"Monic Nasaan sina Miguel at Nathalie? sabihin mo sa akin kung saan sila pumupunta!" singhal ni Vanessa kay Monic nagagalit si Vanessa dahil wala si Nathalie at Miguel sa opisina nito. kaya nagtanong siya sa secretary nila ni Miguel na si Monic. Natakot si Monic kay Vanessa dahil nanlilisik ang mga mata nito sa galit. "Tinatanong kita Monic! sagotin mo ako!" galit na Singhal ni Vanessa kay Monic. "Ma'am I'm Sorry po, pero bawal ko po talagang sabihin sa 'yo eh, kabilin-bilinan sa akin ni Sir Miguel." Saad nito habang nanginginig ang boses. Takot na takot si Monic kay Vanessa. Sabihin mo sa akin o puputulan kita ng dila!" sigaw ni Vanessa. "Ma'am natakot po ako kay sir Miguel eh. I'm sorry talaga." Mahinahong sabi ni Monic kay Vanessa. "Monic, 50,000 pesos kapalit ng impormasyon kung

