"SORRY," hingi ni Herrah ng paumanhin kila Thea at Jana. Nang sila na lang sa dinning room ang naiwan at nag-aayos ng pinagkainan. "Ano ka ba! Wala iyon, bitter lang talaga si Mariz, kaya gano'n iyon," pagpapalubag loob ni Jana sa kanya. "Naging sila pala ni King. Totoo ba, na si Namica- "Hindi," putol ni Jana,"silang dalawa talaga ang nagkaproblema ni King, kaya sila naghiwalay tapos nang naka-move on na si King at nagkagusto na sa iba, saka nakikipagbalikan si Mariz. Kaso wala na eh, huli na." "Nakakapanghinayang nga, eh. Mga kaibigan namin 'yang sila Rain at Mariz. Tapos dahil lang sa naghiwalay na sila Rain at Lucas, King at Mariz, pati pagkakaibigan namin nadamay," ani ni Thea. "Pero sa totoo lang, naniniwala ako na kung sila talaga ang nakatadhana sa isa't isa. Sila rin naman ta

