Matamis ang ngiting nakapakat sa labi ni Leonhart nang magising sya kinabukasan. Nagising kasi sya na nasa tabi nya pa din ang babaeng mahal na mahal at si Sophie iyon. Pinagmasdan nya ito habang mahimbing itong natutulog at nakatagilid sa kanya. Nakatapi lang ito ng kumot at bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi. Hindi nya maiwasang mapatitig sa taglay nitong kagandahan. Si Sophie ang tipo ng babaeng hindi nakakasawa kung pagmasdan. Simple lang ito ngunit may ipagmamalaki. Maganda ang kanyang kababata at lagi nya namang sinasabi iyon dito pero hindi nito nabibigyan ng kahulugan iyon dati dahil nga mag-bestfriend sila. Hinaplos nya ang makinis nitong braso at naglakbay sa isipan nya ang mga maiinit na sandaling pinagsaluhan nila kagabi. He's so lucky. Sya ang lalaking nakauna kay

