"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday, happy birthday to you!" Napapailing na lamang si Leonhart habang pinagmamasdan ang mga kabanda nya na kumakanta dahil birthday ngayon ng bahista nilang si Wes Flores. Kasalukuyan silang nasa bahay nito ngayon dahil inanyayahan sila ng asawa nitong si Deveraux. Nagluto daw ito ng pananghalian at gusto nitong sorpresahin ang asawa. May hawak itong cake habang nakatapat iyon kay Wes. 32 ang nakalagay sa candle na nakapatong sa ibabaw niyon. "Hooo! Tumatanda ka na Wes, baka naman gusto mong bigyan na kami ng inaanak?" biro dito ni Zach. Napailing lang si Wes dito. Si Deveraux naman ay halatang medyo nahiya. "Sige na mahal, blow your candle..." malambing na sambit nito kay Wes. "T-teka lang mag-wish ka muna," sa

