Chapter 12

1096 Words
SHE was not in the good mood anymore when they left the party. Hindi niya pinapansin ang binata. Hindi rin naman ito nagsasalita ngunit nangingislap pa rin ang mga mata. Kaya mas lalo siyang nanggigil. His calmness was maddening her for no reason! Gusto niyang pilipitin ang maskulado at malambot na leeg nito. How he suddenly flipped the table at the party won't stop lingering in her mind. She couldn't really guess what was going on inside his mind. He's very unpredictable. If only she could read his mind. Baka maplano niya pa nang mas maayos ang susunod niyang hakbang. "Are you hungry?" biglang tanong nito. "You didn't eat at the party." Napairap siya at mataray itong sinagot, "Sa nangyari kanina mukha bang magkakagana pa akong kumain?" "Hmm, no?" Nilingon niya ito at pinanlisikan ng mata. "Namimilosopo ka ba?" gigil niyang tanong. Umiling ito. "No?" How she wish na nakamamatay ang tingin nang sa ganoon ay naghihingalo na ito! Pagkatapos ng ginawa nito kanina, may gana pa itong pilosopohin siya? "Then stop asking!" asik niya. "Ayoko nga." Umawang ang mga labi niya. "Ano?!" Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ng binata. "Okay, wife. Hindi na magsasalita." Muli niya itong inirapan saka tumingin sa bintana. Pinikit niya ang mga mata nang makaramdam ng pamimigat ng katawan. Nanatili siyang gano'n hanggang sa maramdaman niya ang paghinto ng sasakyan. Nasa parking lot na sila ng condominium pagmulat niya. Tamad na tinanggal niya ang seatbelt saka kinuha ang purse. Bubuksan niya na sana ang pinto nang makitang nagtanggal din ng seatbelt ang binata. "Ano'ng ginagawa mo?" takang tanong niya. "Taking my seatbelt off," sagot naman nito. "I know!" asik niya. "May mga mata ako! What I am asking is, why are you taking your seatbelt off?" Kanina pa siya asik nang asik dito. Hindi na siya magtataka isang araw kapag inatake siya dahil sa highblood sa lalaking ito. "Ihahatid kita," kaswal na sagot ni Alessandro. "No need. Kaya kong pumunta sa condo—Alessandro!" sigaw niya nang bigla itong lumabas. Napapadyak siya sa inis bago lumabas ng kotse nito. "I said I can go to my condo alone! Hindi mo 'ko kailangang ihatid!" reklamo niya. Bumaling ang mga mata nito sa kanya. "I know you can, you have two feet." Nanliit ang mga mata niya. "Then leave me alone." "Pero gusto kitang ihatid. Masama na bang siguraduhing ligtas ang mapapangasawa ko bago ako umalis?" Naumid ang dila niya. Her heart instantly reacted to his words. Nag-iwas siya ng tingin. Ilang ulit siyang lumunok at kinumbinsi ang sarili niyang kumalma. "Stop talking nonsense, Alessandro. Just leave me alone," seryoso niyang sambit. Tinalikuran niya ito saka humakbang palayo. Ngunit agad ding siyang napahinto nang magsalita ito. "I'm not talking nonsense, Savannah." Napalunok siya sa kaseryusuhan ng boses nito. "I just want to see you enter your condo safely. Is that too much to ask?" Tuluyan na siyang hindi nakapagsalita. May kakaibang init na lumukob sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano o para saan. Ngunit isa lang ang natitiyak niya. Takot siya. Takot siyang malaman kung ano iyon. Natigalan siya nang maramdaman ang palad ng binatang sumakop sa kanyang kamay. Tulala siyang nag-angat ng tingin. Hindi siya nakahinga nang makitang nakatingin sa kanya ang kulay ginto nitong mga mata. There was something in his eyes that she could tell, but couldn't admit to herself. "Let's go, wife," malumanay nitong sambit. Tahimik siyang nagpahila rito. Which was very unusual. Bigla ay hindi na niya mahanap ang sariling tinatarayan ito. Ang tanging naglalaro na lang sa isip niya ay ang mainit nitong palad na nakasiklop sa kanya. Tahimik pa rin siya nang marating nila ang condo unit niya. Saka lang binitawan ni Alessandro ang kamay niya nang nasa tapat na sila. Hindi niya alam ang sasabihin kaya binuksan niya na lang ang pinto. Pumasok siya sa loob at akmang isasarado ang pinto nang magsalita ang binata. Natigilan siya. "Savannah. . ." Hindi niya ito nilingon. Hindi rin siya nagsalita. Hinintay niya ang sunod nitong sasabihin. Kumabog ang dibdib niya nang marinig paglapit nito. Naramdaman niya ang mainit nitong palad na humawak sa kanyang braso. Marahan siya nitong pinaharap sa kanya. "Alessandro—" Naputol ang pagtutol niya nang maramdaman ang mainit at masuyong pagdampi ng mga labi ng binata sa kanyang noo. Umawang ang mga labi niya sa gulat. "Goodnight, wife." HINDI siya duwag at wala sa bulkabolaryo niya ang tumakbo. Pero at this point, gusto niya na lang tumakas, lumayo o maglaho. Pagkatapos nang nangyari kagabi, paano niya haharapin ang binata? Ayaw mawala sa isip niya ang mga katagang sinambit nito kagabi sa malumanay na boses. Mas gugustuhin niya na lang magalit ito kesa ganoon. Umangat ang tingin sa pinto nang humahangos na pumasok si Stella. Mahina siyang napabuga ng hangin nang makita ang kislap sa mga mata nito. Urgh! Huwag ngayon! "Ano na namang ginagawa mo rito?" masungit niyang tanong. Makahulugan itong ngumiti. "Kumusta naman ang mommy at daddy ng taon? You like it kinky pala, ah!" Mariin siyang napapikit. Of course, it will spread like wildfire. Everyone who heard her called Alessandro by that nickname. Expected niya na ang consequences ng kagagahan niya. "Just shut up, Stella," napapagod niyang saad. "Pagod na pagod, ah?" makahulugan nitong ani. "Nadiligan na ba ang nalalatang petchay?" Napaungol siya sa inis. "Stella!" Malakas lang siya nitong tinawanan. "I don't really get you, Savannah. You really did go to that extent to stop the marriage?" Inirapan niya lang ito. "I mean, oo, ako ang nagbigay sa 'yo ng idea na gumawa ng bagay matu-turn off siya para siya na mismo ang umatras sa kasal. But won't you really give it a chance?" tanong ni Stella. "Stella. I don't need a man." Seryoso ang mga matang binalingan niya ito. "I'd rather die alone than let a man ruin me again." Hindi na nagkomento si Stella. Alam ng kaibigan niya ang pinagdaanan niya noon at kung paano siya nasira dahil lang sa isang lalaki. She doesn't need to elaborate anymore. "Ano nang plano mo?" tanong ni Stella kapagkuwan. "Still the same. Mag-iisip na lang ako nang mas matinong plano. For now, I don't want to see him," sagot niya rito. "I'm afraid that won't happen." Sabay silang napatingin ni Stella sa pinto. It was Stephano. Naroon na ito sa tapat ng pinto. Masyado yata silang engrossed sa pag-uusap at hindi nila ito napansin. Kumunot ang noo niya. "And why?" Sumulyap muna ito sa likudan kung nasaan ang nakasaradong pintuan. "Mrs. Forfax is here." Nanlaki ang mga mata niya. "And she wants to see you." What?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD