Chapter 14

1200 Words
NAKAKABINGING katahimikan ang namayani sa buong biyahe nila. Nararamdaman niya ang tensyon na nagmumula sa binatang katabi kahit pa walang emosyon na mababasa rito. Pinili niya rin namang hindi magsalita. What is she going to say anyway? What is she going to ask him? Kung bakit ganoon ang reaksyon nito kay Stephano? Maybe it's better if I shut up until we reached Mrs. Forfax's house Mahina siyang napabuga ng hangin. Bakit ba pinoproblema niya pa ang nangyari kanina at pagiging tahimik nito? Matagal naman na itong hindi palasalita. Isa pa, pabor sa kanya kung mananahimik ito. Sinandal niya ang likod saka tumingin sa bintana. She shut down her mind. Ginamit niya ang katahimikan upang bigyan ng kapayapaan ang sarili. Saka lang bumalik sa realidad ang isip niya nang huminto ang sasakyan. Muling kumabog ang dibdib niya nang makita ang mansyong tinitirhan ng mga magulang ng binata. Dahil sa nangyari kanina ngayon niya lang naalala na dinner pala ang pupuntahan niya. Naalis ang tingin niya sa mansyon at nalipat kay Alessandro. Tahimik nitong tinanggal ang seatbelt at walang salitang lumabas. Mahina siyang napabuga ng hangin at tinanggal ang sariling seatbelt. Bubuksan na sana niya ang pinto nang kusa iyong bumukas. Alessandro opened it. Saglit siyang natulala rito bago tuluyang nakababa. Akala niya nauna na ito sa loob. Hindi pala. "Mom cooked." Nag-angat siya ng tingin rito. "She really likes you." Kumunot ang noo niya. Hindi niya ma-gets ang gustong iparating nito. Natigilan siya nang sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi nito. "I'm jealous, Savannah." Bakit pakiramdam niya ay may ibang kahulugan ang sinabi nito? Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi ko na kasalanan kung mas gusto ako ng mama mo kesa sa 'yo." Ngumiti lang ito na parang timang saka siya hinila. Akala mo hindi siya inimikan kani-kanina lang. Hindi niya talaga maintindihan ang ugali nito. Napakatahimik kanina kaya akala niya ay galit 'tapos ngayon nakangiti na. "You're not on drugs, right?" bigla niyang tanong habang hila-hila siya nito papasok sa loob. Bumaling ang mga mata nito sa kanya. "Why do you ask?" Nanliit ang mga mata niya. "Why don't you just answer?" "I'm not on drugs, Savannah," seryosong sagot nito. Nakahinga siya nang maluwag. Akala niya naga-adik ito kaya hindi masagot agad ang tanong niya. "But. . ." Umangat ang tingin niya rito. Hindi siya nakahinga nang masalubong ang mga mata nito na kanina pa pala nakatitig sa kanya. May kakaibang emosyon sa mga mata nito na nagpakabog ng dibdib niya. "I'm addicted to someone. . ." Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya dahil lang sa apat na letrang iyon. Pakiramdam niya ay nasa loob sila ng isang kwarto at ito lamang ang kasama. Naputol ang titigan nila sa isa't isa nang may tumawag sa pangalan niya. Dumapo ang tingin niya sa nakangiting ginang na papalapit sa kanila. Ang mama ni Alessandro. "Savannah! You make it!" masayang bati nito. "Good evening po," bati niya. Binigyan siya ng mainit na yakap ng ginang na hindi niya inaasahan. Mabuti na lang at hindi nito naramdaman ang saglit niyang pagkatigil. "Alessandro! Ang tagal kitang hindi nakita. Kung hindi ko pa niyaya si Savannah, hindi ka pa dadalaw rito," saad ng ginang. Naiiling sa binata. "Mom. Kakabisita ko lang last week," saad ng binata sa ina. Ngunit hindi ito pinansin ng ginang, instead, tumingin ito sa kanya. Napabitaw si Alessandro sa kanya nang hilain siya ng mama nito. "Mom!" Hindi niya alam kung matatawa o maa-amaze siya dahil sa reaksyon ng binata. Tunog nagrereklamo kasi ito. Akala mo inagawan ng