Chapter 09

1278 Words
WALA RIN namang nangyari sa pagpupumilit niyang umuwi. Alessandro might act calm, but he is more stubborn than she was. At ikinakainis niya iyon. Nandito tuloy siya sa apat na sulok ng kwatrong pinagdalhan sa kanya ng binata. Nararamdaman niya pa rin ang tama ng alak sa sistema kaya gusto niya nang matulog. But how can she do that kung katapat ng kwartong ’to ang kwarto ni Alessandro? The thought that he's so close to her was keeping her awake. Bumaling siya sa kabilang direksyon at pilit na pinakalma ang utak upang makatulog. Ngunit hindi lang pala ang utak niya ang problema, kundi pati puso niyang panay ang kabog. She stayed still for a few moments hanggang sa siya na mismo ang sumuko sa sarili. Padabog siyang umupo. Matalim ang mga matang tiningnan niya ang pinto ng kwarto. "Kahit sa pagtulog!" naiinis niyang bulong. "So annoying!" Savannah released a harsh breath. She has to left. May pasok pa siya bukas. Hindi niya naman gustong bangag na pumasok. Nilingon niya ang malaking wall clock sa itaas ng flat screen t.v. It's already two in the morning. Kung hindi rin naman ako makakatulog, might as well leave. She will just sneak out. Sigurado namang tulog na ang binata. Madaling araw na. Hindi naman ito yata tipo ng nagpupuyat. Dahan-dahan siyang tumayo. Mabilis niyang inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto. Contrast to her guess, ang akala niya ay madilim ang hallway ngunit bukas lahat ng ilaw. Maingat ang kilos niya habang pababa ng hagdan. Sobrang tahimik ng paligid na kahit anong ingat niya sa paghakbang, para pa ring nage-echo ang heels niya sa hagdan. Nangunot ang noo niya nang maging sa sala ay nakabukas lahat ng ilaw. "Hindi marunong magtipid ang lalaking ’yon sa kuryente." Napailing-iling siya. Malapit na siya sa main door nang matigil sa paglalakad. Nanigas ang mga binti niya at kumabog ang dibdib. "Where are you going?" Savannah doesn't need to turn around to confirm who it was. Sa boses pa lang nitong may hatid sa kanyang kakaibang pakiramdam. No. She doesn't need to see his face to know who it was. Mabilis siyang humugot ng malalim na hininga bago tumayo ng tuwid. Confidence are plastered on her face as she face Alessandro. Susungitan niya dapat ang binata ngunit nauwi iyon sa pagkatigagal. Ilang beses siyang napakurap habang nakatitig dito. The amber eyed devil in a suit. . . is wearing batman pajamas at night! Saglit na naiwang nganga siya rito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano. Sino'ng mag-aakala na ang intimidating at ruthless businessman na ito ay nagsusuot ng pajama sa gabi. Take note. Batman pa! "What are you? Five years old?" hindi niya mapigilang tanong dito. Bumaba ang kulay gintong mga mata nito sa suot bago sa kanya. Kalmado at kaswal lang ito. Parang wala lang na nakita niya ito sa katawa-tawang damit. "My mom brought me this. I can't throw it, so, might as well use it," kaswal na sagot nito bagama't seryoso ang boses. "Hindi naman kasalanang magsuot ng damit na komportable, hindi ba?" Tango na lang ang nagawa niya. She tried looking away pero napapalingon talaga siya rito. Savannah doesn't like it, but she can't ignore it too. He looks adorable in those clothes. "You?" biglang tanong nito. "Saan ka pupunta? You're supposed to be sleeping now. Masama ang nagpupuyat." Pasimple siyang napasulyap sa entrance door. She was suddenly torn whether to lie or tell him the truth na nagbabalak siyang takasan ito. Bumalik ang tingin niya sa binata. Nakatingin lang ito sa kanya at matiyagang nag-aantay ng kanyang sagot. Hindi niya malaman kung ano'ng tumatakbo sa isip nito. Kung alam ba nitong tatakas siya ngunit nanahimik lang o hindi talaga. "N-Na. . . Nagugutom ako," mahina niyang sagot. "That's not the way to the kitchen. You should've knocked on my door to ask," saad ng binata. Nag-iwas siya ng tingin. "I'm not a child. I can figure out the way by myself at isa pa, I have manners. Hindi ako nang iistorbo ng tulog kung nagugutom lang naman ako." Alessandro was still staring down at her. Wala naman itong ginagawa pero hindi siya mapakali sa harap nito. "I won't take it as disturbing kahit pa alas tres ka ng gabi magutom, Savannah," seryosong saad nito. "Hindi ako ibang tao. I am your husband." Nagtaasan ang mga balahibo niya sa huling sinabi nito. She cleared her throat before looking at Alessandro. "You're not and will never be my husband," mariin niyang wika. "Ayokong makipagtalo sa ’yo. Where is the kitchen. Nagugutom na ako." Savannah waited for his answer ngunit lumipas na yata ang sampung minuto, hindi pa rin ito nagsasalita. Binalingan niya ito. Gusot na ang kanyang noo. "Where is it?" naiinis niyang tanong. Nagmamadali na siyang mawala sa harap nito ’tapos napakabagal sumagot. "You have manners, you said?" biglang sabi nito na kinakunot lalo ng kanyang noo. "Hindi ka nang iistorbo kung gutom ka lang naman. Find it yourself." Laglag ang kanyang mga panga nang talikuran siya ng binata. Kumulo ang dugo niya nang matauhan. Mangani-nganing huwag niya itong batuhin ng kanyang heels. "How dare you? Matapos mo ’kong dalhin dito! Gaganyanin mo ’ko!" gigil niyang sigaw. Nagaptuloy lang sa paglalakad ang binata na parang wala lang ang pagsigaw at gigil niya. "You're hungry, right? Find the kitchen. Ayoko nang makipagtalo sa ’yo." Lalo siyang nanggigil dahil sa panggagaya nito sa kanya. "Alessandro!" buong lakas at may halong gigil niyang sigaw. "’Night, wife," tanging sabi nito bago tuluyang umakyat leaving her blazing in fury. THANKFULLY, okay na ang mood niya paggising despite sleeping annoyed. Naghilamos lang siya ng mukha at gumamit ng spare toothbrush na nasa banyo. Wala namang siyang dalang damit kaya hindi siya makaligo at makapagpalit. Bitbit ang purse, lumabas siya ng kwarto. Nasa gitna pa lang siya ng hagdan, naamoy niya na ang aroma ng pagkain na nagpakulo ng kanyang tiyan. Ngayon niya naramdaman ang gutom. Hindi na siya nakakain kagabi dahil sa inis. Imbes na umalis, dumiretso siyang kusina. Nagugutom na siya. As much as she doesn't want to eat here, hindi na niya kaya ang gutom. Besides, bawi niya na rin sa binata dahil sa pang-iinis nito sa kanya kagabi. Napahinto siya saglit nang hindi katulong ang madatnan niya sa kusina, kung hindi si Alessandro mismo. She stared at him as he casually put the cooked hotdogs and egg on the plate. "Morning," bati nito na nagpabalik sa kanya sa realidad. Nagwala ang mga bulate sa tiyan niya nang makita ang umuusok pang pagkain. "Let's eat." Nag-iwas siya ng tingin. She changed her mind. Hindi na pala siya babawi. There's no way na magsasabay na naman silang kumain. "Uuwi na ako," tipid niyang saad. "Ihahatid kita." Kumuyom ang mga palad niya. "Kaya kong umuwi mag-isa," mariin niyang sambit. Tinalikuran niya na ito bago pa magbago ang isip niya dahil sa nakakatakam na pagkain sa hapag. Ngunit hindi pa siya nakakalayo nang muli itong magsalita. "One more step and I will make you my breakfast instead, Savannah." Nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan. Her heart started beating fast because of his serious and domineering voice. Gusto niyang umalis at suwayin ito ngunit hindi niya maigalaw ang katawan. "Don't try me, my wife." Napalunok siya ng laway. "W-what if I do? What if I don't stop disobeying you? Will you let me go? Will you stop the marriage—" Napasinghap siya dahil sa biglang paghila sa kanya. Napaharap siya rito. Mabilis na nagtagpo ang kanilang mga mata. Parang bibigay ang kanyang mga tuhod dahil sa tiim ng mga tinging binibigay nito. "No, wife," he said in a most dangerous and promising tone. "Never."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD