Halos dalawang oras ng nanonood si Sophie ng korean drama kasama ang asawa ni Wes na si Deveraux. Parehas silang nagkasundo sa ganitong panoorin, masaya itong kasama at mabait din kaya naman palagay ang loob nila sa isa't isa. Iniwan muna nila ang mga boys sa ibaba. Mukhang nagkakasiyahan ang mga ito dahil paminsan-minsan ay nakakadinig sila ng mga sigawan. "Gusto mo ba ng peanut brittle? Kukuha ako sa ibaba," sabi nya kay Deveraux para naman mayroon silang kinukukot nito habang nanonood sila ng movie. "S-sure sige," sagot naman nito habang nakangiti. Maamo din ang mukha ng asawa ni Wes. Yakap-yakap nito ang unan sa kama nila ni Leonhart at gamit nito ang kumot nya dahil malamig. Tumango sya dito at ngumiti din bago tumalikod upang tunguin ang ibaba. Nasa ibaba kasi ang mga pinamili sa