laruan. It was the first time she heard him used that tone. Intimidating, who? Kahit anong laki na nito. Para pa rin itong bata pagdating sa ina. Lihim siyang natawa at napailing. Cute THE DINNER went well like she half expected. Akala niya magiging awkward ang dinner pero dahil sa masayang aura ng mama ni Alessandro, walang gano'ng nangyari. Alessandro's mother, Tita Amelie, is a warm, sweet and cheerful person. Kaya madaling napalagay ang loob niya rito. Parang normal nga lang na nagawa niya pang tulungan ito sa pagliligpit ng pinagkainan. Pagkatapos naman ay sunod silang pumunta sa library upang makita ang koleksyong libro ng ginang, habang ang binata at ama nito ay nag-usap sa labas ng bahay. "Oh! Alas otso na pala! Hindi ko namalayan ang oras," bulalas ng ginang. Nakatingin sa pambisig na relo bago muling tumingin sa kanya. "Sige na, 'nak. Tawagin mo na si Alessandro at magpahinga na kayo. Galing pa kayong trabaho. Pasensya kana. When it really comes to books, napapadaldal ako." Napangiti siya. "It's okay, Mrs—T-tita Amelie. Mahilig din po ako sa libro noon kaya na-enjoy ko rin ang pagtingin." "Yes! Yes! Nasabi rin sa akin noon ni Milana." Tumawa ito. "Kaya hindi na ako magtataka kung matatalino ang mga future apo ko." Mabuti na lang hindi siya umiinom ng tubig, kung hindi nasamid na siya. Pilit siyang ngumiti. "Oh, siya! Sige na. Sunduin mo na ang asawa mo. Iyong akin, marunong na 'yon," tumatawang biro ng ginang. Mahina siyang natawa saka nagpaalam sa ginang. Napabuga siya ng hangin pagkalabas. Kung alam lang nito kung paanong lantarang pantataboy ang ginagawa niya sa binata. If she could only tell Tita Amelie what's really happening between her and Alessandro. . . Lutang siya habang tinatahak ang daan patungo sa labas. Una niyang nadatnan ang malawak na swimming pool. Napakapayapa ng paligid at malamig ang simoy ng hangin. Huminto siya at ipinikit ang mga mata. Saglit na ninamnam ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang pisngi. She like cold weather especially if it's raining or after. Kahit maitim ang kalangitan at malamig ang hangin. May kung ano sa bawat tunog ng mga patak ng ulan ang nagtatanggal ng bigat sa dibdib niya. Hindi niya na kailangan ng tao, ng kahit anong bagay o luho para alisin ang lungkot sa puso niya. The rain. The cold wind. The dark sky. It was all enough. Napamulat siya nang makarinig ng dalawang taong nag-uusap sa 'di kalayuan. Wala siyang balak makinig ng usapan ng iba ngunit nang makilala niya ang isang boses. She instantly wanted to stay. "I heard your fiancè's giving you a hard time." It was Alessandro's father. Alessio Forfax. Nag-uusap ang dalawa sa garden na malapit lang sa pool area. Parehong malumanay ang boses ng dalawa pero dahil sa katahimikan ay maririnig sa puwesto niya ang sinasabi ng mga ito. "Yes. She is," sagot ng binata. Nagbaba siya ng tingin. Hindi siya dapat nakikinig sa usapan ng mag-ama pero ayaw kumilos ng mga paa niya. Lalo pa't siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Sa likod ng pagtutol ay naroon ang kagustuhan niyang malaman kung hanggang saan ang pag-uusapan ng mga ito tungkol sa kanya. "And it is okay." Kumabog ang dibdib niya. "She could give me a hard time for the rest of our lives, and it's still okay. I will take care of my wife, Dad. Kahit pa mukha balak niyang paputiin ang buhok ko." Kusang humakbang ang mga paa niya paatras. Naninikip ang kanyang dibdib. Pinigil niya sa pagpatak ang mga luhang namuo sa mga mata. Why her? Out of all the women in the world. Why choose her? Why me, Alessandro? Why?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD