Chapter 1 (1)

1480 Words
"ARE you sure Lucas, you're leaving us here?" tanong ni King kay Lucas, nasa bar sila ngayon at nag iinuman with Red, Rocky and Ivan. Nagyaya kasi si Red, party daw dahil one month pregnant na ang asawa niya. "Oo nga "tol, iiwanan mo kami?" tanong na rin ni Rocky sa kanya. "Sira ulo kayo, one month lang ako sa probinsiya, 'wag nga kayong oa! At isa pa, nandito tayo para magsaya at sa wakas nabuntis na ni Red, si Jana. Cheer! Itinaas niya ang bote ng alak ganun din ginawa ng mga kaibigan niya. "Pero 'tol, kesa sana umalis ka at magtago doon sa probinsiya niyo, sundan mo kaya si Rain sa US para maayos niyo relasyon niyo. Aayang din kasi kayo," suhestiyon ni Red sa kanya. Mapait siyang napangiti. "Alam mo naman noong magkasama kami ni Rain, nang mag-propose ka kay Jana, hindi na talaga ayos relasyon namin noon at sumubok lang ulit kami. Pero wala talaga. 'Yong pagmamahal kasi lumalamig na, isa pa, mas inuna niya ang career niya sa ibang bansa na lalong nagpalamig ng relasyon namin." "Hindi mo na ba mahal si Rain?" tanong sa kanya ni Ivan. "Of course, I still love her. Kaya nga gusto ko na munang magbakasyon sa probinsiya namin eh, para kahit paano makapag-unwind ako. At hindi masyadong pumasok sa isip ko ang lahat ng ala-ala namin dito at sa condo ko ni Rain. Nahihirapan na rin kasi ako, eh." "Gawin mo iyan 'tol, kung 'yan tingin mo makakabuti sayo," sumusuportang sabi sa kanya ni Rocky, na ikinangiti niya. "Salamat, 'tol." "Bakit sinu-suportahan mo pa dapat tinutulak natin 'yan sundan niya si Rain sa US eh, hindi 'yang kokonsintihin nating lumayo at hayaan sila ni Rain, talagang maghiwalay," sita ni King kay Rocky. "'Tol, let him do what he wants. Malay mo mas maging masaya pa siya sa desisyon niyang 'yon." "Ewan ko sayo. Ikaw rin kasi eh, halos wala ng oras sa amin nitong mga nakaraang araw napaka-busy mo," sita na naman ni King kay Rocky. "Oo nga Rocky, bakit nga pala nitong mga nakaraang araw hindi ka naming matagpuan. Laging si Ezrah, ang naaabutan naming sa office mo?" interesadong tanong na ni Ivan kay Rocky. "May hinahanap lang," tipid na sagot ni Rocky. "Hinahanap? Sino naman?" tanong ko na rin. Tumunog ang cellphone ni Red, kaya natuon lahat paningin naming dito. "Wait lang, ha. Si Gian tumawag kausapin ko lang," paalam ni Red. Tumango lang kami saka ito umalis. "Rocky, balik tayo sa usapan sino hinahanap mo?" tanong ko ulit kay Rocky. "My sister, Ella. Umalis sa bahay eh, actually mag iisang taon na." "Oh? May kapatid ka pa pala maliban kay Ezrah at pinsang si Amihan?" gulat na tanong ni King. "Oo nga, bakit hindi mo pinakilala sa amin iyon? Ang lihim mo talaga, ha. Si Ezrah, nakilala lang naming one year ago nang maabutan naming siya sa office mo," dagdag niya. Tumawa lang ito at uminom ng alak. "Hayaan niyo pag natagpuan ko na kapatid kong isa, ipapakilala ko sa inyo." "Chicks ba?" tanong ni King na ngumisi pa. "Oo naman, gwapo ang kuya eh. Kaya maganda rin ang kapatid ko." "Sige, pakilala mo at idi-date ko," nakangiting sabat niya. "Ulol! Subukan mo lang Lucas, patay ka sa akin! Natawa siya at inakbayan si Rocky. "Aba! Matapang ka na? Matapang ka?" naghahamon na sabi ko kay Rocky. "Oo! Gago!" nakangiting tugon nito at inakbayan din siya nito," mag iingat ka na lang doon sa probinsiya niyo at hanap ka ng chicks doon para hindi ka ma-bored." Natawa siya." Try ko." "'Wag kang mag sui-suicide," bilin ni King. "Sira ulo! Pag nag-suicide ako isasama ko kayo ni Rocky, total tayong tatlo pa ang hindi pamilyadong tao." "Gago! Ikaw lang ang bigo rito kami masaya kami kaya 'wag kang mandamay!" tugon naman ni King. "Para sama-sama hanggang kamatayan," natatawang sabi niya. "Oo magsama-sama kayo magpakamatay total mga baliw kayo!" sabat naman ni Ivan. "Sa oras na magpakamatay kami isasama ka namin Ivan, total baliw naman kami. Tanging si Red lang maiiwan na buhay kasi siya pinakamatino sa atin!" tugon naman ni Rocky. "Mga siraulo kayo may asawa't anak na ako! "Eh, ano mabuti nga 'yon makakahanap pa ng mas mabuting tao si Thea!" sabat ko na sa pang aasar kay Ivan at tatawa-tawa na kami nila King. "Gago!" tunghayaw na ni Ivan. Bumalik naman si Red, sa upuan nitomatapos makipag usap sa phone at nakisali na rin siya sa inimon session at asaran session namin. Napag usapan din nila ang blessing na dumating sa buhay ni Red at sa pag alis niya papuntang probinsiya nila. Masarap at malamig na hangin ang sumalubong kay Lucas, nang makarating sa lugar na iyon. