Samantalang sa opisina tahimik lang sina Miguel at Nathalie galit pa rin si Nathalie sa kanya kaya hindi sila nag-uusap. Pero nagulat silang dalawa nang biglang pumasok si Vanessa sa kanilang opisina. Tinititigan ni Nathalie si Vanessa at hindi siya nagsalita, tumayo si Miguel at hinawakan niya si Vanessa para palabasin sa opisina. Pero ayaw lumabas nito at lumapit pa ito kay Nathalie, pero hindi siya pinapansin nito. Hinampas niya ang table ni Nathalie para pansinin siya nito. Nagalit si Miguel sa ginawa ni Vanessa, hinila niya ito at pinalabas niya sa opisina pero nagmamatigas pa rin si Vanessa at nagpupumiglas pa ito. nang makawala siya sa paghawak ni Miguel sa kaniya sinugod nito si Nathalie at hinala niya ang buhok nito. Nasasaktan si Nathalie dahil nakalugay ang kanyang buhok mahab

