ARAW na ng kasal nila Herrah at Lucas. Dapat masaya si Herrah, dahil ito ang araw na magiging buong-buo na kanya na si Lucas at magiging misis Zandulga na siya. Pero hindi siya masaya, kabaliktaran n'on ang nararamdaman niya dahil alam niyang ang lahat ng ito ay sapilitan lang kay Lucas. At alam niyang galit sa kanya si Lucas dahil napilitan itong panagutan ang pinagbubuntis niya. Nang maglakad siya sa isle palapit kay Lucas, nakadama siya ng kaba. Kitang-kita niya ang mga titig sa kanya ni Lucas. Napakagwapo nito sa kasuutan na itim na tuxedo pero hindi maiaalis ang poot sa mga tingin nito sa kanya. Kaya imbes na titigan niya si Lucas ay inilinga niya ang paligid at nakita niya ang masayang ngiti ng mga magulang ni Lucas, ganun din ang ina niya. Nandoon din ang mga kaibigan ni Lucas na t

