Chapter 4

1023 Words
"Vanessa, I'm sorry hindi ko kayang saktan ang girlfriend ko. Mahal na mahal ko si Nathalie at hindi niya deserve ang masaktan,” mahinahon na sinabi ni Nathan dahil tinawagan kasi siya ni Vanessa dahil kailangan nito nang kausap, pero hindi inaasahan ni Nathan na lalandiin siya ni Vanessa. Naghubad ito sa harapan niya at wala itong tinira na saplot sa katawan. "Nathan gusto ko lang namang matikman ka ulit? Miss na miss na kita alam mo ba na nagseselos ako kay Nathalie? Na-realize ko na ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko. Nathan, huwag mo akong tanggihan. Malungkot ako. Kailangan kita.” Lumapit si Vanessa kay Nathan at niyakap niya ito nang sobrang higpit. Tinulak siya ni Nathan pero mabilis si Vanessa. Hinalikan niya ang labi ni Nathan at sinipsip niya ang dila nito. Nagpumiglas si Nathan pero gumapang na ang dila ni Vanessa sa leeg niya kaya naman uminit na ang katawan niya at tumigas ang kanyang ari. Hindi niya na kayang tanggihan si Vanessa dahil nag-iinit na rin ang kanyang katawan. Binuhat niya si Vanessa at pinatong niya ito sa mesa. Nasa dining table kasi sila, para kumain sana pero ibang pagkain ang hinain ni Vanesa para sa kanya. Sino ba naman siya para tanggihan ang ganitong pagkain na sobrang sarap at kusang inaalok sa kanya. Hinubad niya ang kanyang mga damit kahit brief niya ay tinanggal niya. Pinahiga niya sa mesa si Vanessa at binuka niya ang mga hita nito. Umungol si Vanessa nang lumapat ang dila ni Nathan sa ari niya. Diniin niya ang ulo ni Nathan sa kanyang ari, at umigtad siya sa bawat pagsipsip ni Nathan sa butas ng kanyang ari. Halos nagliliyab ang init nang katawan nilang dalawa. Pinagpawisan ang katawan ni Nathan. Gustong-gusto naman itong haplusin ni Vanessa. Dinilaan ni Nathan ang singit ni Vanessa at pinatong niya ang hita nito sa kanyang balikat. Umiktad si Vanessa sa sarap sa ginawa ni Nathan sa kanya. "Nathan, ahhh. . . Ahhh. . '.” ungol niya habang kinakain ni Nathan ang kanyang ari. Umangat ang mukha ni Nathan at dinilaan ang kanyang katawan. Nilamas ni Nathan ang kanyang s**o. Naliligo na sila nang pawis dala na rin ito sa init ng kanilang mga katawan. Dinilaan ni Nathan ang leeg ng dalaga, umiktad ito nang ipasok ni Nathan ang kanyang ari. Sarap na sarap si Vanessa sa bawat pag-ulos at pagbayo ni Nathan sa kanya. Umungol na rin si Nathan sa sobrang sarap at sumabay ang puwet ni Vanessa sa bawat pag-sagad ni Nathan. Abot hanggang kaloob-looban ang ari ni Nathan. "Ahhh. . . ahhh. . . " ungol ni Nathan habang abala sa pagbayo niya sa dalaga. Halos bumabaon sa likod niya ang kuko nito. Hanggang sa nilabasan silang pareho at halos hinahabol nila ang kanilang mga hininga. Hinihingal silang pareho at nagtatawanan. Hinahayaan niya na nakabaon ang ari niya sa ari ng dalaga. "Ang sarap mo pa rin magdala, Nathan. Walang pinagbago," sabi nito na nakangiti. "Vanessa, kailangan ko nang umuwi baka hinahanap na ako ni mommy. Malalim na ang gabi,” sabi ni Nathan pero niyakap siya ni Vanessa at hinalikan siya sa labi. “Nathan, hindi ka na bata nasa tamang edad ka na, eh. Hayaan muna natin na mag-enjoy huwag mong isipin si Nathalie. Iba siya, iba ako. Kung kasama mo siya, kung magse-s*x kayo wala akong pakialam, Nathan. Ang sa akin lang bigyan mo rin ako nang oras tulad nito ng ginagawa natin. Paligayahin mo ako, Nathan," saad nito habang hinahawakan ang ari ni Nathan. "Vanessa, sa maniwala ka man o sa hindi, 'di pa kami nagse-s*x ni Nathalie. Magkaiba kayong dalawa." "Wow! Ganoon ba? Hahaha. Nakakatawa naman, Nathan. Ang ibig mong sabihin tigang ka mula nang naghiwalay tayo?" tanong nito habang tumatawa. "Vanessa, nirerespeto ko si Nathalie. Hindi siya katulad mo na easy to get. Kasal muna ang gusto niya bago s*x, kaya huwag mo siyang tatawanan," tumayo na si Nathan at nagbihis. Medyo na-offend siya sa sinasabi ni Vanessa dahil parang laro lang kay Vanessa ang s*x. "Nathan, I'm sorry. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Huwag ka naman magalit, Nathan," niyakap niya si Nathan mula sa likuran at hinalikan niya ang leeg nito. Tinulak siya ni Nathan at lumabas na ito. "Akin ka lang Nathan," bulong niya sa kanyang sarili. Kumuha siya ng wine at naglagay sa baso. Nagsindi na rin siya ng sigarilyo at umupo sa sofa. Masaya siya habang binabalikan niya ang nangyayari sa kanila ni Nathan. Pagdating ni Nathan sa bahay ay naabutan niya ang kanyang mommy na nanunuod nang TV. sa sala. Lumapit siya at hinalikan niya ito sa pisngi. "Mommy, magandang gabi po. Bakit hindi pa po kayo natutulog? Malalim na ang gabi," tanong niya sa mommy niya. "Anak, kanina pa kita hinihintay, nag-alala ako sa 'yo. Ngayon mo lang kasi ginawa 'to, eh. Saan ka ba galing at late ka nang umuwi?" tanong ng mommy niya. "Mommy, nagkita kami ng kaibigan ko. Napasarap ang kuwentuhan kaya medyo natagalan akong umuwi. Mommy, matulog ka na. Bawal na sa 'yo ang magpuyat." "Anak, pumunta dito si Nathalie, may importante raw siyang sasabihin sa 'yo. Hindi mo raw kasi sinagot ang mga tawag niya kaya pinuntahan ka niya dito. Ang sabi ko hindi ka pa umuwi mula kanina," sabi ng mommy niya. "Mommy wala ba siyang binanggit sa 'yo kung ano ang kailangan niya? Kasi nakapatay ang cellphone ko kanina," nag-alala siya kay Nathalie. Inisip niya na hindi ito pupunta sa bahay nila kung hindi importante ang kailangan nito. Tinawagan niya si Nathalie pero hindi nag-ring ang cellphone nito. Pumasok siya sa bathroom para maligo at iniisip niya na puntahan si Nathalie bukas sa bahay nito. Maagang gumising si Nathalie. Nagmadali siyang bumaba sa dining para magtimpla ng kape. Pero nagulat siya nang makita niya sa labas na may kausap ang mommy niya. Lumapit siya at hinawakan niya ang kanyang mommy sa balikat. “Mommy, bakit po ang aga niyo sa labas. Pumasok po kayo sa loob.” "Magandang araw po sa inyo, Ma'am. Ako po ang driver ng mga dela Torre at pinapasundo na ni ma'am Veronica ang anak niyo," saad ng driver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD