Kinagabihan ay nagkasiyahan sila Roz at nagkayayaan na mag-inuman. Naglabas si Zach ng isang alfonso lights at iyon ang iinumin nila. "Wala bang redhorse man lang dyan?" tanong ni Roz kay Zach. "May alfonso na nga eh naghahanap ka pa ng iba? Lalaki lang ang tiyan mo sa redhorse!" sagot ni Draco kay Roz. Nakakalaki daw kasi ng tiyan ang beer. Sila Wes at Deveraux ay nakaupo lang sa sofa habang nanonood ng TV. Si Leonhart ay nasa itaas pa din at binabantayan si Sophie. Lima lang silang umiinom ngayon kasama ang driver. Hindi talaga nila kayang painumin si Wes kaya hinahayaan na lang nila ito. "Deveraux, kumusta na nga pala yung kaibigan mong maganda? May boyfriend na ba 'yon?" bigla ay tanong ni Roz kay Deveraux. "Si Shane ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Deveraux at ngumiti. "Oo sya n

