Chapter 92 NAGSARA NA KAMI NG TINDAHAN dahil alas dose na ng hapon at pupunta pa ako sa bahay ni Kit tapos si Tekla naman ay uuwe nasa kanila. Pagdating sa labas ng palengke ay nagpaalam na kami sa isa't isa ng kaibigan. " Babye na. Mag-iingat ka." Saad nito. " Oo, salamat. Ikaw na mauna mamaya. Na sayo naman ang susi." Bilin ko dahil binigay ko sakanya kanina ang susi. " Opo, maam." Nakangisi naman nitong asar. Inaasar niya ako'ng maam kasi amo niya ako. Hindi ko naman naiwasan tignan siya ng masama. Kanina pa niya ako inaasar at napipikon na ako. Tumawa ito. " Sige na alis na ako. Baka mag-wonder woman ka. Sige sis, ingat ka." Aniya sa nakakaloko'ng ngiti. Mas lalo ko tuloy siyang tinignan ng masama. Nang mawala na ito ay napabuga ako ng malalim na hininga. " Bweset na babaeng 'y

