CHAPTER 26

2159 Words

Kanina pa nabubwisit si Draco dahil sa pagkakasandal ni Roz sa balikat nya. Tulog na naman ito. Sana ay hindi na lang ito sumama ngayon sa kanila. Patungo na sila sa bahay ni Leonhart upang sunduin ito. "Tanginang kuto talaga 'to oh. Ginawa pa kong unan ng gago," reklamo nya habang iiling-iling. Sila kasi ang magkasama sa likod. Kasama ni Wes ang asawa nitong si Deveraux. Buti nga at nakakasama pa ito sa mga gig kahit nag-aaral pa ito. Alam nyang kaya hindi pa din binabalak na mag-anak ng dalawa ay dahil nga pumapasok pa sa eskwela si Deveraux. Gusto muna ni Wes na maka-graduate ito ng college. "Uy Draco, ano na. May balita ka na ba sa pinapahanap ko sayo?" tanong sa kanya ni Kalil. Bigla nyang naalala ang sinabi nito noon sa kanya. Hanggang ngayon ay may hinahanap pa din itong babae

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD