SHE CAN'T moved. Ngalay na ang katawan niya dahil sa pagkakatagilid na paghiga. Something is keeping her from moving. Ngunit kahit gano'n, she somehow still comfortable.
Nakakagaan kasi ang mainit at malapad na kung ano na nakasandal sa kanyang likod. It's giving her comfort. So much comfortable na para bang ayaw niya nang magmulat. Pero ang nanakit na tagiliran niya na ang gumising sa kanya.
Savannah slowly opened her eyes. Ang vanity table niya kaagad ang una niyang nasilayan. There was nothing new in her room except for the thing that was wrapped around her waist.
Kaagad na nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize kung ano 'yon.
Damn it! He's hugging me from behind!
"Alessandro!" mariin niyang tawag dito.
Ngunit hindi ito umimik o gumalaw man lang. Napamura siya sa isip. She was too stunned last night kaya hindi na siya nakapalag kagabi. Ang ending tuloy ay nakatulog siya at heto na nga.
Damn it! Damn it!
"Alessandro! f*****g wake up!" gigil na niyang gising dito.
Pero tulog mantika ang lalaki. Hindi man lang ito nagmulat, bagkus ay mas lalo lang humigpit ang yakap sa kanya.
Sinubukan niyang magpumiglas sa pagkakayakap dito pero biglang siyang napatigil. He suddenly moved. Akala niya kakalas na ito pero hindi. Nagtaasan lahat ng balahibo niya sa katawan nang isiksik ng binata ang mukha sa kanyang batok.
Her breath started to rag. Dama niya ang init ng hininga at mga labi nitong nakadampi sa kanyang balat. There was a sudden tingly feeling that ran through her veins and skin. Napahingal siya.
"Good morning, wife…"
Mas lalong naghurumentado ang kanyang dibdib nang magsalita ang binata sa kanyang likod. His voice is deep and husky. She'll be lying if she said it doesn't sound so damn sexy.
N-no! I cannot be affected! It is just a f*****g voice for f*ck sake, Savannah!
"L-let go. Wala kang human teddy bear dito," pagalit niyang sambit.
Really? Human teddy bear? That's all you can say?
He chuckled. Even his low laugh tickles her insides.
"But I do have a wife here, and I want to hug her. Is that wrong?" mapaglarong bulong ng binata. Maaligasgas ang tinig.
"Y-yes!" asik niya. Not knowing what to say. "Bitiw nga! Aalis pa ako!"
Bigla naman itong bumitaw sa pagkakayakap na hindi niya alam kung ikakatuwa niya. Naramdaman niya ang pag-upo nito sa kanyang likod.
Tumihaya siya para sana bumangon na pero nanigas siya sa kinahihigaan nang biglang umibabaw ang binata.
"Alessandro!"
Nagbalik ang kabog sa kanyang dibdib nang magtama ang kanilang mga mata.
Saglit siyang natulala sa mga mata nito. His eyes were like an exquisite piece of gold that is reflecting the glimpse of the sunlight. Malalim, mapaghiwatig at tila nang-aakit ang tingin nito.
"Why is my wife grumpy in the morning hmm?" he whispered. May lambing sa boses na nagpalunok sa kanya.
"B-because—because…." Muli siyang napalunok. Parang natuyo ang lalamunan niya dahil sa paraan ng pagtingin nito.
Kung tusukin niya kaya ang mga mata nito para hindi na siya parang baliw na natutulala rito?
"B-because…. Because I-I hate you! I hate you, that's why!"
May isang multong ngiti ang dumaan sa mapupulang labi ng binata. Para bang natutuwa sa isang bagay na hindi niya alam.
"Do you really hate me, Savannah?" he asked. "Or you can't just accept that I affect you?"
Napaawang ang kanyang mga labi dahil sa sinabi nito. Since when did he start talking that way?
Ngunit saglit lang ang pagkagulat niya. Her jaw clenched. She doesn't know what happened to the man the last few days, but no! There ain't no way she will let him win! He's obviously trying her again.
"Who are you for me to get affected?" Ngumisi siya. "The last time I checked, you are just the man I've rejected. Nothing more, nothing less!"
Inaasahan niya ang pagtugon nito. Pero walang ganon. Nakatingin lamang ito sa kanya. Salat sa emosyon ang mga mata. Hindi niya tuloy mabasa ang iniisip.
Nagalit na ba ito? Nasaktan sa sinabi niya? Why didn't he retort back?
