"Ang ganda niyo pala sa malapitan," anang Leticia na siya ngayong abala sa paglalatag ng kanilang mahihigaan sa sahig. Samantala ay nakatayo lamang ako sa bandang likuran niya at pinapanood ang ginagawa nito. Hindi rin nagtagal nang lingunin niya ako, nasilayan ko pa ang masayang ngiti sa kaniyang labi kahit pa'y isang lampara na lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. "Hanggang tingin na lang kasi sa malayo ang nagagawa ko, madalas pa ay hindi ka pa mahagilap dahil balita ko ay mahigpit ang magulang mo sa 'yo," dagdag nito, mayamaya pa nang takpan nito ang sariling bibig. "Ay, sorry, balita lang naman iyon." Napakamot ito sa kaniyang ulo at nahihiyang ngumiti, natawa na lamang ako rito. Kung tutuusin ay hindi naman nagkakalayo ang agwat namin ni Leticia. Seventeen years old na ito, h

