Chapter 81 PAGDATING SA BAHAY SINALUBONG agad ako ng bunso namin. " Bakit?" Anang ko. " Hindi pa umuuwe si Kuya. Bakit ngayun ka lang umuwe?" Tanong nito sakin na parang siya ang ate. Pero hindi kona pinansin iyon dahil anong oras na. Hindi pa kasi ako pinauwe ni Tekla at nakipag-kwentuhan pa sakin. Si Kit naman ay pinauwe kona. Hindi ko pwede ihatid kasi kasama ko si Tekla. Kaya naman ngayun lang ako nakauwe. " Bakit asan ba?" Tanong ko. " Nagpaalam siya kay mama na maglalaro. Pero hanggang ngayun wala pa." Tugon ni Kitty. " Asan si Mama?" " Sa taas. Kanina pa kasi niya tinatanong sakin kung umuwe na daw." Sagot na naman niya sakin. " Okey ako na bahala. Baka hindi pa tapos ang basketball. Ako na lang ang pupunta." Saad ko saka lumakad na. Nagtungo ako sa court pero wala ng naglal