"Hindi ka pa ba gagalaw? Gusto mo bang sipain pa kita riyan paalis?" mataray niyang untag dito. Hindi makayanan ang nanunuot sa laman nitong mga tingin.
"Alessandro—"
"Savannah…"
Natigilan siya. Bigla kasing sumeryoso ang boses nito. Pati ang mga mata ng binata. Kinabahan na naman tuloy siya.
"I know you hate me. I know you don't like the marriage. You made me so aware of it."
Napalunok siya nang umangat ang isang palad nito at humaplos sa kanyang pisngi. His touch sent something in her chest. Mainit ang kamay nito at nakakapagtakang gusto niya kung paano ito humaplos sa kanyang mukha.
"But I want you to know that I want the marriage, and I'm also aware of what you're trying to do. So I want you to give your whole power to stop it, because I will do everything in my power as well to push it through," seryoso sambit ng binata.
In her entire life, bilang lang sa kamay niya ang beses ng pagkikita nila ng binata pero sapat na iyon para masabi na seryosong tao ito. Seryoso. Lagi.
So to see seriousness coated with deep determination in his eyes, is giving her mixed feelings. Pakiramdam niya ay isa siyang tao na napasubo sa gera.
"And wife…" Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Ngiting hindi umabot sa mga mata ng binata.
"I may be nothing less than a low man in your eyes, but you are more than a worthy woman to me."
WALA na sa harapan niya ang binata pero ang kabog sa dibdib niya ay naroon pa rin. For some strange reason, the warmth she felt when he was hugging her felt like it was still on her skin.
It lingers.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at mahinang iniling ang ulo. Kulang pa yata siya sa tulog kaya ganto ang nararamdaman niya.
By the way, ano bang ginagawa nito sa pamamahay niya? Kelan pa ito natutong mag-trespass?
"Do you want coffee?"
Saglit siyang nanigas bago napamulat. Tila natuyo ang lalamunan niya nang masipat ang kabuuan ng binata. He's just wearing a white shirt and black sweatpants, but he looked so damn tempting.
Mabilis niyang ipinikit muli ang mata.
Kulang ka lang sa tulog, Savannah. He's not tempting!
"Wife?"
Inis na napamulat siya ng mga mata. Matalim niya itong tinapunan ng tingin.
"I said don't call me that!" asik niya.
Tumaas naman ang kilay nito. Like he's nonverbally asking why she's mad so early.
"Hmm…" he hummed before turning his back at her. Nagsimula itong mangalikot sa kusina niya. "You're always mad at my endearment."
"Because I don't like it," mariin niyang saad.
"May I know why?" kalmadong tanong nito.
Natahimik naman siya bigla. Bakit nga ba? Because she doesn't like how it sounds to her? But what does it sound to her anyway?
"B-basta. Wag ka nang magtanong! Asan na ba 'yong kape?" asar niyang sambit.
Fortunately for her, hindi naman na ito kumibo pa. Tahimik itong nagtimpla ng kape nilang dalawa.
She can't help but watch and observe Alessandro though. He looked so intimidating and firm when he's in a suit but right now, he looks so much different.
Although he still moves firmly and calmly, right now, he looks like a caring husband preparing coffee for his wife and it's… kinda cute.
Nag-panic siya nang bigla itong lumingon. Thank goodness, naiwas niya kaagad ang tingin bago mahuli nito.
"Thanks—W-what are you doing? B-bakit diyan ka umupo?" Nanlalaki ang mga mata niya dahil umupo ito bigla sa tabi niya.
He is so damn close. Amoy na amoy niya ang panlalaking pabango nito. It's not helping her calm down her nerves!
"Because it's vacant?" papilosopo nitong sagot.
Marahan niya itong itinulak sa braso. "Dun ka nga! Pwede ka naman dun sa malayo, ba't dito pa?!"
Nabigla siya nang hulihin nito ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan.
"Ayoko do'n. Gusto ko malapit sa 'yo."
Parang bigla namang bumagal ang oras nang magtagpo ang kanilang mga mata. Once again, she stares in awe secretly at those familiar warm amber eyes of his. For some reason, naroon na naman ang kakaibang kabog sa kanyang dibdib.
It's not because she was scared. It was something different. It felt warm.
Maging ang paghinga niya ay natigil nang sumilay ang maliit na ngiti sa mapupulang labi ng binata.
"I hope you have some spare time today, wife."
Napakurap siya bigla nang marinig ang boses nito.
"H-huh?"
"Let's go on a date."