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakauwi, kaya nakadama siya nang pangungulila ng masilayan niya ang mansion na pag aari ng mga magulang niya at pati na rin ng farm na pag aari rin nila. Kung hindi pa siya nakaranas ng kabiguan dahil sa pag ibig hindi pa niya maiisip na muling bumalik dito para magbakasyon. "Welcome home, Lucas," sabi niya sa sarili. Lumabas na si Lucas sa kotse niya at nakita niya ang nagmamadali niyang ina, kasunod nito ang ama niya na may saya sa mukha nang makita siya. "Anak, mabuti naman at naisipan mong dalawin kami ng Mom mo rito," salubong sa kanya ng Dad niya at niyakap naman siya ng Mom nang mahigpit kasunod ang Dad niya. "Magbabakasyon po muna ako rito Dad, Mom ng one month." "Kahit dito ka na tumira anak, ayos lang. Miss na miss ka na naming ng Dad mo, buti pa kuya mo nandito lang. Ikaw saka ka lang naming nakikita at nakakasama pag nasa State tayo," may himig na pagtatampo na sabi ng Mom niya. "Sorry na Mom, nasa Maynila kasi at State ang business ko eh, kaya doon talaga ako palagi. Pero makakabawi na ako sa inyo ngayon, dito na muna ako ng One month." "Bakit kasi hindi mo pangasiwaan ang farm natin dito, like ng kuya mo. Kailangan kailangan ka ng kuya mo, lalo pa't lumalago ang business natin hindi lang kasi dito sa Pilipinas ang nararating ng mga gulay at prutas natin eh, pati sa ibang bansa," panghihikayat sa kanya ng Dad niya. "Okay na ako sa business ko. Yumayaman naman ako Dad, sa business ko," nakangiting tugon niya sa Dad niya. "Hay naku! 'Wag mo nang ipilit pa 'yang anak mo dito sa farm, hayaan na natin siya mismo ang magdesisyon," sabat na ng Mom niya. Inakbayan niya ang Mom niya at naglakad sila papasok sa mansiyon kasabay ang Dad niya. "Hanggang ngayon, 'yong kwarto mo ganun pa rin. Kaya doon ka na dumiretso, palagi naman nililinisan ng mga maid iyon eh, kahit walang gumagamit." Napangiti ulit siya, na-miss niya rin ang kwarto niya kaya agad siyang humiwalay sa pagkakaakbay sa Mom niya. "Sige Mom, magpapahinga na muna ako sa kwarto ko. Mahaba-haba ang binyahe ko, eh." "Sige, mamaya ipagluluto kita ng paborito mo, ha." "Wow! Mukhang makakalimutan ko diet ko, ha. Naku! Baka tumaba na naman ako rito." "Kahit mataba ka gwapo ka pa rin like your father." Nakita niya ang masayang pag ngiti ng Dad niya at inakbayan ang Mom niya. "Sige na, sa kwarto na ako." Tumango na lang ang ama niya, saka siya umalis at tumuloy sa kwarto niya. Pag pasok niya sa kwarto, nakadama siya ng saya dahil totoo ang sinabi ng mom niya, wala kasing nabago sa kwarto niya at lahat ng gamit niya ay naandon pa rin. Inilibot niya ang mata niya sa buong kwarto at isang photo frame ang kumuha ng atensiyon niya. Nilapitan niya ito at hinawakan, bata pa siya sa litrato at hindi siya nag iisa, may kasama siya sa picture. Ten years old pa lang siya doon at kababata niya ang kasama niya, kababatang babae. Napabuntong hininga siya at itinago ang photo frame sa drawer. Binuksan niya ang maleta, kumuha ng damit at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos niyang maligo, nakatulog siya kaagad sa kama at nang magising, hapon na. Lumabas siya ng kwarto at naglakad-lakad muna sa farm nila. Malaki rin talaga ang pagbabago ng farm nila, dahil mas lumawak pa ito sa natatandaan niya at hindi nalang gulay ang meron sa farm, dahil ang alam niya may farm na rin sila ng prutas, iyon nga ang ginagamit niyang ingredients sa wine na business niya, na galing din sa mga magulang niya na napalago niya lang at ngayon sikat na ang wine na iyon hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo. Dahil maaga pa naman bago maghapunan, bumalik siya sa mansiyon at kinuha ang kotse saka siya tumungo sa farm ng prutasan nila. Sa manggahan siya napunta at naglakad-lakad. May nakita siyang mangga na hinog na at isang abutan lang, makukuha na niya ito kaya inabot niya ito kaagad at pinitas. "Kuya!" Nagulat si Lucas sa tumawag sa kaniya ng Kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD