Malalim na ang gabi pero hindi pa rin umuwi si Miguel. Natutulog na ang mga tao sa mansyon maliban na lang kay Nathalie pabalik-balik siya nang lakad dahil hindi pa rin umuwi si Miguel. Pumasok sa isip niya na baka kasama nito si Vanessa. Ilang saglit pa may pumasok na kotse sa gate, kaya nagmamadali siyang bumaba para salubungin si Miguel. Pero nagtataka siya dahil nangangamoy alak si Miguel. Tinitigan niya ang mukha nito. "Miguel lasing ka bakit ka uminom meron ka bang problema? tanong ni Nathalie habang hinahawakan niya ang braso nito dahil natatakot siya na baka matumba. Tinulungan niya si Miguel para umakyat sa hagdanan para hindi ito mahulog. Pagdating nila sa loob ng kuwarto agad niya itong pinahiga. Kumuha siya ng towel at warm water para punasan ito. Tinititigan niya ang mukha

