paki suyo, paki dala si yuki boy natin sa vet niya just a regular check up lang naman. I will inform his vet na ikaw ang magdadala at ipapasundo na din kita para hindi na kayo mahirapan magcommute." Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang ayon sa kanyang sinabi. Alam ko naman na hindi ako mahihirapan dahil well provided lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD