Chapter 79

1529 Words

Chapter 79 PAGDATING SA PALENGKE AY NAKITA ko agad si Tekla sa labas ng tindahan ko. Mabilis ako'ng lumapit sa kanya. " Bes." Nagulat ako sa nakita ng humarap siya sakin. Namumugto ang mga mata na para bang galing siya sa pag-iyak. Pero bakit? Kaagad ko naman binuksan ang tindahan saka mabilis siyang pinapasok dahil pinagtitinginan na siya ng mga tao sa labas. Hindi ko nahalata sa tawag niya sakin kanina na umiiyak siya. " Anong nangyare? Bakit namumugto ang mga mata mo?" Nag-aalala kung tanong sa kanya. Imbis na sumagot ay bigla naman pumalahaw ng iyak si Tekla kasabay ng pagyakap sakin. Hinayaan ko naman siya habang hinahaplos ko ang likod niya. Iyak parin ng iyak si Tekla habang humahagulgol. Nag-alala naman ako sa kanya. " Bes, ano bang nangyare? Bakit kaba umiiyak?" Anang ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD