Gabi na pero hindi pa rin umuwi si Nathalie. Nag-alala na si Miguel sa kaniya tinawagan ni Miguel ang caretaker sa dating bahay nila Nathalie pero hindi daw napadaan si Nathalie doon. 9:00 o’clock na nang gabi pero wala pa rin ang kaniyang asawa. Nag-alala na siya baka tinuloy nito ang pagpasagasa ng sasakyan. Kinuha niya ang remote at nanood ng balita. Pabalik-balik na siya ng lakad at nanginginig na siya sa takot. Pinagmamasdan siya ng mommy at daddy niya. Nagtataka rin ang mga ito sa pinapakita ng anak nila. "Miguel anak bakit ba hindi pa umuwi si Nathalie? nag-aaway ba kayong dalawa? tanong ni Viola. Pero tahimik lang si Miguel at 'di nagsalita bakas sa mukha nito ang kaba at pag- alala. "Sagutin mo ang tanong ko Miguel anong ginawa mo? may kasalanan ka ba kay Nathalie? bakit para

